;
embed embed2
Buntis Ba Ako Kung Isang Linggo Nang Delayed Ang Period Ko?
PHOTO BY Shutterstock/Chanintorn.V
  • Missed period o ang kawalan ng regla ang isa sa mga pangunahing sintomas ng pagbubuntis. Pero kung 1 week delayed, buntis na ba? Tama bang isiping buntis ka kung bigla kang hindi niregla?

    Tuwing kailan ba nagkakaroon ng regla?

    Ang karaniwang menstrual cycle ay 28 days, pero may iba na umaabot hanggang 32 days. Kung regular kang nagkakaroon at wala kang anumang kondisyong pangkalusugan na posibleng makaapekto sa iyong menstrual cycle, maaaring sabihing buntis ka nga.

    Maituturing na late o delayed ang isang period kung higit sa 30 days simula nang magsimula ang iyong huling regla ay hindi ka pa rin dinadatnan.

    Anu-ano ang mga sintomas ng pagbubuntis?

    Paano mo nga ba malalaman na buntis ka? Ano-ano ang mga sintomas nito? Gaano ka-late na period ba ang maituturing na sintomas ng pagbubuntis? Kapag 1 week delayed, buntis na ba?

    Narito ang ilan sa mga unang sintomas na mararanasan mo kung buntis ka:

    • Matinding pagod o pagkaantukin
    • Palagiang pag-ihi
    • Madalas na gutom
    • Pakiramdam na bloated
    • Pagkakaroon ng mapait na panlasa
    • Pagduduwal o pagsusuka
    • Sensitibong pang-amoy
    • Pagkahilo
    • Paninigas o masakit ang suso
    • Pananakit ng puson
    • Pagkakaroon ng spotting

    Kung may nararanasan ka alin man sa mga ito, makabubuti ang mag-pregnancy test upang matiyak na mabuti at maalis ang anumang pangamba.

    Paano gumamit ng pregnancy test kit?

    Karaniwang ginagamit upang malaman ng isang babae kung talagang buntis siya ay ang pregnancy test (PT). Nabibili ito sa mga botika ng over-the-countwer lamang o hindi kailangan ng reseta.

    Kadalasang masasabing accurate ang resulta na ibinibigay ng mga home pregnancy test pero hindi lubos ang garantiya. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagdetect ng human chorionic gonadotropin (hCG) sa ihi na napo-produce kapag buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamit ang PT kukuha ka ng iyong ihi na magiging specimen at ilalagay mo sa aparato na siyang magde-detect kung positive o negative. Kung dalawang linya ang makikita, nangangahulugang buntis ka.

    Pero minsan kapag nag-PT ka, maaaring malinaw ang isang linya pero malabo ang isa o faint line. Posible rin na negative ang test na lumabas.

    Ngunit nakatitiyak ka na buntis ka dahil sa iba pang sintomas na nararanasan mo at sa malakas na pakiramdam mo. Tandaan lamang na mababa ang lebel ng HCG kapag maaga pa lamang ang pagbubuntis o mga nasa unang linggo pa lamang.

    Tumaas ito habang tumatagal ang panahon ng pagbubuntis. Kaya makabubuti na ulitin ang PT pagkaraan ng ilang araw o linggo kung kailan mas mataas na ang HCG para mas accurate ang makuhang resulta.

    Anu-ano ang iba pang dahilan ng delayed period?

    Kung hindi ka buntis, may iba pang maaaring sanhi ng pagkakaroon ng missed o delayed period. Ito ay maaaring dulot ng sumusunod na mga sitwasyon:

    Stress

    Ang labis na stress ay maaaring makaapekto sa iyong katawan dahil nagdadala ito ng mensahe sa iyong utak na maaaring makapagpabago sa iyong hormones. Maaaring makapagpahinto ng sa iyong ovulation ang labis na stress.

    Weight

    Maaari ding makaapekto sa pagreregla ang pagkakaroon ng pagbabago sa timbang. Nagdudulot ng hormonal imbalance ang labis na pagtaas o pagbaba ng timbang na makapagpapa-delay ng iyong period.

    Labis na pag-eehersisyo

    Kung labis na matindi ang iyong workout o pag-eehersisyo na ginawa sa buong araw, marami ang calories na nawala sa iyo kaya nababawasan din ang enerhiya ng iyong katawan para gumana ang mga system nito. Ito ang makapagdudulot ng pagbabago sa iyong menstrual cycle.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkakaroon ng PCOS

    Isa sa sanhi ng hormonal imbalance ay ang pagkakaroon ng sintomas na polycystic ovary syndrome. Hindi regular na nag-o-ovulate ang mga taong may PCOS kaya nagreresulta ito sa hindi maayos na pagreregla.

    Paggamit ng birth control

    Nakatutulong ang ilang pill para magkaroon ng regular na pagreregla pero may ibang epekto rin ito lalo na sa mga unang buwan ng pagsisimula ng paggamit nito gayundin kapag huminto ka naman sa paggamit nito.

    May iba naman na talagang nakapagpapahinto ng pagreregla gaya ng binabakuna, IUD, implant.

    Problema sa thyroid o iba pang karamdaman

    Ang thyroid ay isang gland na matatagpuan sa leeg na nagpo-produce ng hormones na nakatutulong sa pag-regulate ng mga gawain ng katawan gaya ng menstrual cycle.

    Kung mayroon kang hypothyroidism at hyperthyroidism, magdudulot ito ng pagkakaroon ng irregular na pagreregla o kung minsan pa matagal na pagkawala ng iyong regla.

    Maaaring obserbahan mo rin muna ang iyong sarili at pakiramdaman ang ilan pang pagbabago na mararamdaman o mararanasan mo bago isiping buntis ka.

    Pero kung nais na mabawasan agad ang pag-aalala, mahalaga ang pagpapakonsulta sa ob-gyne upang higit na matiyak ang iyong sitwasyon.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles