embed embed2
Paano Ginagamit ang Lady Pills? (Pang-Araw-Araw at Pang-Emergency)
PHOTO BY iStock
  • Hindi ito ang kadalasang pinipili ng maraming kababaihan pagdating sa contraceptive pills, pero ang Lady pills ay isang mabisang gamot na maaring gamitin sa araw-araw o pang-emergency para maiwasan ang pagbubuntis. 

    Ang Lady ay isang tatak ng combination oral contraceptive, na naglalaman ng dalawang active ingredients, o dalawang klase ng hormones na makakapigil sa pagbubuntis. Ito ay ang ethinyl estradiol, isang synthetic version ng estrogen, at levonorgestrel, isang artificial na uri o progestin.

    Ang dalawang hormones na nasa Lady pills ay tumutulong para maiwasan ang ovulation, o pigilan ang obaryo para maglabas ng itlog. Nagdudulot rin ito ng pagbabago sa cervical mucus at uterine lining ng isang babae para mahirapan ang sperm na makarating sa uterus at maka-fertilize ng itlog.

    What other parents are reading

    Lady pills o Trust pills

    Bagamat magkaiba ang dalawa, meron ring mga bagay na pareho sa mga pills na Lady at Trust. Pareho silang hormonal contraceptive pills na bumabago ng menstrual cycle ng isang babae, at mabibili sila over-the-counter, ayon sa mga nakagamit na nito (inirerekomenda ang pagkonsulta muna sa doktor bago gumamit ng anumang gamot para sa contraception). Magkapareho ang presyo ng dalawa (halos P50 para sa isang pack) at iisa ang kompanyang gumawa. Kapwa silang naglalaman ng 28 na tableta, kung saan ang 21 ay naglalaman ng active ingredients, at ang pito ay placebo pills.

    Kung ganun, ano ang ipinagkaiba ng dalawa? Ang placebo ng Lady ay naglalaman ng ingredient na lactose, samantalang iron naman ang nasa Trust. Pareho silang may 30 micrograms ng ethinyl estradiol, pero may 125 micrograms ng levonorgestel ang Trust habang mas mataas nang kaunti ang sa Lady na may 150 micrograms.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaring gamitin ang Lady pills bilang contraceptive pill na pang-araw-araw o kaya naman sa mga sitwasyong tinuturing na emergency – halimbawa, pwedeng uminom ng isang tableta pagkatapos makipagtalik nang walang gamit na proteksyon. Pero dapat tandaan na ito ay gagamitin lang bilang “last resort” sa mga sitwasyon tulad ng kapag napunit ang condom na suot ng iyong partner, o kaya ay nakamintis ka ng dalawang beses sa iyong pills, o kung ang babae ay napwersang makipag-sex.

    What other parents are reading

    Pang-araw-araw na paggamit ng Lady pills

    Ayon sa Planned Parenthood, ang contraceptive pills ay 99.9% na mabisa para maiwasan ang pagkabuntis, pero ito ay kung gagamitin ito nang tama. Hindi nito kayang protektahan ang babae mula sa sexually transmitted diseases (STD) tulad ng HIV/AIDS, pero nakakatulong itong ayusin ang mga ibang problema sa reproductive system at menstruation gaya ng pagkakaroon ng malakas na regla o pananakit ng puson, at iba pang kondisyon tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at endometriosis.

    Tulad ng nabanggit, merong 28 pills sa isang pakete ng Lady pills. 21 doon ay naglalaman ng hormones habang ang natitirang pito ay placebo o hormone-free pills, ayon sa MIMS Philippines. Basahing mabuti ang mga sumusunod na impormasyon kung paano ito gagamitin nang tama.

    Paano inumin ang Lady pills

    Unahin ang kulay beige na tableta sa unang araw ng iyong monthly period, at patuloy na inumin ang mga beige na tableta, isa sa bawat araw at huwag magmimintis. Eksaktong 24 oras dapat ang pagitan sa pag-inom.

    Pagkatapos inumin ang 21 tableta, inumin naman ang pitong puting tableta (Day 22 hanggang 28) sa mga susunod na araw (naka-disenyo itong ganito para hindi mo makalimutang uminom bawat araw). Asahang rereglahin ka dalawang araw pagkatapos mong inumin ang huling beige na tableta.  

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kapag naubos mo na ang huling puting tableta, magsimula uli ng panibagong pakete kinabukasan (Day 29).

    What other parents are reading

    Ano ang dapat gawin kung makamintis ng pills

    Kung makakalimutan mong uminom ng isang beige na tableta sa takdang oras, inumin agad ito sa oras na maalala mo. Dapat mainom mo ito sa loob ng 12 oras pagkatapos ang 24-oras na pagitan. Tapos magpatuloy uli sa iyong schedule ng pag-inom ng tableta, kahit pa ibig sabihin nito ay ang pag-inom ng dalawang pills sa isang araw. 

    Ano ang dapat gawin kung makamintis ng dalawa o higit pang pills

    Kung dalawang beses kang magmimintis, inumin agad ang pinakahuling tableta na dapat mong ininom sa oras na maalala mo, pero huwag mo nang inumin ang iba pang namintis mo. Pagkatatapos, ituloy ang pag-inom ng gamot sa takdang oras. Kailangang mag-ingat at gumamit ng karagdagang proteksyon tulad ng condom kung makikipagtalik sa susunod na pitong araw.

    Bilangin ang mga natitirang beige na tableta sa pakete, at kung sobra ito sa pito, ipagpatuloy ang pag-inom nito at ng mga puting tableta ayon sa iyong schedule. Kung kulang na ito sa pito, inumin pa rin ang beige pills pero huwag na ang mga puti. Pagdating ng Day 22, magsimula agad ng panibagong pack. Maaring hindi ka pa datnan sa panahong ito.

    Tulad ng kahit anong gamot, lalo na sa hormonal contraceptive pills, pwedeng magkaroon ng side effects, na nakadepende sa taong gagamit. 

    Ilan sa mga karaniwang epekto ng paggamit ng Lady pills ay ang pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pagsakit ng tiyan o puson, pagbabago sa gana sa pagkain, pagtaas ng timbang, pagbabago sa sex drive, pananakit ng mga dede at pagkakaroon ng mood swings. Ayon rin sa ilang kababaihan, nagdulot ito ng pagkinis ng kanilang balat at paglaki ng dede, na pwedeng ituring na magagandang epekto. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Meron ding mga kababaihang hindi pwedeng gumamit ng Lady pills. Iwasan ang gamot na ito kung ikaw ay buntis, nagpapadede, may family at medical history ng blood clot o pamumuo ng dugo, may sakit sa atay, varicose veins, diabetes, hypertension, breast cancer at cervical cancer.

    What other parents are reading

    Paggamit ng Lady pills kapag emergency

    Walang ibinebentang morning-after pills dito sa Pilipinas. Ang mga karaniwang emergency contraceptive pills (ECP) tulad ng Plan B One-Step (levonorgestrel) o ella/ellaOne (ulipristal acetate) ay ipinagbabawal sa bansa. Subalit ayon sa World Health Organization (WHO), ang isang babae na nakipagtalik nang walang protekson ay pwedeng gumamit ng malakas na dose ng pang-araw-araw na birth control pills habang sinusunod ang Yuzpe Method.

    Dahil naglalaman ito ng ethinyl estradiol at levonorgestrel, pwedeng gamitin ang Lady pills bilang pamalit sa morning-after pills. Kung gagamitin sa tamang dosage at pamamaraan, maiiwasan ang pagbubuntis dahil matitigil o mapapabagal nito ang paglabas ng itlog sa ovary.

    Paano gamitin ang Lady pills bilang emergency contraceptive

    Inumin ang unang dose (o apat na beige na tableta ng Lady) sa loob ng 72 oras matapos makipag-sex nang walang proteksyon. Pagkalipas ng 12 oras, inumin ang pangalawang dose (apat na beige na tableta). Mas malaki ang posibilidad na maiwasan ang pagbubuntis kung makakainom agad ng unang dose.

    Gaya ng nabanggit, magkakaiba ang nilalaman ng mga contraceptive pills. Maaring umabot sa apat o limang tablet ng Lady pills ang isang dosage ng ECP. Mas mabuting magtanong pa rin sa doktor bago gawin ito, para matulungan ka sa tamang dosage ng napiling gamot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Asahan rin na maaring magkaroon ng masamang epekto ang paglagay ng maraming hormones sa iyong katawan. Ilan sa mga ito ay pagkahilo o ang pagdurugo. Alamin rin mula sa iyong doktor kung ano ang mga iba pang side effects, at kung alin dito ang kailangan ng agarang lunas at atensyon.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa How to Use Lady Pills as Your Daily and Emergency Contraceptives

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close