embed embed2
Bukod Sa Missed Period, 11 Pang Kadalasang Mga Sintomas Ng Buntis
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung ikaw ay first-time mommy, siguradong kinabahan o kinakabahan ka rin sa mga pregnancy symptoms na ngayon mo pa lang nararanasan. Kaya mainam na mas alamin pa ang mga sintomas ng buntis upang maihanda ang sarili sa challenging ngunit masayang journey ng pagiging ina.

    Karaniwang nabubuntis ang isang babae dalawa hanggang tatlong linggo pagkatapos niyang makipagtalik, ayon sa Planned Parenthood. May mga babaeng nakararamdam na ng mga sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo pagkatapos ng pagdikit ng fertilized egg sa kanyang matris. Ibig sabihin, dito nagsisimulang mabuo ang sanggol sa kanyang sinapupunan. May ibang babaeng naman na hindi agad napapansing buntis sila.

    Mga sintomas ng buntis

    Pangunahing sintomas ang missed period. Tandaan lang na kung regular ang iyong mens o regla, maaaring buntis ka kung hindi ito dumating sa loob ng mahigit sa isang linggo mula sa expected mong pagdating nito. Kung irregular ang iyong menstrual cycle, maaaring hindi reliable ang nasabing sintomas.

    Pero paiba-iba rin ang mga sintomas ng buntis. Ngunit mayroon ding mga sintomas na nararanasan ng halos lahat tulad ng dalaw o period na hindi dumating. At dahil hindi naman dapat manghula kung buntis ka ba o hindi, ang pinakamainam na gawin ay ang pagsasagawa ng pregnancy test.

    Ayon sa The Office on Women’s Health, na bahagi ng U.S. Department of Health and Human Services, nakapagbibigay ng wastong resulta ang home pregnancy tests. Hindi mahal ang mga ito at madali lamang mabibili sa mga pharmacy at ibang tindahan kahit wala kang prescription mula sa doktor.

    Paalala lang ng mga eksperto na iwasan ang maagang pagsasagawa ng test dahil iba-iba ang body chemistry ng mga tao. Inirerekomendang gawin ang pregnancy test isang linggo matapos ma-delay ang regla. Kailangan kasing sapat ang human chorionic gonadotropin (hCG) sa iyong ihi. Nakikita lamang ang hormone na ito sa dugo at urine ng mga nagdadalantao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas mainam din ang pagpapa-blood test dahil mas maaga nitong nadi-detect ang hCG kaysa sa urine tests. May mga pagkakataong nakapagbibigay na ito ng positive result sa ika-6 hanggang 8 araw matapos mong mag-ovulate, habang bumibilang pa ng tatlong linggo pagkatapos ng ovulation sa urine tests. Sa mga clinic din karaniwang isinasagawa ang blood tests.

    Ayon sa National Institute of Child Health and Human Development noong 2017, ang home pregnancy tests ay 97% accurate, na mas tumaas pa hanggang 99% ayon sa ulat ng The Office on Women’s Health.

    Narito ang karaniwang mga sintomas ng buntis:

    1. Missed period
    2. Panlalambot o di kaya pamamaga ng suso—Sa simula ng pagbubuntis, maraming hormonal changes na sanhi ng pagiging mas sensitibo ng iyong mga suso. Mga ilang araw pa ang bibilangin bago maibsan ang pamamaga nito. 
    3. Nausea (na kadalasang may kasamang pagsusuka) o “morning sickness"—May mga buntis na nagkakaroon ng "morning sickness," na maaari ding maranasan anumang oras sa araw o gabi. Madalas itong nagsisimula isang buwan matapos na may mabuo sa iyong sinapupunan. Mayroon din namang masuwerteng hindi nakararanas nito.
    4. Mas madalas na pag-ihi—Ang dami ng dugo sa katawan ay mas dumarami kapag buntis ka. Nasa 50% ang pagdami nito, ayon sa mga pag-aaral. Dahil dito, mapapansin mong mas napadadalas ang pag-ihi mo. Mas marami kasi ang fluid na pinoproseso ng iyong mga bato o kidneys, na napupunta sa iyong bladder.
    5. Labis na pagod o fatigue—Ang labis na pagod ay isa rin sa mga sintomas ng buntis. Lalo na sa early pregnancy kung saan ang levels ng progesterone ay higit na tumataas. Dahil dito, mas makararamdam ka rin ng antok.
    6. Mood swings—Nagiging moody ang buntis dahil sa hormonal changes na nakaaapekto sa neurotransmitters sa utak.
    7. Pananakit ng likod—Normal ang lower back aches sa buntis, lalo sa ika-27 hanggang 34 na linggo.
    8. Pananakit ng ulo—Naniniwala ang mga eksperto na ang mabilis na pagdami ng hormones at/o blood flow sa katawan ang dahilan ng pagsakit ng ulo.
    9. Food cravings o food aversions—Paiba-iba rin ang mga pagkaing pinaglilihian ng buntis. Tandaan lamang na may mga pagkaing mahalagang isama sa diet upang makuha ang sapat na nutrisyong higit na makabubuti sa inyo ng iyong baby.
    10. Pangingitim ng areolas—Normal ang pangingitim ng areolas, ang bahagi sa paligid ng utong o nipples.
    11. Bloating—Maaaring maramdaman mong bloated ka, tulad ng pakiramdam kapag nagsisimula pa lang ang iyong menstrual period.
    12. Light spotting—Ang light spotting ay isa rin sa unang mga sintomas ng buntis. Kilala rin ito bilang "implantation bleeding", kung saan ang fertilized egg ay dumidikit sa lining ng matris sa pagitan ng 10 hanggang 14 na araw matapos ang conception.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maliban sa mga nabanggit, narito pa ang ibang mga sintomas:

    • Tension o stress
    • Exhaustion
    • Depression o iba pang mental health struggles
    • Common cold o flu
    • Allergies
    • Hindi sapat ang tulog
    • Mali o hindi sapat ang nutrition
    • Pending menstruation

    Dapat gawin kapag may mga sintomas ng buntis

    Kahit naghihintay ka pa ng resulta ng pregnancy test, payo ng mga eksperto na simulan ang pag-iingat sa sarili at sundin ang mga sumusunod:

    • Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng droga (sakaling ginagawa ang mga ito bago mabuntis.)
    • Kung pakiramdam mo'y dumaranas ka ng implantation bleeding, iwasan din ang paggamit ng tampons dahil posibleng mas magdulot pa ito ng impeksyon.
    • Ang unang mga linggo ng iyong pagbubuntis ay sadyang nakapapagod. Mainam kung makakukuha ka ng sapat na tulog.
    • Makabubuti rin kung malamig sa kuwartong iyong tinutuluyan.
    • Malaking tulong din ang paggamit ng komportable at supportive maternity bra. Pinakamaganda ang cotton, underwire-free na bra.
    • Maaari ding gumamit ng breast pads dahil nababawasan nito ang friction sa iyong nipples at nipple pain.
    • Uminom ng mas maraming tubig araw-araw upang maiwasan ang dehydration.
    • Planuhin nang maigi ang oras ng pagpunta sa banyo upang maiwasan ang incontinence, o leaking urine.
    • Kumain ng saltine crackers bago ka bumangon sa umaga para maibsan ang morning sickness.
    • Siguraduhing pregnancy-friendly exercises lamang ang iyong gagawin. Pag-aralan din kung paano i-track ang iyong blood pressure.
    • Komunsulta sa doktor tungkol sa iyong personal dietary guidelines para makaiwas sa high blood pressure.
    • Kapag tatayo mula sa kinauupuan, magdahan-dahan lamang.
    • Iwasan ang heartburn sa buntis. Kumain ng mas maraming small meals araw-araw.
    • Siguraduhing maayos ang pag-digest sa kinain. Makatutulong ang pag-upo nang tuwid sa loob ng isang oras pagkatapos kumain.
    • Kung kailangan ng antacids, ipaalam ito sa doktor upang matukoy kung ano ang ligtas para sa iyo.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakahalaga ng unang mga linggo at buwan ng iyong pagbubuntis. Pero sabi ng mga eksperto, hindi dapat mabahala o matakot kapag naramdaman mo na ang mga sintomas ng buntis. Sikaping makakuha ng sapat at wastong suporta at gabay mula sa pamilya at iba pang mga tao sa iyong paligid. Siguraduhin ding regular na komunsulta sa iyong doktor sa buong panahon ng iyong pregnancy upang mapanatiling ligtas at malusog kayong dalawa ng iyong baby.

    Basahin dito kung paano malalaman kung buntis at dito para sa mga hindi karaniwang sintomas ng pagbubuntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles