embed embed2
Maraming Dahilan Kung Bakit Dinudugo Ang Buntis Pero Hindi Ito Regla
PHOTO BY Shutterstock
  • Buntis pero may regla? Pwede ba yun? Madalas na iniisip ito dahil sa nararanasan na pagdurugo sa unang linggo ng pagbubuntis. Mali ang pag-aakala na ito kung kumpirmadong buntis ka — imposible na may regla kapag buntis.

    Kaibahan ng implantation bleeding sa menstruation

    Karaniwang  dinadatnan ng period ang isang babae kada buwan dahil sa lumalabas na egg cell mula sa ovary. Naghihintay ito na ma-fertilized at kapag hindi na-fertilize ang egg cell na lumalabas sa ovary. Pupunta ito sa uterus hanggang sa mamatay at lalabas sa vagina na siya namang nagiging regla.

    Ngayon, sa implantation bleeding vs menstruation, ang spotting sa buntis ay kadalasan kulay light pink hanggang dark brown ang pagdurugo at nagtatagal lamang ng ilang araw.

    Nangyayari ang implantation bleeding kapag ang fertilized egg ay pumasok sa loob ng interior lining ng uterus o endometrium. Naglalakbay ang fertilized egg nang anim hanggang 12 araw mula sa fallopian tubes patungo sa uterus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman nagkakaroon ng pagdurugo kapag natatamaan o pumuputok ang maliit na blood vessel dahil sa paggalaw ng fertilized egg. Ang isang malinaw na bagay rito ay kapag buntis ka hindi ka na magkakaregla pa.

    Bakit dinudugo ang buntis 

    Ang spotting sa buntis (hindi siya kasing bigat ng regla) ay pwedeng maging isa mga unang senyales ng pagbubuntis. Pwedeng may kasama rin itong pananakit ng puson.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bakit dinudugo ang buntis? Maaaring dahil sa sumusunod:

    • Implantation bleeding
    • Pagbabago o iritasyon sa cervix
    • Infection
    • Molar pregnancy
    • Ectopic pregnancy
    • Maagang senyales ng miscarriage 

    Maaaring din dinudugo ang buntis dahil sa ilang kondisyon gaya ng placental abruption, low-lying placenta o placental previa, at vasa previa na nangangailangan naman ng agarang atensyong ng doktor.

    Sa mga unang linggo ng first trimester ng pagbubuntis karaniwang nararanasan ng isang buntis ang spotting. Walang lubos na dapat ikabahala dahil bahagi ito ng sintomas ng pagbubuntis. Pero senyales na ito na magpatingin agad sa doktor upang makatiyak kung malusog ang iyong pagbubuntis o makita kung may kaakibat na komplikasyon ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakaroon din ng spotting kapag malapit nang manganak dahil sa pagbabago sa cervix ng buntis o kung may vaginal infection. Maaari din itong mucus plug na nangangahulugan naman na naghahanda na ang cervix para sa paglabas ng baby sa sinapupunan.

    Higit lamang na dapat mabahala kung ang nararanasang spotting ay may kasamang:

    • matinding pananakit ng puson
    • pananakit ng likod o balakang
    • pagmumutla at pagkahimatay
    • pananakit ng balikat
    • pagkakaroon ng lagnat
    • pagbabago sa vaginal discharge
    • labis na pagkapagod
    • mas matinding pagdurugo

    Dinugo dahil sa infection at pagod 

    Naranasan ko rin ang mag-spotting na akala ko ay dadatnan na ako ng aking buwanang dalaw. Pero napansin ko na hindi ganoon kalakas nang sumunod na araw na hindi gaya sa nararanasan ko kapag magkakaroon ng regla.

    Sumubok ako mag-pregnancy test at dito ko nalaman na buntis ako. Nagpa-checkup ako at mayroon akong infection kaya kinailangan kong maggamot at magpahinga. Sinabi ng aking OB na ayos lang ito at walang dapat na ikabahala. Sinunod ko lamang ang payo niya at nawala naman ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang nasa 33 weeks na rin ako ng aking pagbubuntis ay nakaranas ako muli ng spotting. Natakot ako dahil akala ko ay manganganak na ako. Pero sabi ng aking OB ay baka sobrang napagod at nastress lamang daw ako kaya nangyari iyon kasi sarado pa rin naman daw ang cervix ko.

    Nawala rin naman ang pagdurugo nang makapahinga ako at binawasan ang labis na pagkilos sa bahay. Kaya talagang mahalagang komunsulta at matapat na ipaalam sa iyong doktor ang nararanasan mo.

    Hindi naman lahat ng nakararanas ng spotting ay naghuhudyat ng masamang kalagayan sa pagbubuntis. Marami ang nakapagpapatuloy sa malusog na pagbubuntis.

    Pero kung ikaw ay nag-pregnancy test at positive ang resulta na lumabas pero patuloy ang iyong pagdurugo, agad na magpatingin sa ob-gyn upang matiyak ang iyong kondisyon at malapatan ng tamang lunas.

    Basta tandaan hindi pwedeng mangyari na buntis pero may regla. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles