-
Kinakabahan Si Ryza Cenon Sa Panganganak Kaya Ospital Ang Kanyang Birth Plan
Nakatakdang mangangak ang aktres sa November.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Habang papalapit ang November 17, 2020 due date ni Ryza Cenon, aminado siyang kinakabahan sa unang pagsabak sa panganganak. Nag-aalala siya kung masusunod ang birth plan niya na normal vaginal delivery o baka bigla siyang sumailalim sa emergency C-section.
“Kasi may mga friends ako na nagkukuwento na gano’n ang plan, then mag-iiba. Depende daw sa mangyayari,” lahad ng 32-year-old actress sa online interview ng SmartParenting.com.ph.
Kaya naman desidido na si Ryza na manganak sa ospital kahit gusto din niya ng home birth, tulad ng ginawa ng recent new moms na sina Coleen Garcia at Max Collins, para sana kapiling niya ang mga mahal sa buhay na dadamay at aalalay sa kanya.
Paliwanag ni Ryza, “Ako kasi sa hospital pa rin. Gusto ko man dito sa house, kaya lang kinakabahan kasi ako, eh. Baka kasi may mga complications na kailangan agapan. Kailangan naming tumakbo sa ospital para doon. At least kung nasa ospital ka na, ando’n na lahat. At saka ’yong OB ko, I’m sure hindi ako pababayaan.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIyon nga lang daw sa ospital, walang pagkakataon ang kanyang boyfriend na si Miguel Cruz, isang cinematographer, na samahan siya sa delivery room at kumuha ng video ng pagsilang ng kanilang panganay na baby boy.
Kuwento niya, “Tinanong ko ’yong OB ko about it kasi gusto din naming i-blog [ang childbirth], kaya lang bawal. Bawal din ang companion. Wala kang kasama do’n, so ikaw lang mag-isa, which is sad kasi hindi namin mae-experience [ni Miguel] ’yong na-experience ng iba.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowBawal din daw mag-set up ng audio-video equipment sa delivery room kaya kailangan nilang ibigay ang kanilang mobile phone o digital camera sa staff para makunan ng litrato ang panganganak ng first-time mom.
Samantala, nakapagtalaga na ng nursery room si Ryza at Miguel sa nilipatan nilang bahay kamakailan lang. Ayaw daw ni Ryza ng masyadong colorful ang kuwarto ni baby, kaya pawang neutral tones ang ginamit nila, gaya ng nude, while, at gray.
Aniya, “Ngayon, tatapusin ko muna ang baby shower kasi para makita ko ’yong mga gamit, and then kung ano ’yong kulang, ’yon ang bibilhin namin. At saka namin aayusin ang nursery room.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagaganap ang baby shower para kay Ryza nang makausap namin siya nitong Linggo, September 13, 2030. Virtual ang setup na inorganisa ng Aprica brand of baby strollers bilang pagsunod sa “new normal” sa panahon ng COVID-19 pandemic.PHOTO BY courtesy of ApricaRamdam ni Ryza ang kakaibang karanasan na hatid ng virtual party. Pag-amin niya, “Medyo mahirap siya, ha! Kasi kami lang ang nagsi-celebrate. Buti na lang sinamahan nila [sponsors] kami.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHandang-handa na rin sina Ryza at Miguel sa pagdating ng kanilang unang supling. May maliit lang silang diskusyon sa magiging pangalan ng baby boy. May napili na si Ryza na isang pangalan — Night — pero gusto itong umpisahan ni Miguel sa Irie, ang Jamaican English word na “good, nice, or pleasing” ang ibig sabihin.
Kaya Irie Night o “good night” sana, pero naninindigan si Ryza sa Night lang. Ang parating nilang anak daw kasi ang parang nagbibigay ng liwanag sa kanilang gabi dahil may insomnia ang aktres dulot ng stress.

- Shares
- Comments