embed embed2
Buntis Ba Ako? Heto ang Pregnancy Test Results ng Ilang Mommy
PHOTO BY iStock
  • Sa tulong ng teknolohiya, hindi mo na kailangang pumunta (agad-agad) sa isang ob-gyn para malaman kung ikaw ay buntis. Ang pinakamadaling paraan upang makatiyak ay sa pamamagitan ng pagkuha ng home pregnancy test. Umihi ka lang at maghintay ng resulta ayon sa levels ng human chorionic gonadotropin (hCG) sa iyong katawan. Ang hCG ay isang hormone na nagmumula sa nade-develop na inunan o placenta, at dito matutukoy kung magkaka-baby ka na nga talaga.

    Pero mapapagkatiwalaan nga ba ang mga kit na ito? “Home pregnancy tests have come a long way over the years,” (Malaki na ang iniunlad ng mga home pregnancy test sa pagdaan ng mga taon) sabi ni Stephen Rechner, M.D., ang division chief ng General Obstetrics at Gynecology sa Spectrum Health sa Michigan, USA, sa Parents. “They can now detect pregnancy earlier and are accurate most any time of day.” (Nakikita na nito nang mas maaga ang pagbubuntis at tama ang resulta anumang oras.)

    Ayon kay Heidi Murkoff at Sharon Mazel, mga may-akda ng What To Expect When You’re Expecting, maaari nang ma-detect ang hCG sa dugo at ihi ng babae kapag nagsimula nang mag-implant ang embryo sa matris, anim hanggang 12 araw pagkatapos ng fertilization. Gayunpaman, posible pa rin na hindi makita ng pregnancy test ang hCG isang linggo pagkatapos nitong mabuo.

    Ang ibang mga sanhi ng maling resulta (false negative, halimbawa) sa pregnancy test ay ang pagkuha nito nang masyadong maaga (bago ang takdang buwan ng dalaw), paggamit ng expired nang pregnancy test, o ang maling paraan ng paggamit nito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano gamitin ang pregnancy test?

    Maraming pregnancy test kits ngayon na talaga namang napakadaling gamitin. Mayroong pregnancy test kits na papatakan mo ng ihi, habang ang iba naman ay itututok lang midstream habang umiihi ka. 

    Hayaan mo lang ito ng ilang minuto at agad mo nang makikita kung ano ang resulta. 

    Paano ko malalaman kung positive ang resulta ng pregnancy test?

    Sa karaniwang pregnancy test, dalawang malinaw na guhit ang kailangang makita para masabing positive. “If your test is showing a [second] line, no matter how faint it is, you’re pregnant,” (Kung lumitaw ang [ikalawang] guhit sa iyong test, kahit gaano pa ito kalabo, ang ibig sabihin nito ay buntis ka) sulat ni Murkoff at Mazel.

    Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan na mag-alinlangan o magduda sa resulta ng iyong pregnancy test kapag lumitaw ang malabong ikalawang guhit. Hiningan namin ng tulong ang mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village tungkol sa kanilang positive pregnancy test, at ito ang mga natuklasan namin:

    Ang dalawang buo at malinaw na guhit ay nangangahulugang buntis ka

    Ilang linggo nang ‘di maganda ang pakiramdam ni Mommy Ivy Sanchez, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na buntis siya. “I thought I was just putting on some weight,” (Akala ko, bumibigat lang ang timbang ko) sabi niya sa SmartParenting.com.ph.

    pregnancy test result
    Naisipan lang ni Ivy na bumili ng pregnancy test, sa halip na bumili ng gamot sa isang mall. “It was the longest 15 seconds of my life, but the results were two red lines clear as day,” sabi niya.
    PHOTO BY Ivy Sanchez
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isa pang mommy, si Belle Alconcel Salido, ang nagsabi, “My period was delayed but I didn’t want to get my hopes up because I’ve been disappointed a number of times already." (Delayed ang dalaw ko pero ayokong umasa dahil ilang beses na rin akong nabigo.)

    pregnancy test philippines
    Nag-pregnancy test si Belle mga isang linggo pagkatapos siyang hindi datnan, at ang resulta ay “two very dark red lines.”
    PHOTO BY courtesy of Belle Alconcel-Salido

    Samantala, ang ibang mga mommy tulad nina Zanette Ortega, Leslie Tripoli-Bautista, at Kristin Valencia-Dy, ay dalawang ulit pang nag-test bago lumitaw ang dalawang guhit.

    pregnancy test check
    Nag-test si Zanette ng umaga pero hindi siya kumbinsido sa pangalawang guhit na malabo, kaya’t nag-test ulit siya sa hapon. Ang resulta? Positive!
    PHOTO BY courtesy of Zanette Ortega
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “At two weeks, my first pregnancy test turned out negative,” (Sa unang test ko noong ikalawang linggo, lumabas na negative ang pregnancy test ko) pagbabahagi ni Leslie.

    pregnancy test read
    Ngunit makalipas ang isang linggo, sumama ang pakiramdam niya at siya’y nilagnat, kaya’t sinubukan niya ulit ang test. “I got too excited to see two lines!”
    PHOTO BY courtesy of Leslie Tripoli-Bautista
    pregnancy test reading
    “I believed I was pregnant even if my first test had a faint second line. I was sure in my heart that I was having a baby,” kuwento ni Kristin. Hindi nga siya nagkamali!
    PHOTO BY courtesy of Kristin Valencia-Dy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “I took three pregnancy tests,” (Tatlo ang kinuha kong pregnancy test) pagbabahagi ni Rona Dela Pena-Macario. Pero malabo lahat ang lumabas na linya. “I showed it to our doctor and she told me yes, I was pregnant.” (Ipinakita ko ‘yon sa aming doktor at sinabi niya sa akin na oo, buntis nga ako.) Ngunit dahil may PCOS si Rona, hindi niya iyon agad pinaniwalaan.

    pregnancy test know how
    Pagkaraan ng dalawang linggo, malinaw ang mga guhit na lumabas sa panibagong test. Nagpa-transvaginal ultrasound din siya at narinig niya ang tibok ng puso ng kanyang baby.
    PHOTO BY courtesy of Rona Dela Pena-Macario
    What other parents are reading

    May malabong pangalawang guhit? Ikaw ay buntis

    Tatlong ulit nag-test si Yzet Macay-Serrano; Sa dalawang pagkakataon, parehong negative ang resulta.

    pregnancy test accuracy
    Makalipas ang ilang linggo, sinubukan niya ulit, pero lumitaw ngayon ang pangalawang guhit na malabo. Nag-test siya ulit at lumabas na mas malinaw — positive!
    PHOTO BY courtesy of Yzet Macay-Serrano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroong ikalawang linya na malabo sa unang subok ni Donna Margarejo-Laggui kaya't nagduda siya kung siya ay buntis dahil mayroon din siyang polycystic ovary syndrome (PCOS).

    pregnancy test reliable
    Kinabukasan, sinubukan ulit niya at mas malinaw na ang resulta.
    PHOTO BY courtesy of Donna Margarejo-Laggui

    Hindi mapaniwalaan ni RJ Bataan ang resulta ng kanyang test, na lumabas na may malabong pangalawang linya. Isang taon na silang umaasa na siya ay magbuntis.

    pregnancy test learn how
    Sumubok siya ng ibang kit, ang (+) sign ay positive at (-) bilang negative. Heto ang resulta.
    PHOTO BY courtesy of RJ Bataan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi agad naniwala si Mary Grace Belison noong makita niya ang pangalawang guhit na malabo dahil negatibo ang resulta ng test niya isang linggo bago iyon. Alam na niyang nagdadalang-tao siya; gayunman, bumisita pa rin siya sa ob-gyn upang makatiyak.

    pregnancy test correct use
    “Ayoko kasi umasa, baka masaktan lang ako,” sabi ni Mary Grace. Buti na lang at totoo ngang buntis siya!
    PHOTO BY courtesy of Mary Grace Belison

    Si Angelica Tabulug naman ay hindi na nagduda pa. “I believed the results right away,” (Pinaniwalaan ko agad ‘yung resulta) kuwento niya.

    pregnancy test right way
    “But to be sure, I also had a transvaginal ultrasound right after. I found out I was 6 weeks pregnant!”
    PHOTO BY courtesy of Angelica Tabulug
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nangangahulugan pa ring buntis ka kahit napakalabo ng guhit

    Para sa ibang mga mommy, tulad ni Juleene Dela Cruz, ang paglabas ng halos ‘di na makitang linya sa test kits nila ay hindi sapat upang makumbinsi sila na nagdadalang-tao nga talaga sila. Sa loob ng walong taon, tumigil na siya sa pag-inom ng contraceptives pero hindi siya nabuntis kahit minsan. Kaya naman kahit limang araw na siyang delayed, hindi pa rin siya maniwala!

    pregnancy test learn more
    Umabot sa apat na subok bago siya nakumbinsi sa huli (noon lang naglitawan ang mga buong linya!)
    PHOTO BY courtesy of Juleene Dela Cruz

    Nagkaroon ng PCOS si Ghreizy Decena-Limlingan kaya bumili siya ng iba't ibang brand ng mga pregnancy kit at nag-test siya nang tatlong magkakasunod na araw. Sa paglipas ng bawat araw, ang mga guhit ay naging mas halata pa.

    pregnancy test finder
    Matapos ang maraming pagsubok, nakumpira sa isang blood test ang pagbubuntis ni Ghreizy.
    PHOTO BY courtesy of Ghreizy Decena-Limlingan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Na-diagnose na noon si Mina Balada ng PCOS, at habang sinusubukang magbuntis, sa kasamaang palad ay pumanaw ang kanyang kinakasama noong Abril 2018. Matapos ang ilang buwan, hindi siya dinatnan. Dalawang beses siyang nag-test noong Hulyo, at parehong positive ang resulta. Subalit pagkatapos niyang kumuha ng test sa clinic ng ob-gyn niya, nag-negative naman ang resulta. Sa huli, pagkatapos niyang nagpa-transvaginal ultrasound, lumabas na siya’y ilang buwan na palang nagdadalang-tao!

    pregnancy test price
    Matapos ang lahat ng pinagdaanan niya, tunay na blessing ang baby ni Mina para sa kanya.
    PHOTO BY courtesy of Mina Balada

    Bagama’t nagkaanak na si Maria Fatima sampung taon na ang nakakaraan, may mga pagdududa siya na mabubuntis siya ulit dahil na -diagnose siya ng endemetriosis. Matapos kumuha ng dalawang test, kung saan napakalabo ng mga guhit, nagpunta siya sa isang ob-gyn at nakumpira lamang ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound.

    pregnancy test where to buy
    Isa pang sorpresa — kambal ang dinadala ni Fatima!
    PHOTO BY courtesy of Fatima Erece
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pregnancy test ay ang pinakamabilis at pinakamurang paraan upang malaman kung ika’y nagdadalang-tao. Gayunman, kahit ilang home pregnancy test ang magbigay ng resultang positive, kailangan mo pa ring pumunta sa iyong doktor upang masiguro ang iyong pagbubuntis. Mas mapagkakatiwalaan ang resulta ng pregnancy blood test kaysa sa home pregnancy test, at makasisiguro ka pang ligtas ang pagbubuntis mo. 

    Paano mo nadiskubreng buntis ka? Ikuwento mo sa amin sa comments!

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Am I Pregnant? Moms Share Their Actual Pregnancy Test Results!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close