embed embed2
Masama Ang Epekto Ng Stress Sa Buntis, Ayon Sa Maraming Pag-aaral
PHOTO BY Shutterstock
  • Kapag nagdadalang-tao, lalo na kung sa unang pagkakataon, hindi maiiwasan na mag-alala sa kasalukuyang kondisyon at mangamba sa haharapin na responsibilidad bilang ina. Huwag lang hayaan na lubusang maramdaman ang epekto ng stress sa buntis.

    Mga posibleng epekto ng stress sa buntis

    May ilang studies na kasi ang nagpapatunay na posibleng makompromiso ang kalagayan ng buntis at kanyang baby kung labis ang kanyang stress. Ang kadalasang naaapektuhan nito ang placenta at ang paggana nito.

    Hormonal/metabolic imbalances

    Ang ano man uri ng stress, maging psychological man o sanhi ng pagkakasakit, ay nagpapakawala ng cortisol. Ito ang primary stress homone na nagpapataas ng sugar (glucose) levels sa bloodstream, nagpapatalas ng paggamit ng brain sa glucose, at nagpapadami ng substances para sa repair ng tissues.

    Ang problema, ayon sa isang study, maaaring makarating ang cortisol sa placenta at maapektuhan ang enzymes na naroroon. Kapag bumaba ang expression ng mga enzymes sa human placenta, posibleng magdulot ito ng reduced birth weight ng baby at hypertension paglaki ng niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pregnancy complications

    Ang pinsala sa placenta at ang function nito ay puwedeng magdulot pa ng pregnancy complcations, tulad ng gestational diabetes at preeclampsia. Kaya sabi nga ng isang grupo ng researchers, "A lack of control and information makes stress worse. Things such as not knowing how long the stress will last and how intense the stress will be add to a pregnant woman's and new mother's stress levels."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mental/physical illness

    Kapag nakaranas ng stress ang buntis sa mahabang panahon, ayon sa isa pang study, tataas ang tyansa na magkaroon ng mental o di kaya physical illness ang baby paglaki nito. Kabilang sa mga ito ang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at iba pang anxiety traits.

    Dagdag pa ng isa pang study, malaki ang posibilidad na ang mga baby ay magkaroon ng “significantly greater odds of developing a psychiatric disorder, particularly a mood disorder, later in life.”

    Anong puwedeng gawin habang buntis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakamainam ng gawin ng buntis, ayon sa mga eksperto, ay umiwas sa stress. Makakatulong ang meditation at yoga exercises para kumalma ang katawan at isipan. Huwag din daw mag-atubili na humingi ng tulong sa asawa o partner, maging sa mga kamag-anak at kaibigan kahit sa virtual na paraan.

    Malaking tulong din daw na isama sa prenatal checkup ang mental health, sabi ni Vivette Glover, isang professor sa Institute of Reproductive and Developmental Biology sa Imperial College of London. Isa itong paraan para maiwasan ang epekto ng stress sa buntis.

    Sabi ni Glover, na isang international expert pagdating sa usaping emotional state ng mga buntis, tama ang mga researcher sa pagsasabing "taking care of the emotional and social support needs of women during pregnancy is vital for the mental health and well-being of the next generation."

    Dagdag stress dulot ng pandemic

    Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, ang pangkaraniwang stress ng mga buntis ay nadagdagan ng takot na baka mahawa ng sakit pati na ang dinadalang sanggol. Kaya sinasabing vulnerable group ang mga buntis sa coronavirus infection. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod diyan, may dagdag stress din ang panangangak dahil sa health crisis. Punuan na ang mga ospital dahil sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 at may ilang maternity ward ang na-convert para ma-accommodate ang mas maraming pasyente. (Basahin dito ang karanasan ng isang mommy.)

    Kaya payo ng mga eksperto na maagang magplano ang mga buntis at kanilang asawa o partner para sa araw ng panganganak. Mahigpit kasi ang pagpapatupad ng health protocols sa mga ospital. Hindi na pinapayaan na may kasama ang buntis sa delivery room, kaya makakatulong kung handang ang loob ng buntis at buo ang suporta ng asawa o partner.

    Saad ng isang grupo ng scholars tungkol sa prenatal at postnatal stress: "A robust social support network is critical; friends and family are needed as new parents become exhausted and vulnerable to postpartum depression." Kailangan lang daw talagang hanapan ng paraan para maiwasan ang epekto ng stress sa buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Smart Parenting is now on Quento! We love it because it personalizes news and videos based on interests.

    Download the app here

    Download on Android devices here

    Download on iOS devices here

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles