;
embed embed2
  • Angelica Panganiban Sa Pinaglilihian: 'Ang Sakit-Sakit Sa Akin Pag Hindi Ko Siya Nakikita'

    Ipinagbubuntis ni Angelica ang panganay nila ng partner na si Gregg Homan.
    by Jocelyn Valle .
Angelica Panganiban Sa Pinaglilihian: 'Ang Sakit-Sakit Sa Akin Pag Hindi Ko Siya Nakikita'
PHOTO BY Instagram/iamangelicap, YouTube/The Homans
  • Sa kasalukuyang unang pagbubuntis ni Angelica Panganiban ay nararanasan niya ang pagiging "sobrang arte," lalo na sa kanyang partner na si Gregg Homan.

    "Si Gregg ang pinaglilihian ko," lahad ng aktres sa kanilang vlog. Parte si Gregg ng management team ng Bay Marine Subic, isang kumpanyang nagde-desenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng aluminum boats at water crafts.

    Specialization ni Gregg ang underwater construction at may malawak siyang kaalaman sa aspetong mechanical/electrical ng negosyo, ayon sa website ng kanilang kumpanyang nakabase sa Subic, Zambales.

    Kuwento ni Angelica, "Hindi pa ako naging kaarte buong buhay ko. Aalis lang siya papunta sa work—which is 7 minutes away kung saan kami nakatira—umiiyak ako. Palagi. As in Ang sakit-sakit sa akin pag hindi ko siya nakikita."

    Dugtong niya, "Nagdidilig lang s’ya ng halaman sa labas, nasa-sad ako, parang , ‘Bakit ang layo mo?"

    Sabi naman ni Gregg sa kanilang panganay: "That’s why we think it’s a girl."

    Love story

    Sa simula ng kauna-una nilang video sa kanilang "The Homans" YouTube channel, ikinuwento nina Angelica at Gregg kung paano sila nagkakilala. Anila, December 2018 sila dapat magkikita pero bandang 2020 na sila nagkakilala.

    Paliwanag ni Angelica kung nasaan si Gregg noong December 2018, "Nasa New Zealand s’ya." Hirit pa niya, "’Tapos parang hindi talaga s’ya interesado sa ’kin."

    Tumanggi naman si Gregg, "That’s not true. It’s more like…I was nervous more than anything else." Dagdag niya na naririnig na niya ang pangalan ni Angelica bilang artista at nakikita sa mga magazines, partikular sa "sexy magazines." Hindi naman napigilan ng aktres na mang-asar sa panunukso ni Gregg.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagpapatuloy ng kuwento ni Angelica: "So, hindi nga kami natuloy no’ng 2018. Nagkaroon kami ng chance no’ng 2020 kasi ’yung location ng Walang Hanggang Paalam ay dito mismo sa Subic. Kung saan tagadito talaga si Gregg."

    Walang Hanggang Paalam ang teleseryeng pinagbidahan ni Angelica sa ABS-CBN, kasama sina Paulo AvelinoZanjoe Marudo, Arci Munoz, Cherry Pie Picache, at iba pa. Umere ito mula September 28, 2020 hanggang April 16, 2021.

    Sabi ni Angelica, si Cherry Pie ang common friend nila ni Gregg "na nangungulit" na ipagtagpo sila. Panay daw ang sabi ni Cherry Pie sa kanya ng ganito: "Sige na, game na, mag-meet na kayong dalawa."

    Pag-amin ni Angelica, "No’ng una, ayoko talaga. Kasi hindi naman jaded, pero parang tamad na tamad na ’ko sa mga dating-dating na ganyan. Hindi na ako interesado. Masaya naman akong single.

    "Para lang matahimik si Miss Pie, pumayag na ’ko makipag-meet sa kanya. Doon nag-start ’yun. Nag-meet kami sa Lighthouse dito sa Subic."

    Kalaunan, naging palagay na sila sa isa't-isa. Pagbabalik-tanaw ni Gregg, "I remember a conversation we had that we said to each other na even if we couldn’t be in a relationship together, we wanted to be friends because we had so much in common. We did like our conversations.”

    Base sa isang Instagram post ni Angelica, naging official ang kanilang relasyon noong July 11, 2020.

    Pagsapit ng Pasko, pinagu-usapan na nila ang pagkakaroon ng baby. Lahad ni Gregg, "It was our first Christmas together, and we had friends with kids."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagtatapat naman ni Angelica, "Doon ko first time naramdaman na worth it lahat kasi wala akong naramdamang takot about building a family together. Parehas namin s’yang gusto."

    Expectant parents

    Kuwento ni Angelica na nalaman niyang buntis siya habang pasimula pa lang ang lock-in taping niya para sa sitcom sana nila ni Piolo Pascual noong January 2022 (basahin dito).

    Aniya, "Di ako naniniwalang buntis ako kahit delayed ang period ko kasi dumaan ang Pasko…Well, November, birthday ko. So, birthday season, Christmas season…Alam ko, from November to December, wala kaming ginawang tama. Talagang puyat, entertain ng mga bisita. Pagod lagi kami.

    "Kabaligtaran sa mga sinasabi ng mga doctor sa mga ginawa namin. Kaya feeling ko, imposibleng buntis kami kasi mali-mali ang ginawa namin. I think nakatulong ’yun na hindi ako stressed, hindi siya stressed. Dati kasi kapag fertile ako, pauuwiin ko talaga siya ng bahay."

    Pero para lang masabing sinubukan niyang alamin ang dahilan ng delayed menstruation niya, kumuha siya ng home pregnancy test habang nasa location ng taping sa Antipolo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagtatapat niya, "So siyempre, talagang kinagulat ko na buntis ako. Halo-halo ang emotions. Kahit pala anong ready ka, pinag-pray mo, ang tagal n’yong sinubukan, pag nakita mo ’yung dalawang lines, manginginig pala talaga ’yung katawan mo.

    "Hindi mo alam kung talagang ready ka. Never pa akong nakapagbuhat ng newborn, as in newborn, 1-day old. Anak mo na ngayon, magbi-breastfeed ka na. Ang daming takot. Kaya ko ba? Kaya ko ba?"

    Dahil nasa trabaho si Angelica, ang una niyang napagsabihan ay ang isa sa kanyang team. Kaya raw "bitter na bitter" sa katrabaho niyang iyon si Gregg, na kasalukuyang nasa Subic nang malaman niyang buntis siya.

    Kuwento ni Gregg, nagmamaneho siya at may may kasamang kaibigan sa sasakyan nang magpadala ng mensahe si Angelica. Tanong daw ng kanyang girlfriend: "Are you busy? Can we talk?"

    Ang akala daw niya ay may ginawa o nasabi siyang mali, o di kaya may nakalimutan, hanggang tinawagan na siya. Sinagot ni Gregg ang telepono at tinanong si Angelica: good news or bad news?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumagot naman daw si Angelica: "I’m positive." Natakot si Gregg dahil akala niya positive ang kanyang partner sa COVID-19 virus, kaya sinabihan niya itong umuwi na lang. Pero nagsabi naman si Angelica na mag-video call sila. Doon na ipinakita ng aktres ang pregnancy test kit na may dalawang linya.

    Pag-amin ni Gregg sa nakita: "I was dumbfounded. I didn’t know what to do…We were on the side of road and didn’t know what to do. We started crying. It took a while to sink in."

    Sa kasalukuyan, ilang buwan na lang ang hinihintay nila Angelica at Gregg bago lumabas ang kanilang unang anak. Nakapagdesisyon na sila sa mga kukuning mga ninong at ninang, na pawang mga malalapit sa kanilang puso. Kabilang diyan ang mga matalik na kaibigan ni Angelica sa showbiz na sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, at John Prats.

    Basahin dito kung kailan kadalasang nagsisimula ang paglilihi. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles