embed embed2
  • Dapat Na Ba Akong Magpa-Ligate? Pros And Cons Ayon Sa Mga Ligated Mommies

    Makakatulong sa iyo ang mga ito kung iniisip mo nang magpatali.
    by Ana Gonzales .
Dapat Na Ba Akong Magpa-Ligate? Pros And Cons Ayon Sa Mga Ligated Mommies
PHOTO BY Unsplash
  • Isa sa mga madalas na trending sa aming online community ay ang usapin tungkol sa contraceptives. Maraming mga magulang ang interesadong malaman kung alin nga ba sa mga available options ang pinaka magiging epektibo sa kanila.

    Madalas na irekomenda ng mga nanay ang mga pills tulad ng Althea, Diane-35, Daphne, at marami pang iba. Isa pa sa mga tinitignan ng mga nanay na option ang injectables.

    What other parents are reading

    Samantala, maging ang mga tatay ay aktibo ring humahanap ng paraan para masigurong maayos nilang mapaplano ang paglaki ng kanilang pamilya. Sa katunayan, isang tatay nga ang nagpa-vasectomy nang hindi alam ng kanyang asawa. "Tayo naman ang magsakripisyo," sabi pa niya.

    Bukod pa sa mga nabanggit, madalas ding itanong sa amin kung anu-ano nga ba ang pros at cons ng tubal ligation. Isa kasi ito sa nakikita ng mga nanay na permanenteng paraan para hindi na mag-alala sa biglaang pagbubuntis.

    Ngunit marami sa kanila ang may mga agam-agam kung makakabuti ba ito o makakasama sa kanila, lalo na sa kanilang reproductive health.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ano ang tubal ligation?

    Ito ang proseso ng pagtatali ng paggugupit at pagtatali ng iyong fallopian tubes para tuluyan at permanente nang mapigilan ang pagbubuntis.

    Sa pagtatali kasi ay mapipigilan ang pagpunta ng itlog mula sa obaryo mo papunta sa fallopian tubes. Hinaharang din ng pagtatali ang sperm para hindi ito makapunta sa fallopian tube at sa itlog.

    Salungat sa alam ng marami, wala itong nagiging epekto sa iyong menstrual cycle o regla. Pwede itong gawin kailan mo man naisin, ngunit madalas ay ginagawa o isinasabay na ito pagkapanganak ng isang babae.

    Karamihan sa mga tubal ligation procedures ay hindi na naibabalik sa dati, ngunit mayroon pa rin naman pwedeng i-reverse. Malimit lang ay hindi ito nagiging epektibo.

    Anong sabi ng mga mommies tungkol sa tubal ligation?

    Ayon sa mga ligated moms na nagbahagi ng kanilang karanasan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, wala naman silang naranasang ano mang malaking pagbabago sa kanilang katawan simula nang ma-ligate sila.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Narito ang mga pros and cons ng ligation ayon sa mga mommies:

    PRO: Hindi ka na nag-aalalang mabubuntis ka

    Biro pa ng mga nanay, 'unli-Zumba' na! (LOL!) Marami sa kanila ang nagsabing ngayon, hindi na nila kailangang mag-alala na mabubuntis sila. Hindi na rin kailangan pangmag-period tracker. Napapagbigyan na si mister nang walang pangamba.

    CON: May bahagyang longing at pagtatanong sa sarili kung tama bang desisyon

    May ilang nanay na nagpahayag na nang lumaki na ang kanilang bunso, nalungkot sila dahil naisip nilang hindi na sila magkakaanak ulit. Dito nila na-kwestyon kung tama ba ang naging desisyon nila.

    Sagot naman ng ilang mga mommies sa Village na ito ang dahilan kung bakit may mga OB-GYN na hindi pumapayag na ma-ligate ang isang nanay lalo na kung isa o dalawa pa lang ang anak o 'di kaya ay nasa edad 22 hanggang 30 pa.

    PRO: Mas active na sex life

    Dahil nga hindi na mabubuntis si mommy, medyo naging mas madalas na ang 'loving-loving' with daddy. Pro naman ito para sa mga nanay dahil nakatulong din ang healthy sex life para magkaroon ng mas open at healthy na pagsasama ang mga mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CON: Less sex drive para kay mommy

    Sa kabilang banda, may ilang mga nanay na nagsabing mas mababa ang sex drive nila ngayong ligated na sila. May ilan pang nagkwento na nakakaranas sila ng dryness doon.

    Ilan lamang iyan sa mga ibinahaging karanasan ng mga nanay sa Smart Parenting Village. Ayon pa sa kanila, bago ka magdesisyong magpa-ligate, pag-usapan niyo muna itong mabuti na mag-asawa.

    May mga OB din na hindi agad irerekomenda sa iyo na magpa-ligate ka. Kwento ng mga nanay sa Village, depende ito sa edad mo, dami ng iyong mga anak, at edad ng iyong mga anak.

    Ikaw? Ligated ka na ba? Paano ninyo nabuo ang desisyong magpa-ligate ka na? Kumusta ang iyong experience? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close