embed embed2
  • Alamin Ang Mga Dahilan Kung Bakit Dinudugo ang Buntis

    Konting patak man o banayad na pagdudugo pa lang, ugaliin magtanong sa doktor.
    by Jocelyn Valle .
Alamin Ang Mga Dahilan Kung Bakit Dinudugo ang Buntis
PHOTO BY kosmos111/iStock
  • Bagong karanasan ang pagdadalang-tao lalo na kung unang pagkakataon ito para sa isang babae. Kaya naman nakakagambala kapag may hatid itong kakaibang pakiramdam o kondisyon. Mainam na alamin ang dahilan, halimbawa, kung bakit dinudugo ang buntis. 

    Sa mga unang linggo ng pagbubuntis, may mararanasan na kaparis ng pagkakaroon ng regla o menstruation. Ang tawag dito ay implantation bleeding. Sa regular menstruation, mula light pink hanggang dark brown ang dugo na tuloy-tuloy na dumadaloy sa loob ng ilang araw. Sa implantation bleeding, mula bright hanggang dark red ang vaginal discharge at on-and-off ito.

    More for parents like you

    Bakit dinudugo ang buntis 

    Nangyayari ang implantation bleeding, ayon sa American Pregnancy Association (APA), kapag ang fertilized egg ay pumuwesto sa loob o interior lining ng uterus, na kilala din sa tawag na endometrium. Paliwanag pa ng What to Expectmula anim hanggang 12 araw ang paglalakbay ng fertilized egg mula sa fallopian tube papunta sa uterus o matres. Sa paggalaw ng fertilized egg ay may maliliit na blood vessel na natatamaan at pumuputok kaya nakakaroon ng pagdudugo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat hindi kailangang mag-alala sa pagkakaroon ng implantation bleeding, makabubuti pa rin sa buntis na ipagtapat niya ito sa kanyang doktor.

    Bukod sa implantation bleeding, may iba pang posibleng dahilan ng banayad na pagdudugo, ayon pa rin sa APA. Maaaring dahil ito sa iritasyon sa cervix pagkatapos magpa-check-up o kaya makipagtalik, mag-ehersisyo nang todo, at magkaramdam ng vaginal infection.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More for parents like you

    Isa pang dahilan bakit dinudugo ang buntis ay ang first trimester bleeding na karaniwang ilang patak lang kaya tinatawag din itong spotting. Maraming buntis ang nakakaranas nito at nanatili silang malusog hanggang manganak. Ngunit rekomendado pa rin ang pagpapatingin sa doktor. Maaari kasing unang senyales ang spotting ng seryosong kondisyon, tulad ng ectopic pregnancy, molar pregnancy, at miscarriage.

    Nagkakaroon ng ectopic pregnancy kapag ang fertilized egg ay hindi nakarating sa uterus at pumuwesto sa ibang parte ng female reproductive system, kadalasan sa fallopian tube. Kaya tinatawag din ang klase ng pagbubuntis na ito na tubal pregnancy. Kailangan na magamot kaagad ito dahil walang kakayahan ang fallopian tube na maging bahay-bata at hindi mabubuo ang embryo dito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang molar pregnancy ay isang abnormality ng placenta na resulta ng genetic error habang nasa fertilization process pa lamang. Nagkakaroon ng abnormal tissue sa uterus at hindi na nabubuo pa ang embryo dito. Isa sa bawat isang libong pagbubuntis sa United States ay nagiging molar pregnancy, ayon sa APA, at mas mataas pa ang bilang ng mga kaso sa Mexico at mga bansa sa  Southeast Asia, partikular ang Pilipinas. 

    More for parents like you

    Humahantong sa miscarriage o nakukunan ang buntis bago niya marating ang 20th week, ayon sa Mayo Clinic website. Dagdag pa nito na 10 hanggang 20 porsyento ng pagbubuntis ay nauudlot. Minsan pa nga ay nakukunan ang isang babae nang hindi niya namamalayan dahil nangyayari ito nang hindi pa siya nakakakuha ng pregnancy test. 

    Bukod sa spotting, may ibang sintomas ang ectopic pregnancy, molar pregnancy, at miscarriage. Ilan sa mga ito ang pagkirot ng tiyan, pananakit ng likod, at hirap sa pag-ihi o pagdumi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakaroon pa rin ng spotting kahit malapit nang manganak kung may pagbabago sa cervix ng buntis o may vaginal infection siya. Maaari ding dahil sa tinatawag na “show,” na inilalarawan ng United Kingdom National Health Service (NHS) ang pagkawala ng “plug of mucus” sa cervix. Ang ibig sabihin daw nito ay naghahanda na ang cervix sa paglabas ng sanggol mula sa sinapupunan at nangyayari ito ilang araw bago makaramdam ang buntis ng contraction.

    May ilan pang dahilan kung bakit dinudugo ang buntis sa huling bahagi ng kanyang pagdadalang-tao, ayon pa rin sa NHS. Kabilang dito ang placental abruption, low-lying placenta o placental praevia, at vasa praevia. Mga seryosong kondisyon ang mga ito na nangangailangan nang agarang medical attention.

    More for parents like you

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles