Totoong maraming benepisyo ang pagpapasuso, o breastfeeding, hindi lang para kay baby pero kay mommy din. Kaya rekomendado ng mga eksperto ang pagpapadede sa mga sanggol, at sinisikap namang gawin ng mga bagong nanay kung ito ang kanilang desisyon.
Pero marami pa ring mga bagay tungkol sa breastfeeding ang nagpapagulo ng isip lalo na ng first-time mom. Nariyan ang magkakaiba at, kung minsan pa, magkakasalungat na payo mula sa mga kapwa nanay. Mainam talaga na komunsulta sa iyong doktor.
Para sagutin ang ilan sa mga kadalasang tanong ng mga breastfeeding moms, kinausap ng Smart Parenting si Dr. Jamie Isip-Cumpas. Isa siyang pediatrician at international board-certified lactation consultant, na sumailalim ng training mula sa prestisyosong Johns Hopkins Bayview Medical Center for Lactation Training sa United States. Miyembro rin siya ng Smart Parenting Board of Experts.
Totoo ba?
#1: Karaniwan lang ang kirot mula sa breastfeeding at pagsusugat ng nipples?
Ang sagot ni Dr. Isip-Cumpas: "Not true." Aniya, hindi dapat nagkakaroon ng "sore nipples," o iyong pagsusugat dulot ng masakit na pagpapasuso. Kapag nangyayari ito, posibleng mababaw ang pagdede, o "shallow latch," ni baby, at kailangang maituwid ito kaagad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Payo ni Dr. Isip-Cumpas na komunsulta sa isang lactation expert o lactation counselor para mabigyan ng lunas ang problema sa lalong madaling panahon.
#2: Plain food lang ang puwedeng kainin kapag nagpapadede?
Ang sagot ni Dr. Isip-Cumpas: "Not true." Paliwanag niya na mas kailangan ni baby ang exposure sa iba-ibang lasa at uri ng pagkain. Makakatulong ito para hindi siya maging toddler na pihikan sa pagkain.
#3: Bawal ang hair treatment sa breastfeeding moms?
Ang sagot ni Dr. Isip-Cumpas: "Not true." Paglilinaw niya na puwedeng magpakulay ng buhok o iba pang hair treatment kahit breastfeeding pa si mommy, basta siguraduhin lang na ligtas ang mga produktong gagamitin. Kung ligtas ito kay mommy, siguradong ligtas din ito kay baby.
Paalala ng doktora na mahalagang nakakapili ang breastfeeding mom ng ligtas na produkto para sa gagawin sa kanyang hair treatment. Pagkatapos, hayaang bigyan ang sarili ng kasiyang gumanda ang pakiramdam at hindi maging losyang. Ibig sabihin kasi nito ay mas maaalagaan ni mommy si baby.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.