embed embed2
  • Posible Ba Ang 5 Days Pregnancy Symptoms? 10 Senyales Na Maaaring Magsabing Buntis Ka

    Bagamat masyadong maaga para makumpirmang buntis sa ikalimang araw lamang, posible pa ring makaranas ng mga sintomas.
    by Dinalene Castañar-Babac .
Posible Ba Ang 5 Days Pregnancy Symptoms? 10 Senyales Na Maaaring Magsabing Buntis Ka
PHOTO BY Pexels/Cottonbro
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Hindi maiiwasan sa mga babaeng sumusubok na magkaanak ang maging mapag-alala sa nangyayari sa kanilang katawan. Wala naman kasing masama na umasang nakakaramdam na sila ng sintomas ng pagbubuntis, kahit pa 5 days pregnancy symptoms.

    Alam natin na ang unang senyales ng pagbubuntis ay kapag hindi ka dinatnan ng iyong buwanang dalaw o regla. Pero may maagang sintomas na nararanasan din dahil sa mga nangyayaring sa pagbabago ng katawan.

    Karaniwan na ang mga sintomas sa pagbubuntis ay mas nararamdaman pagkaraan ng 15 days past ovulation (DPO). Pero may ilang mga kababaihan na nakararanas ng sintomas sa loob pa lamang ng 5 araw.

    Sa ikalimang araw pagkaraan na ma-fertilize ng sperm ang egg cells nararanasan ang pagkakaroon ng implantation bleeding o cramps na isa sa maagang sintomas ng pagbubuntis. Bukod pa ang pagtigas ng dede at pagbabago sa mood.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang 5 days pregnancy symptoms?

    Bagaman mahirap na agad matukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa katawan sa simula ng pagbubuntis, may iilan na nakararanas na ng sintomas sa loob ng 5 araw pa lamang. Karaniwan sa mga sintomas ang pagtigas ng dede, pagduduwal, pagnanais sa isang particular na pagkain, at pagkapagod. Pero maiuugnay naman ang mga ito sa mga hormonal changes na nararanasan tuwing ovulation o menstruation.

    Kapag narating ng fertilized egg cell ang ikalimang araw, ayon sa Apollo Cradle & Children’s Hospital, nagkakaroon ng pagbabago sa cell sa loob nito na tinatawag na zygote. Nagsisimula na ang zygote na dumami para lumikha ng mga cell na tinatawag na blastocyst. Patuloy na dumarami ang mga cell habang bumababa ang blastocyst sa fallopian tubes papunta sa matris o uterus.

    Kapag naman umabot ang blastocyst sa uterine wall, kakabit ito roon para makakuha ng access sa nutrisyon sa papamagitan ng dugo. Sa 5 DPO, maaaring maglakbay ang blastocyst sa uterine wall o kaya naman nakakonekta na ito rito. Kapag nakakonekta na ito, magsisimula na ang pagiging fetus nito at ang journey ng pagbubuntis.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Dito posibleng maranasan na ang ilan sa maagang sintomas ng pagbubuntis:

    Pananakit ng puson (cramping)

    May ilang kababaihan ang nakararanas ng pananakit ng puson gaya ng nararanasan nila tuwing may regla o buwanang dalaw. Maaaring resulta ito ng maraming pagbabagong nagaganap sa matris habang nagsisimulang nagdedebelop ang implanted egg.

    Pagbabago sa mood

    Maraming babae ang napapansin na nagiging emosyonal sila o mabilis na pagbabago sa kanilang mooda na posibleng dulot ng hormone sa pagbubuntis sa mga unang linggo.

    Pagdurugo (bleeding)

    Isa ito sa nararanasan ng maraming babae sa pagsisimula ng pagbubuntis. Nagkakaroon ng tinatawag na spotting na may kulay brown na discharge na parang dugo. Maraming dahilan din ang pagkakaroon nito, gaya ng cervical irritation o infection, implantation bleeding, ectopic pregnancy, o miscarriage.

    Bagaman karaniwan ang pagdurugo sa unang trimester ng pagbubuntis at hindi naman palaging indikasyon ng matinding problema sa pagbubuntis.

    Pagbabago sa suso

    Mapapansin ang pagtigas o pagsakit ng suso lalo na ang nipple hanggang mapansin din ang paglaki ng areola na epekto sa pagbabagong nagaganap sa iyong reproductive system sanhi ng pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hirap sa pagdumi o constipation

    Kadalasan na naapektuhan ang digestion o pagtunaw ng pagkain sanhi ng hormonal changes na nagdudulot ng hirap sa pagdumi.

    Pagkahilo

    Karaniwang nararanasan ang pagkahilo o pagkaliyo lalo na kapag biglang pagtayo mula sa pagkakaupo. Nagmumula ito sa dilated blood vessels na isang side effect ng pagbubuntis na nakaapekto sa blood pressure.

    Pagduduwal

    Bahagi na ng sintomas ng pagbubuntis ang ganitong morning sickness sa unang trimester. Bagaman sa iba nararanasan ito sa pagkaraan pa ng mga ilang linggo ng pagbubuntis. Ito ay dahil na rin sa pagbabago ng panlasa at labis na pagprodyus ng laway dulot ng pagbubuntis.

    Pagbabago sa temperatura ng katawan

    Ang pagbabago sa basal body temperature ay isa sa mga maagang sintomas ng pagbubuntis. Ito ang temperatura ng katawan sa pagising sa umaga. Nakaapekto ang fertility at ovulation sa basal body temperature.

    Paghahanap ng ibig kainin (food craving)

    Kasama rin ng maagang sintomas ng pagbubuntis ang pagkatakam sa isang partikular na pagkain. Matindi ang kagustuhan mong matikman ang isang pagkain o tila may hinahanap ang iyong panlasa. May iba naman na nagiging mapili sa pagkain o kaya nawawalan ng gana sa pagkain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paglagiang pag-ihi

    Ang pagnanais mong laging umihi ay isang maagang sintomas din ng pagbubuntis. Ito ay dahil sa pagtaas ng lebel ng pregnancy hormones sa iyong katawan na nagpapataas din ang pagdaloy ng dugo sa iyong kidney at bahagi ng pelvic. (Basahin dito ang karanasan ni Angelica Panganiban.)

    Ayon kay Dr. Katerina Shkodzik, isang ob-gyn sa Belarusian State Medical University, masyado pang maaga para magsagawa ng pregnancy test sa 5 DPO. Ito ay dahil ang hCG levels ay hindi pa ganoon katas para matiyak ang pagbubuntis. Mas mabuting maghintay pa ng ilang linggo bago ito gawin.

    Pero paliwanag ng doktora na posibleng maganap na ang pagbubuntis sa ikalimang araw pagkatapos ng ovulation. Bagaman masyadong maaga ang pagkumpirma ng pagbubuntis, maaari daw mangyari ito sa 5 DPO kung fertilized na ang egg cell dahil malamang na papunta na rin ito sa implantasyon sa iyong matris. 

    Kung inaasahan mo at talagang nagpaplano ka sa iyong pagbubuntis, mas makabubuting simulan mo na rin ang iyong pangangalaga sa katawan. Payo ng mga eksperto na magkaroon ng healthy diet at lifestyle para maging malusog ang iyong magiging pagbubuntis. Makatutulong din ang pagkonsulta sa iyong doktor para makatiyak ka sa ilang sintomas na nararanasan mo, kabilang ang 5 days pregnancy symptoms.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    https://www.apollocradle.com/what-to-expect-5-days-past-ovulation/

    https://flo.health/pregnancy/pregnancy-health/5-dpo-pregnancy-symptoms

    ---

    Basahin dito ang mga sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close