;
embed embed2
5 Mga Bagay Na Dapat Mong Gawin Para Sa Malusog Na Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Kung bago ka mabuntis ay hindi mo masyadong binibigyan ng pansin ang iyong kalusugan, ito ngayon ang panahon para alagang mabuti ang iyong sarili. May isa pa kasing buhay ang nagsisimula pa lang sa iyong sinapupunan. Kaya mahalaga na alamin ang mga dapat gawin ng buntis.

    Maraming mga paniniwala tungkol sa pagbubuntis, pero marami doon ay mga pamahiin sa buntis at wala talagang totoong basehan. Tandaan na ang iyong obstetrician-gynecologist ang tamang tao na dapat mong pagtanungan.

    Mga dapat gawin ng buntis

    Narito ang mga rekomendado ng mga doktor at eksperto para makatulong sa pagkakaroon mo ng malusog na pagbubuntis.

    Bantayan ang timbang

    Siguro nakarinig ka na ng birong samantalahin ang pagkakataon na kumain nang marami dahil kailangan ng sustansya ng lumalaking sanggol sa sinapupunan mo. Pero paalala ni Dr. Geraldine Mendoza, isang ob-gyn, may pamantayan sa pagdagdag ng timbang.

    Ito ang body mass index (BMI), na madaling nasusukat gamit ang BMI calculator. Nakasalalay sa resulta ang tamang timbang na madagdag habang buntis.

    • Normal BMI: magdagdag ng mula 25 hanggang 35 lbs
    • Overweight/Obese: magdagdag lang ng mula 15 hanggang 25 lbs
    • Underweight: magdagdag mula 18 hanggang 40 lbs

    Paliwanag ni Dr. Mendoza sa dating niyang panayam sa SmartParenting.com.ph na may negatibong epekto ang pagkukulang at pagsosobra sa timbang ng buntis.

    Kapag kulang ka sa timbang, maaaring maapektuhan ang paglaki ni baby at baka mapaaga ang kanyang paglabas (premature birth). Kapag sobra ka naman sa timbang, puwede kang magkaroon ng pregnancy complications, tulad ng gestational diabetes at C-section delivery.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kumain nang tama

    Makakatulong sa pagbabantay ng timbang ang pagpili ng tamang uri at dami ng pagkain na kinokonsumo mo kada araw. Ilan sa mga dapat mong bawasan, kung hindi kayang iwasan, ang mga sumusunod:

    • Mamantikang pagkain
    • De latang pagkain
    • Hilaw na pagkain
    • Mataas ang caffeinne content na pagkain at inumin, tulad ng kape
    • Matatamis na inumin dahil sa artificial flavoring

    Iwasan ang basta-bastang pag-inom ng gamot

    Kung nasanay kang uminom ng gamot kahit simpleng masakit ang ulo o di kaya sipon at ubo, kailangan mong baguhin ito. Maaari kasing makasama ang gamot na hindi nirereseta ng iyong doktor. Tandaan na komunsulta muna sa iyong doktor.

    Para saan ang paracetamol, halimbawa, ay aprubado sa mga buntis basta susundin ang instructions at dosage. Pero hindi ang pain relievers na ibuprofen at aspirin dahil, ayon sa Parents, posibleng maging sanhi ang mga ito ng birth defects at miscarriage.

    Mag-exercise

    Magiging feeling at looking good ka dahil sa nakawalang endorphins, na tinatawag ding "happy hormones," habang pinagpapawisan. Dagdag pa diyan ang pagpawi ng discomfort mula sa ilang sintomas ng pagbubuntis, gaya ng pagsakit ng likod at manas sa paa ng buntis.

    Kailangan ng buntis ang hindi bababa sa 150 minuto o dalawa-at-kalahating oras ng moderate-intensity aerobic activity kada linggo, ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG). Malalaman mo raw na narating mo na ang moderate intensity level kapag tumataas na ang iyong heart rate at pinagpapawisan ka na.

    Pero bago simulan ang exercise routine, kailangan mo pa ring ipaalam sa iyong doktor kung anong uri at gaano kadalas mo ito gagawin. Rekomendado ng mga eksperto ang mga sumusunod:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Walking
    • Yoga
    • Tai chi
    • Weightlifting
    • Dancing
    • Aerobics

    Subukan ang prenatal vitamins

    Ang prenatal vitamins and minerals ay supplements na nagbibigay ng karagdagang sustansya bago mabuntis at habang buntis, ayon sa Planned Parenthood. Mainam daw na simulan ang pag-inom ng supplements isang buwan bago magplanong mabuntis. Napakaimportante daw kasi ng mga unang linggo ng pagbubuntis.

    Payo pa ng mga eksperto na komunsulta sa doktor sa pagpili ng iinuming supplements. May mga tao raw, tulad ni Coleen Garcia, na hindi maganda ang naging karanasan sa synthetic vitamins. Ang iba naman ay nakakaramdam ng side effects, tulad ng nausea at constipation. Maipapaliwanag ng doktor ang mga uri ng prenatal vitamins and minerals at ang dosage. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Folic acid
    • Iron
    • Calcium
    • Vitamin D

    Bilin ng mga eksperto ang ilan pang mga dapat gawin ng buntis, tulad ng pagtigil sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng kahit anong drugs. Makakatulong din ang pag-iwas sa mga toxic na bagay at pagkakasakit mula sa infection. Isa pa ang pagpunta sa dentista dahil prone ang buntis sa sugat sa gilagid at iba pang dental problems.

    Basahin dito para malaman naman ang mga bawal sa buntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles