Para kay Bernadette Sembrano, masakit marinig ang tanong "Bakit wala ka pang anak?" hindi raw dahil ayaw nilang magka-anak, kung hindi dahil "complicated" raw ito.
Subalit sa lahat ng pinagdaanan nilang pagsubok, nananatili pa rin masaya at positibo ang 46-taong-gulang na news anchor at TV host dahil sa pagmamahal sa kanya ng asawa.
Bernadette Sembrano shares 'complicated' but inspiring fertility journey
Nito lang ay ipinagdiwang ni Bernadette at ng kanyang asawang si Emilio "Orange" Aguinaldo IV ang kanilang ika-15 taon bilang mag-asawa. Kasabay nito, ibinahagi niya sa isang vlog sa kanyang YouTube channel ang kanilang fertility journey. Hindi man raw sila maging successful sa kanilang attempt na mabuntis, nais daw nila maging source of inspiration para sa ibang trying to conceive din.
"Not being able to carry a child is a very painful journey for me. Ito ang bubog ko," sabi niya.
30 taong gulang si Bernadette nang siya ay ma-diagnose ng endometriosis, isa sa mga pangunahing sanhi ng infertility sa kababaihan ayon sa WHO. Bukod dito, natuklasan din na barado ang kanyang fallopian tube. "Therefore, talagang ang chance nang talaga natin to get pregnant is through IVF," kuwento ni Bernadette.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
READ ALSO: 'Sana Po Soon': The Painful Journey Of Trying To Get Pregnant With Endometriosis
Ginawa naman raw nila ang lahat ng treatment, paggagamot, at surgery na kailangang gawin upang makabuo. Noong 2018, nakabuo sila ng baby sa pamamagitan ng in-vitro fertilization o IVF, ngunit hindi nagtuloy ang kanyang pagbubuntis matapos ang 9 na linggo.
Maraming pinuntahang mga doktor at clinic si Bernadette para magpa-second opinion at magpa-test. Isa sa kanyang inirerekomenda ang Kato Repro Biotech Center, na gumagamit ng mga infertility treatment mula sa Japan.
READ ALSO: Here's How Much Money You'll Need If You're Considering IVF
Hindi iniinda ni Bernadette ang sakit ng mga tests dahil gusto nilang ilaban pa at magkaroon ng sarili nilang anak. Bago ipa-implant ang huling embryo nila, nagpakonsulta muna si Bernadette sa isang reproductive immunologist para malaman ang lagay ng kanyang katawan. Nagdaan sila sa Lymphocyte Infusion Therapy (LIT) kung saan kinuhanan ng dugo ang kanyang asawa at ililipat ang mga white blood cells nito sa kanya. Ayon sa doktor, maaaring kaya siya nakunan noon ay dahil wala siyang good antibodies sa katawan niya, kaya ang prosesong ito ay makakagawa ng good antibodies.
Ngunit matapos ang LIT at ang surgery para matanggal ang kanyang myoma, hindi pa rin naging maganda ang resulta ng ultrasound para kay Bernadette. "So mas manipis pa yung lining after several attempts of medicine and hormones," aniya.
Malungkot man daw siya, hindi pa rin sila sumusuko at tinitingnan nila ang surrogacy bilang isa pang paraan para makabuo.
Sa pagtatapos ng vlog ni Bernadette sabi niya, "We always talk about family planning in terms of birth control. But I feel family planning should be really about planning to have a family and addressing it as a couple."
Dagdag pa niya, "No matter the pain, I am grateful because of my asawa, who not once pressured me to do things to my body. It is because of my husband's love for me that I am able to share our story."
Nagtapos naman ang vlog na ipinapakita ang kanyang asawa at ang aso nilang si Uni.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Panoorin ang buong vlog dito.
Kung planong mag-surrogacy, may apat na bagay na kailangan mong malaman. Basahin dito.