Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Handa Ka na sa Breastfeeding? 4 na Tamang Posisyon ng Pagpapasuso kay Baby
ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock
  • Maaaring isipin na likas na madali lamang ang breastfeeding o pagpapasuso sa unang subok, ngunit hindi ito nangyayari sa isang iglap sa karamihan. Magandang magsaliksik muna habang buntis tungkol sa inyong breastfeeding o pagpapasuso. Sa ganitong paraan, pwedeng mabawasan ang inyong agam-agam at makatulong itong gawing kaaya-aya para sa inyo at inyong anak.

    Isa sa mga karaniwang tanong sa pagpapasuso ay ang tamang posisyon. Paano nga ba hinahawakan ang sanggol upang makuha niya nang maayos ang sustansiyang kanyang kinakailangan?

    More from Smart Parenting

    Sa isang baby shower ng SmartParenting.com.ph, ibinahagi ni Jamie Isip-Cumpas, M.D., isang pediatrician at international breastfeeding and lactation consultant (IBLC), ang mga pangunahing posisyon sa pagpapasusong marapat alamin ng mga ina.

    Cross cradle hold

    Kung kayo ay nagpapasuso mula sa kaliwang suso, hawakan ang inyong sanggol gamit ang kanang kamay. Sapuin ang batok ng inyong baby gamit ang inyong kanang kamay. Sa posisyong ito, ang inyong kaliwang kamay ay malayang hawakan ang inyong suso upang maka-"latch" nang maayos ang inyong sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    tamang pagpapasuso cross cradle
    Payo ni Dr. Isip-Cumpas, "It will be much easier for you to maneuver your baby around. Babies are very flexible, so don't be afraid to move them."
    ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock

    Football/clutch hold

    Ang football hold ay halos katulad ng cross cradle, ngunit ang ipinagkaiba nito ay sa parehas na brasong nakasuporta sa ulo ni baby. Kung ang kanang kamay ang nakasapo sa batok nya, ang breastfeeding ay sa kanang suso mo. Pansinin na ang direksyon ng mga binti at paa ng inyong anak ay palikod at ang mga ito ay nasa ilalim ng inyong braso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    tamang pagpapasuso footballclutch
    Sabi ni Dr. Isip-Cumpas."It's like holding a football or a clutch bag." (Para ka lamang naghahawak ng football o clutch bag.)
    ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock
    More from Smart Parenting

    Cradle hold

    Ito na siguro ang pinakakilalang posisyong makikita sa mga litrato ng pagpapasuso. Simple lang ito: kargahin lang si baby sa inyong mga bisig at siguraduhing naka-latch nang diretso sa inyong nipple. Subalit, sabi ni Dr. Isip-Cumpas, hindi lahat ng ina ay nadadalian dito. Wika niya, "If you're a first-time mom, sometimes it's hard to put the baby's mouth in the breast [in this position]. [The cradle hold] is easier for those who already had some experience in breastfeeding."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    tamang pagpapasuso ng sanggol cradle hold
    Kung kayo ay isang bago lamang sa pagiging ina, may kahirapan ang paglalagay ng suso sa bibig ng inyong anak sa ganitong posisyon. Mas madali ito para sa may karanasan sa pagpapasuso.
    ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock

    Side-lying

    Ang pagpuwesto ng side-lying ay ang pinakamadali sa apat na breastfeeding positions at maaaring makatitipid kayo ng oras. Sa posisyong ito, nakahiga nang patagilid ang mag-nanay nang magkatapat ang kanilang mga tiyan, o ang tinatawag na "tummy to tummy position."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang naka-side-lying, ani Dr. Isip-Cumpas, "You can have a few minutes of sleep while nursing — just make sure somebody else is in the room to make sure you don't accidentally fall on top of your baby." (Maaari kayong matulog nang panandalian habang nagpapasuso pero siguraduhin lang na may tao sa kuwarto para siguraduhin na hindi ninyo madadaganan si baby.)

    Dagdag ni doktora, "It's also perfect for middle-of-the-night feedings." (Ito ay mainam din kung magpapasuso sa gabi.)

    tamang pagpapasuso side lying position
    Inirerekomenda ang side-lying sa mga inang sumailalim sa C-section at nahihirapang umupo.
    ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Maaari niyong gawin ang anumang posisyon sa pagpapasuso at hindi ninyo kailangang limitahan ang inyong sarili na sundin lamang ang mga pangunahing posisyon. Sa kahit anong breastfeeding position, isaalang-alang lamang ang mga sumusunod:

    • Siguraduhing magkatapat ang inyong tiyan at ni baby, o ang tinatawag na "tummy to tummy position."
    • Dapat ay sumasagi ang ilong ni baby sa inyong nipple. Sabi ni Dr. Isip-Cumpas, "Always bring the baby towards you and never you towards your baby." (Palaging ilapit si baby papunta sa inyo at huwag kayo ang didikit sa kanya.)
    • Huwag matakot na ilapit sa inyong suso ang inyong sanggol. Giit niya, "Your baby will be able to breathe." (Makakahinga pa rin ang inyong sanggol.)
    • Kung tama ang inyong pagkakapuwesto, dadaloy pa rin ang hangin sa gilid ng inyong suso. Dagdag ni Dr. Isip-Cumpas, "And your baby won't actually suckle if they can't breathe." (Isa pa, hindi rin siya makakasuso kung hindi siya nakakahinga.
    • Dapat palaging magkahanay ang tenga, balikat, at balakang ng inyong baby. Upang matulungan siyang maka-"latch," hawakan ang inyong suso gamit ang libreng kamay para gabayan ito patungo sa bibig ni baby.

    May dalawang klase ng paghawak: ang 'C Hold' at ang 'U Hold.' Paliwanag ni Dr. Isip-Cumpas, "Imagine a very big hamburger, you'd want to compress it so you are able to eat it better. In the same way, compress the breast in a way that is parallel to the baby's mouth. Use a C-hold if you're in a football-clutch position, while the U-hold works if you're using the cradle hold positions."

    (Isipin ninyo ang isang napakalaking hamburger, gusto niyo itong hawakan nang mabuti para makain ninyo nang maayos. Sa ganung paraan, hawakan ang inyong suso nang kahanay ng bibig ng inyong sanggol. Gumamit ng C-hold kung kayo ay naka-football clutch position, at U-hold naman kung naka-cradle position.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguraduhing tama ang "latch" ng inyong sanggol nang sa ganun, nakasisiguro tayong natatanggap niya ang sustansyang kailangan niya at para na rin maiwasan ang kahit anong sakit o komplikasyon sa inyo.

    More from Smart Parenting

    Ayon kay Dr. Isip-Cumpas, "Breastfeeding should not be painful. It may be a little sore in the beginning, but it should not be painful." (Hindi dapat masakit magpasuso. Maaaring may kaunting kirot o pamamaga sa una, ngunit hindi ito dapat magtagal.)

    Ang mga sumusunod ay palatandaan ng isang mabuting "latch" sa mga sanggol:

    1. Dapat ay nakabuka nang maluwag ang kanyang bibig.

    Ang mga sanggol ay may "rooting/latching reflex," kung saan ay ngumanganga sila sa direksyon kung saan nararamdaman nilang may suso (o daliri) na dumadampi sa kanilang pisngi.

    2. Dapat ay dumadampi ang baba ng inyong sanggol sa inyong suso.

    Ani Dr. Isip-Cumpas, "Usually the lower portion of the areola is not visible." (Kadalasang hindi na kita ang ibabang bahagi ng areola.) Ngunit maaari rin namang hindi matakapan ni baby ang buong areola habang sumususo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    tamang pagpapasuso breastfeeding position
    ILLUSTRATOR Vasilyeva Larisa/Shutterstock

     

    3. Dapat naka-curl ang ibabang labi ng inyong sanggol.

    Upang masigurong natatanggap ni baby ang inyong "liquid gold," dapat ay makita niyong gumagalaw ang kanyang panga at temple (sentido). Ang pagsupsop ay mabilis sa panimula na siyang maghuhudyat sa "let down." Pagkatapos nito, maririnig ninyo ang kanyang paglunok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga baby na nakasuso nang maayos ay kadalasang nakauubos ng anim na diaper sa pag-ihi, na may dalawa o tatlong beses na pagdumi na walang masangsang na amoy, at bumibigat ng 20 hanggang 30 grams kada araw.

    Payo ni Dr. Isip-Cumpas, "Make sure to follow up with your baby's pediatrician after 48 to 72 hours to make sure everything is going right." (Siguraduhing kumonsulta sa inyong pediatrician pagkatapos ng 48 hanggang 72 oras upang makasigurado sa inyong kalagayan.)

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    4 Basic Breastfeeding Positions You Should Know

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles