embed embed2
  • Payo Ni Geoff Eigenmann Kapag Buntis Ang Asawa: 'Yes Ka Lang Ng Yes'

    Baby girl ang nakatakdang isilang ng kanyang fiancé na si Maya Flores sa November.
    by Jocelyn Valle .
Payo Ni Geoff Eigenmann Kapag Buntis Ang Asawa: 'Yes Ka Lang Ng Yes'
PHOTO BY courtesy of Aprica
  • Hindi tulad sa panganay at ikalawang anak ni Geoff Eigenmann, maaaring hindi niya masaksihan ang panganganak ng kanyang fiancé na si Maya Flores sa kanilang ikatlo ngayong darating na November 2020. Nililimitahan na kasi ang dami ng tao sa delivery room ng mga ospital bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

    GIVING BIRTH SOON?

    “I’d probably wait outside na lang,” lahad ng aktor sa online interview niya sa SmartParenting.com.ph. “No choice. Whatever it is, sumusunod naman kami.”

    Kuwento ni Geoff na February nila nalaman na buntis si Maya, at March naman nang makumpirma sa pamamagitan ng home pregnancy test. Pagkatapos, ipinatupad na ang community quarantine kaya ipinagliban na lang muna nila ang checkup sa doktor. Bandang June o July na sila nagpunta ng ospital para sa ultrasound scan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, “Wala namang issue as long as you follow the protocols. Medyo hassle lang with all the stuff you have to fill out in the hospital kasi paulit-ulit. But everything else was the same. Mas magastos siya nang konti kasi may extra gastos on PPEs and all that.”

    Habang hinihintay nila ang pagdating ni Baby Number 3, patuloy lang si Geoff sa pagbibigay ng suporta kay Maya. Siya daw ang mas tutok ngayon sa kanilang mga anak na sina Beanie, 3, at Angus, 1, lalo na sa umaga para hindi maistorbo ang tulog ng kanyang partner.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hands-on si Geoff at Maya sa mga bata. Pero ang nakatoka kay Beanie ay si Geoff at si Maya naman kay Angus. Pag-uusapan pa daw nila kung paano ang sistema sa pangatlo nilang anak.
    PHOTO BY courtesy of Aprica

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi ng celebrity family sa kanilang YouTube channel na “Welcome to the Eigenhouse” ang naganap na virtual baby shower, kung saan nagkaroon kami ng pagkakataong makapanayam siya.

    Sinabi nila sa vlog na baby girl ang parating na bagong miyembro ng kanilang pamilya. Hindi pa sila desidido sa pangalan, pero ang nickname nito ay may kinalaman sa pagkain, gaya nila Beanie at Angus.

    Paliwanag naman ng soon-to-be daddy of three sa amin na itutuloy nila ang nakasanayan na nilang two names — Arabella Simone para kay Beanie at Augustus Geoffrey para kay Angus. Pero baka hindi na magsimula sa letter “A” ang unang pangalan at malamang pinakamaiksi na sa lahat ng mga anak.

    Dagdag pa ni Geoff na excited na si Beanie maging ate muli habang wala pang ideya si Angus sa pagiging kuya. Ibang-iba na daw ang panganay nila mula noong una itong magkaroon ng kapatid. Dati daw kasi sobrang nagselos si Beanie sa pagdating ni Angus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ayaw niya, galit siya,” pagbabalik-tanaw ni Geoff tungkol sa pinagdaanan ni Beanie. “When Angus was born, ayaw niyang sumasama pag nagpapa-picture kasi sobrang nagseselos. Gusto niya, siya lang ’yong baby. Pero ngayon, mas meron na siyang understanding of what’s going on.”

    Naalala ni Geoff noong ipinagbubuntis pa lang si Beanie lampas tatlong taon na ang nakakalipas. Pinaglihian daw siya ni Maya. Maayos daw silang matutulog sa gabi, pero pag gising niya sa umaga, hindi masusuklian ang kanyang pagbati ng “Good morning” dahil galit ang katabi niya. Iyon pala, hirap makatulog nang maayos ang buntis.

    Kuwento pa niya, “She hated my smell. Nagpapabango ’ko. When she’d see me, naiirita siya. So kailangan, sunod ka na lang nang sunod, yes ka na lang ng yes. Para lahat happy.”

    GIVING BIRTH SOON?

    Hindi rin niya makalimutan kung paano naging turning point ng kanilang relasyon ang pagdating ng kanilang unang supling: “It was pretty memorable. A lot of changes happening that we didn’t expect. Pareho kaming nagulat sa nangyayari. So, pinatibay din ng time na ’yon ang relationship namin. Because of that, we’re still together for a third child.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang tanong: masusundan pa kaya? Sagot ni Geoff: "If it happens, it happens. If it doesn’t, it stops with Baby Number 3. We’ll be happy with Baby Number 3."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles