embed embed2
May Pakiusap Si Kitkat Favia Sa 36 Weeks Na Pinagbubuntis: 'Anak, Umikot Ka Na, Pls'
PHOTO BY Instagram/favkitkat
  • Nakatuwaan ni Kitkat Favia ang itsura sa 4D ultrasound scan ng baby sa kanyang sinapupunan.

    Aniya sa Instagram post kalakip ang kopya ng ultrasound scan: "Anak, naka harang na nga lahat placenta, umbillical cord, paa at kamay mo sa face mo, naka busangot ka pa dyan??? Hahahaha!"

    Biro pa ng aktres na kilala sa comedy, "Tantrums yern?! Hehehe hindi ganyan mag pouty lips anak ah hahaha…"

    May pakiusap lang si Kitkat sa kanyang ipinagbubuntis, na ayon sa ginamit niyang hashtag, 36 weeks na ito: "Anak umikot ka na pls."

    Sinabi niya sa mga naunang post na baby girl ang magiging panganay nila ng asawa niyang si Waldy Favia. May napili na rin silang pangalan: Uno Asher. Ang ibig sabihin daw ng Asher mula sa Bible ay grateful, blessed, lucky, at happy. Nagkaroon sila ng baby shower noong May 29, 2022.

    Iba-ibang posisyon ni baby

    Habang lumalaki at naghihintay na mailuwal ang iyong sanggol, kadalasan ay paikot-ikot lang siya sa iyong sinapupunan. Kaya may mga pagkakataon na nararamdaman mong malikot siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero sa pagitan ng 32 Weeks at 38 Weeks, mas babantayan na ng iyong doktor ang posisyon ni baby. Kung saan kasi siya nakapuwesto sa iyong matris ang magdidikta kung paano mo siya maipapanganak nang ligtas.

    May mga medical term para ilarawan ang posisyon ng sanggol sa matris:

    Cephalic o vertex position

    Ito ang ideal o swak na posisyon kung pinaplano mo ang vaginal delivery. Nakaposisyon na kasi ang ulo ni baby patungo sa birth canal, kung saan siya lalabas. Nakatupi na rin ang kanyang mga binti sa kanyang tiyan.

    Mas mainam kung nakaharap si baby sa iyong spine at nakatungo ang kanyang baba (chin) sa kanyang dibdib.

    Pero kung nakaharap si baby sa iyong tiyan (tandaan na nasa matris mo siya), maaaring matagalan ang panganganak kung vaginal delivery. Kakailanganin pa kasi ni baby na dumagan sa iyong spine para makadaan siya sa birth canal.

    Transverse position

    Nakahiga si baby nang patagilid sa iyong matris. Kaya kadalasang sinasabi ng doktor na manganak sa pamamagitan ng Cesarean section delivery.

    Oblique position

    Nakaharap si baby sa direksyon ng iyong mga hita (thighs) imbes na sa birth canal. Sa ganitong posisyon ni baby, maaaring kayanin pa ang vaginal delivery.

    Breech position

    Ito ang tinatawag na mga Pinoy na suhi. Kapag lumabas si baby nang ganitong posisyon, mauuna ang kanyang puwitan o di kaya mga paa. Bagamat hindi marami nang ligtas na naipanganak na suhi, may kaakibat itong mga panganib.

    Mga posibleng dahilan kung bakit suhi si baby, ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    1. Una mo itong pagbubuntis, kaya hindi pa nababanat o hindi pa flexible ang iyong abdominal muscles. Nahihirapan tuloy si baby na umikot sa iyong matris.

    2. Hindi normal ang hugis ng iyong matris o di kaya may mga tumubong hindi dapat (abnormal growths), tulad ng fibroids.

    3. Mababa ang iyong inunan (low-lying placenta), or di kaya meron kang placenta previa. Ibig sabihin, nahaharangan ng iyong inunan ang iyong cervix.

    4. Masyadong marami o di kaya masyadong konti ang iyong amniotic fluid. Kung masyadong marami, masyado rin ang galaw ni baby. Kung masyado namang konti, masyado ring limitado ang galaw ni baby.

    5. Dalawa o higit pa ang iyong ipinagbubuntis. Kaya limitado ang espasyo sa iyong matris para sa mga sanggol at hindi sila makaposisyon nang tama.

    Mga paraan para maitama ang suhi

    May mga puwede kang gawin para matulungan ang iyong sanggol na makapuwesto nang maayos sa iyong matris. Bagamat hindi garantisado ang mga ganitong suhestiyon, maraming mga mommy ang sumubok na. Pagsasayaw naman ang napiling paraan ni Kitkat.

    Paalala lang na komunsulta muna sa iyong doktor bago gawin ang exercises, lalo na kung maselan ang iyong pagbubuntis.

    Pelvic rocking

    Habang nakaluhod nang padapa (on all fours), igalaw ang parteng balakang (pelvis) nang paharap at patalikod (back and forth). Puwede ring paikutin (rotate) ang pelvis.

    Forward-leaning inversion

    Habang nasa all fours position, yumuko hanggang lumapit ang tiyan sa may sahig at pataas naman ang puwitan. Gawin ang ganitong posisyon sa loob ng 20 minuto at ulitin ng tatlong beses sa isang araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pelvic tilts

    Humiga sa sahig (gamit ang yoga mat o kumot). Itaas ang mga tuhod habang nakatapak ang mga paa malapit sa iyong balakang. Itulak pataas ang iyong balakang sabay ng inhale. Sa pag-exhale, ibaba ang balakang. Ulitin ng ilang beses.

    Swimming

    Kapag nasa tubig ka, aakalain ni baby na lumilipad siya sa iyong matris kaya mae-enganyo siyang umikot-ikot.

    Yoga, belly dancing, walking

    Mga mga posisyon sa yoga kaparehas ng forward-leaning inversions at steps naman sa belly dancing na kapareho ng pelvic rocks at tilts. Makakatulong din ang paggalaw habang lumalakad para maenganyo rin si baby na gumalaw-galaw.

    Magpatugtog ng musika o i-record ang boses

    Itapat ang pinangagalingan ng musika o di kaya ng iyong boses sa pelvic area. Hahanapin daw si baby kung saan nanggagaling ang tunog, ayon sa mga mommy na nakasubok na ng ganitong paraan. Kaya mae-enganyo siyang gumalaw at umikot sa iyong matris.

    Iba pang paraan ang external cephalic version (ECV), na puwede mong hilingin sa iyong doktor, at ang alternative medicine/technique, tulad ng acupuncture.

    Read also: Baby Moves in the Womb: 9 Ways to Make Him Kick or Punch!

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles