embed embed2
  • Habang Buntis, May Isang Kinaiinisan Si Coleen Garcia Sa Asawa

    Excited na ang celebrity couple sa pagdating ng kanilang first child.
    by Jocelyn Valle .
  • Bagamat hindi naman talaga pinaglihian ni Coleen Garcia ang kanyang mister na si Billy Crawford, mayroon itong isang bagay na ginagawa na hinding-hindi niya gusto. Ito ay ang paggamit ni Billy ng vape, na tinatawag rin na e-cigarette dahil battery ang nagpapagana dito para malanghap ang vaporized nicotine-based liquid. 

    Kuwento ni Coleen na naiinis siya sa vaping ni Billy simula pa ng kanyang pagbubuntis hanggang ngayon na malapit na siyang manganak. Sa isang video call, aniya sa SmartParenting.com.ph, “Whenever he’s vaping, I find it so annoying, especially when I smell the vape after, like in his mouth and everything. I really don’t like it.”

    Kaya ang ginagawa daw ni Billy kapag magvi-vape ay lumalayo sa asawa niyang buntis at pagkatapos, nagtu-toothbrush kaagad para mawala ang amoy ng e-cigarette. Maliban diyan, wala ng iba pang masabi si Coleen na ayaw niya sa asawa.

    More from Smart Parenting

    Excited na ang celebrity couple sa pagdating ng kanilang panganay na baby boy. Pero naalala ni Coleen na noong mga unang buwan ng kanyang pagbubuntis, ginusto niya na sana baby girl ang kanyang dinadala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala raw kasi siyang kapatid na babae at masyado namang mga bata ang kanyang mga pinsang babae kaya lumaki siyang puro lalake ang kasama niya. Ninais tuloy niyang malaman kung paano magkaroon ng isa pang batang babae sa pamilya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbago lang ang isip ni Coleen nang makaramdam na siya ng mga senyales na baby boy ang unang anak nila ni Billy. Naging excited siya sa idea ng pagkakaroon ng baby boy na kamukha niya at matuturuan niya na parang mga kapatid niyang lalake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paliwanag niya, “Because I grew up around boys so it’s something that’s so familiar to me. It’s something I’m equipped for. It’s something definitely I’ll be able to handle because I have three younger brothers.

    "It’s something I know that I’m very much ready for. I can’t wait to play sports with. I can’t wait to teach him all the things that my parents taught our little boys growing up.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Coleen na buntis din ang current wife ng kanyang tatay na si Jose Garcia at baby girl naman ang dinadala nito. Dalawang buwan daw makaraan ang kanyang inaasahang panganganak ay nakatakda naman siyang magkaroon ng baby sister. Kaya parehong boy at girl ang madadagdag sa kanilang pamilya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ngayon, sabi ni Coleen, hindi pa nila nagpagde-desisyonan ni Billy ang magiging pangalan ng kanilang panganay. Iniisip pa daw nila kung okay na sila sa napupusuang pangalan o kung kailangan pa nila ng second name para dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles