embed embed2
  • Pinay Nurse Says Malaking Tulong Ang Pocket-Sized Breast Pump Sa Paggawa Ng Milk Stash

    Nakapag-exclusive breastfeeding siya kahit may trabaho at dalawang anak ang inaalagaan nang ‘solo’.
    by Grace Bautista .
Pinay Nurse Says Malaking Tulong Ang Pocket-Sized Breast Pump Sa Paggawa Ng Milk Stash
PHOTO BY Courtesy of babymama.ph and Wyona Young-Ramos
  • Napakasaya ng second-time mom na si Wyona Marie Young-Ramos, isang nanay mula sa Smart Parenting Village, noong tuluyan nang naging batas ang Expanded Maternity Leave Law, dahil sakto ito sa panganganak niya noong May 2019. (May 1, 2019 nang mapirmahan ang Implementing Rules and Regulations ng batas na ito ngunit sakop nito ang lahat ng nanganak mula March 11, 2019.)

    Kuwento ni Wyona,  “I was lucky nung nanganak ako kasi kasabay nun pinahaba na yung maternity leave.”  Siya ay nanganak sa pamamagitan ng emergency Cesarean section noong May 18, 2019 sa kanyang pangalawang anak na si Sammiah Wyoniq.

    Nilubos-lubos niya ang tatlong buwang maternity leave sa pagpapagaling at eksklusibong pagpapasuso sa kanyang baby girl na si Miah, kahit na may kahirapan dahil sa kanyang C-section. Ibang-iba ito sa naging experience niya noong 2012, nang pinanganak niya ang kanyang panganay via normal delivery.

    'Hindi madali ang breastfeeding pero sulit ito'

    Si Wyona at ang kanyang pamilya noong bagong panganak si Miah.
    PHOTO BY Courtesy of Wyona Young-Ramos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kwento ni Wyona, “At first, nahirapan ako magpadede dahil sa tahi ko. Mahirap makagalaw especially hindi ko lagi kasama ang husband ko, who is working in the province. Ang hirap din because I have [another small child] na inaalagaan pa. Iba yung hirap kapag mag-isa ka talaga. Thankfully, tinutulungan ako ng parents ko.”

    Kahit nahihirapan, walang duda sa isip ni Wyona kung sulit ba ang lahat ng pagod at sakripisyo para mag-exclusive breastfeeding kay baby Miah. “I know it is beneficial not only for me but also for my baby, and yes, mas sulit kasi and practical."

    Pero dagdag niya, "But after almost three months of exclusively breastfeeding, kailangan kong bumalik sa work as a school nurse. Iba pa rin kasi yung may trabaho ako lalo na I have two kids.”

    Alam ni Wyona na kailangan na niyang mag-ipon ng gatas para sa kanyang pagbabalik sa trabaho pero noong una ay nahirapan siya na maghanap ng oras para sa pagpa-pump.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, “Ang hirap kasi konting galaw ko lang, magigising si baby o madalas din tulog ako ‘pag tulog siya. But when I regained my strength, I planned everything by schedule para makaipon ako ng stash ko. Siguro mga 2-3 weeks before mag-end yung maternity leave ko, nagkaroon na ko schedule for pumping.”

    Sinunod raw niya ang mga payo ng ibang breastfeeding moms. “Sabi nila, every after breastfeeding, pwede nang mag-pump so ganun ang ginawa ko. Or kapag nagpapadede ako sa isang boob, yung isang boob pina-pump ko. Masaya na akong makaipon ng 3 oz,” kwento ni Wyona.

    Humanap ng tamang tools na hiyang sa iyo

    Noong unang nanganak si Wyona noong 2012 ay hindi pa raw marami ang mapagpipiliang breast pumps dito sa Pilipinas. Pero binigyan siya ng ospital kung saan siya nanganak ng isang “old-school glass pump” na sinubukan din niyang gamitin.

    Nakatanggap din siya ng hospital grade Medela breast pump galing sa tita niyang nasa USA. Pero malaki kasi ito kaya ginusto ni Wyona ng maliit na pump na madaling bitbitin para sa pagbabalik niya sa trabaho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ni Wyona, “Nung naghahanap ako ng ibang pump gusto ko yung pocket [size at] magagamit ko anywhere and any time kasi nga I will go back to work.”

    Una niyang tiningnan ang mga Medela at Spectra pumps, pero may kamahalan kasi ang mga ito at naisip niyang hindi naman niya gagamitin ng napakatagal. “So I researched and I saw [the] Wisemom brand. I hurriedly purchased the pocket type kasi nga gusto ko yung pocket size.”

    Ang kanyang binili ay ang Wisemom Pocket Rechargeable Double Electric Breast Pump. “Nung dumating siya nag-enjoy ako nung una ko siyang i-try. It has different levels of pumping at may message [mode] pa. Kaya nagustuhan ko siya.

    "I love how I can use it anywhere plus rechargeable pa. Hindi bulky dalhin plus it has 2 bottles included and you can avail it with nipples in case you want to bottle feed your baby,” sabi ni Wyona.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga pakinabang ng breastfeeding

    Ito na si Miah ngayon, isang malusog at masayang breastfed toddler
    PHOTO BY Wyona Marie Young-Ramos

    Hanggang ngayon na isang taon at pitong buwan na si Miah ay breastfed pa rin siya. “Maliban sa alam ko yung benefits nito para sa aking anak nutritionally, sulit siya dahil hindi na kami gumagastos para bumili ng gatas at pati na yung alam kong mapapakain ko siya any time and anywhere," kwento ni Wyona.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag niya, "Rewarding din yung bond talaga and I get to breastfeed her kahit anong position. Like now, I started to work from home so kahit nakaupo ako sa chair, I can still breastfeed her and nakakatulog naman siya,” kwento ni Wyona.

    Payo para sa mga bagong nanay

    “As a nurse, I always tell my mommy friends na wag silang ma-stress because it affects the production of our breast milk. At kahit hindi sila makapagpa-breastfeed, it’s okay. It will never make them less of a mother,” sabi ni Wyona.

    Dagdag pa niya, “It’s okay to buy those branded breast pumps, after all, iba pa rin yung quality [ng mga iyon]. But I highly recommend Wisemom Pocket not only because it’s affordable, [but] specs wise, it’s really worth it!”

    Naghahanap ka ba ng iba pang brand ng electric breast pump? Click here for our guide!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles