;
embed embed2
  • Sinabihan Noon Ang Nanay Ni Roxanne Barcelo Na Hindi Siya Kailanman Magkakaanak

    "She literally only had her period twice in her life."
    by Jocelyn Valle .
  • "Miracle babies" kung ituring ni Roxanne Barcelo ang kanyang sarili at kanyang younger brother na si Timmy Barcelo. Sa buong buhay daw kasi ng kanilang nanay na si Rose Barcelo, dalawang beses lang itong nagkaroon ng pagkakataon na mabuntis.

    Kaya sabi ni Roxanne nang makapanayam siya ng SmartParenting.com.ph: "I'm very, very proud to share the story of my mother because she literally only had her period twice in her life."

    Si Roxanne ang kauna-unahang panauhin sa bagong-bagong video series na Dibdibang Usapan.
    PHOTO BY SmartParenting.com.ph

    Kuwento ng soon-to-be mommy na singer-actress, 12 years old nang ma-diagnose ang kanyang nanay sa mga sakit na leukemia at cancer of the pharynx. Binigyan pa nga raw ng taning ang buhay ng kanyang nanay.

    Aniya, "The doctors told her that she is dying. They gave her an ultimatum of 2 to 3 months to live."

    Pero hindi raw nawalan ng pag-asa ang kanyang nanay, pati na ang kanyang lola. Sabi pa niya, 52 years old nang ipanganak ng kanyang lola ang kanyang nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya pagmamalaki niyang pahayag, "She was raised by a strong woman and I was also raised by a very fiercely strong woman as well."

    Kuwento pa ni Roxanne tungkol sa kanyang Nanay Rose: "She's such a warrior and she really spoke against any, you know, negative things that were being said to her at that moment, even if it's the doctor that told her about it."

    Ang ginawa raw ng kanyang nanay at lola, nagdasal sila nang madalas at taimtim. Wala raw kasing kakayahan ang kanilang pamilya na magbayad para sa chemotherapy treatment. Pero nakatanggap naman ang kanyang nanay ng isang session ng cobalt treatment nang libre mula sa isang donor.

    Iyon nga lang, lahad pa ni Roxanne, nagkaroon ng epekto ang cobalt treatment sa kalusugan ng kanyang nanay. "The doctor told her that even if she can live longer, she'll not be able to conceive a child because her reproductive system is damaged."

    Muli, hindi nagpatalo ang kanyang nanay na si Rose sa panibagong hamon. Nang makilala ni Rose ang kanyang future husband na si Tony Barcelo, sinabihan niya kaagad ang manliligaw na hindi siya magkakaanak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon kay Roxanne, ganito raw ang sagot ni Tony kay Rose: "It's okay, I don't even like children, anyway...And I only want to spend the rest of my life with you, that's the reason I'm going to marry you."

    Kilig pang kuwento ni Roxanne tungkol sa kanyang Nanay at Tatay: "So, they got married because of purely love for each other."

    Naniniwala rin siya na dahil sa malakas na pananalig at pagdadasal ng kanyang mga magulang, pinagbigyan ng langit na magkaroon sila ng hindi lang isa bagkus dalawang anak.

    Lahad ni Roxanne na may paghanga sa kanyang mga magulang, "They are really a living testimony that with God, nothing is impossible." (Pumanaw ang kanyang tatay noong 2019.)

    Para naman sa kanyang nanay na hindi sumuko kahit sinabihan noon na hindi kailanman magkakaanak: "I learned from my Nanay that it's so important to decide on what you believe and what you will really allow yourself to live by."

    Mapapanood ang interview ni Roxanne Barcelo bilang buena mano ng Dibdibang Usapan dito:

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles