-
News Get A Chance To Win P100,000 By Sharing Your Smart Parenting Story!
-
Preschooler Matindi Ang Tigas Ang Ulo? Ang Posibleng Dahilan Ng Pagiging Sobrang Pasaway
-
Getting Pregnant Totoo Ba na Bawal Maligo sa Gabi o Magsuot ng Kuwintas Kapag Buntis?
-
News Amari Crawford Had The Most ‘Kagigil’ Photo, But Tamomo (Almost) Steals The Spotlight
-
Buntis At Masakit Ang Tagiliran? Iwasan Ang Pagtayo At Pag-Upo Nang Matagal
Malamang ang nararamdaman mo ay pelvic pain

PHOTO BY Shutterstock/Twinsterphoto
Maraming sintomas ng pagbubuntis ang mararanasan ng isang babae. Isa na rito ang iba't ibang klase ng pananakit ng katawan. Halimbawa, bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis? May dapat nga bang ikabahala?
Ang pananakit ng tagiliran ng buntis o pelvic pain ay karaniwan talagang nararanasan sa pagbubuntis. Ang symphysis pubis ay makikita sa harap ng pubic bone. Tinatawag na Symphysis Pubis Dysfunction (SPD) o mas kilala ngayon na Pelvic Girdle Pain (PGP) ang sakit na nararanasan sa bahagi ng katawan na ito.
Ang pelvic pain ay ang sakit na nararamdaman sanhi ng paninigas o hindi pantay na paggalaw ng pelvic joint sa harap ng pelvis.
Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis
Nangyayari ang SPD dahil nag-stretch ang pelvic bone ng buntis na nagiging dahilan para maging unstable ang pelvic joint kaya nakararanas ng pananakit ng tagiliran. Tumataas at bumababa din ang pubic bone sa magkasalungat na direksyon.
Maaaring maranasan ang kondisyong ito anumang panahon ng iyong pagbubuntis ngunit karaniwan sa second trimester at maaaring ding pagkatapos na manganak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa ibang buntis, ang sakit na nararanasan dulot ng SPD ay nagsisimula sa unang yugto ng pagubuntis at higit na tumitindi pa kalaunan. Nararamdaman ang sakit sa bahagi ng pelvis at groin area at maaaring umabot mula sa lower back papunta sa hita.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAng sumusunod ay ilan sa mararamdaman na mga senyales ng SPD:
- parang paghihiwalay ng iyong pelvic bone
- hirap sa paglalakad o pag-akyat ng hagdan
- hirap sa pagtayo sa isang paa
- hirap sa paglalayo ng mga binti
- hirap sa pag-ikot o pagbalikwas sa higaan
Sintomas ng pelvic pain sa pagbubuntis
Hindi nakaapekto o delikado para sa baby ang pelvic pain pero nakapagdudulot ito ng matinding sakit sa palibot ng iyong pelvic at magiging sanhi ng mahirap na pagkilos. Nakaririnig ng lagutok sa may pelvic area ang ilang babae na nakararanas nito.
Bukod dito, kung mayroon kang pelvic pain, mararamdam mo ang sakit sa:
- buong binti
- pagitan ng area ng vagina at anus (perineum)
- isa o magkabilaang bahagi ng balakang (lower back)
- may pubic bone sa gitnang harapan, halos sa may bandang balakang
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga eksperto, tinatayang nasa isa sa limang buntis ang nakararanas ng kondisyong ito. Karaniwang nagkakaroon nito ang mga may history na ng sakit sa pelvic at posibleng sa posisyon o timbang ng baby sa sinapupunan.
Ilan sa mga sintomas ng Symphysis Pubis Dysfunction:
- may history ng sakit sa lower back o pelvic girdle pain
- may naging injury na sa pelvis
- pagkakaroon ng pelvic girdle pain sa naunang pagbubuntis
- pagtaas ng body mass index
- paninigarilyo at pagkakaroon ng emotional distress
- may trabaho na matindi ang pisikal na pagkilos
Mababawasan naman ang sakit na dulot ng SPD sa pagbubuntis
- Kumilos lamang sa kung ano ang kayang gawin
- Iwasan ang mga gawain na magpapalala ng sitwasyon o sakit
- Iwasan ang pagde-kuwatro ng mga binti
- Iwasan ang pag-upo sa sahig
- Iwasan ang pagtayo at pag-upo nang matagal
- Magpahinga kung kinakailangan
- Humingi ng tulong sa paggawa ng gawaing bahay
- Magsuot ng komportableng sapatos o tsinelas
- Umupo habang nagbibihis lalo na pagsusuot ng pantalon o shorts
- Matulog sa komportableng posisyon, mas ipinapayo ang pagtulog nang patagilid
- Sumubok ng ibang paraan ng pag-ikot o pagbalikwas sa higaan
- Hinay-hinay at dahan-dahan sa pag-akyat sa hagdan
- Kung gumagamit ng saklay, magkaroon ng isang backpack na mailalagay ang mga gamit
- Gumamit ng ice pack at ilapat sa pelvic joints nang 10-15 minuto
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa mga nabangggit, inirerekomenda rin ng mga physiologist ang pagsusuot ng pelvic support belt dahil makatutulong din ito na maibsan ang sakit. Gayundin ang angkop na pag-eehersisyo o pelvic tilt exercise at ang acupuncture o therapy.
Kung maagang maagapan kung bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis, malaki ang maitutulong upang maiwasan ang matagal at labis na pag-inda ng sakit na maidudulot nito sa pagbubuntis sapagkat agad na malalapatan ng lunas.
Kaya mahalagang ipaalam agad sa iyong doktor kung may nararamdamang sintomas nito at maaaring ma-irefer ka sa isang physiotherapist na eksperto sa paggamot ng mga problema sa pelvic joint.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network