embed embed2
9 Senyales Na Dapat Tumawag Ng Doktor Sa Kabuwanan Ng Panganganak
PHOTO BY Pexels
  • Pinakahihintay ang pagbubuntis sa 9 months dahil ito na ang kabuwanan. Ilang araw na lang ang bibilangin mo at manganganak ka na. Sa wakas, darating na si baby, makikilala mo siya at masusubaybayan ang kanyang paglaki.

    Sa puntong ito, nasabihan ka na ng doktor kung kailan ka posibleng manganak o ang iyong due date, na tinatawag ding estimated date of delivery (EDD). Dahil estimated lang ang petsang ito, malamang hindi sa eksaktong araw darating si baby. Katunayan, sinasabing 5 percent lang sa mga sanggol ang isinisilang sa kanilang due date.

    Paano malaman ang due date

    Nagsisimulang mag-labor ang buntis two weeks bago o di kaya two weeks pagkatapos ng itinakdang due date.  May ilang paraan para matantya ang due date, ayon sa Women & Infants.

    • Mula sa date of ovulation, malalaman ang edad ng fetus. Ito ang pinakasiguradong paraan, pero bihirang malaman ang eksaktong petsa ng ovulation.
    • Malimit pagbatayan ang menstrual calendar kahit na hindi ito nagbibigay ng tumpak na resulta. Nagbabago kasi ang regularity ng menstruation kada buwan at bawat kababaihan.
    • Kapag napakinggan ng doktor ang heartbeat ni baby gamit ang special ultrasound device, malalaman niya kung gaano na ito katagal sa iyong sinapupunan. Pangkaraniwang naririnig ang fetal heartbeat mula sa 10 weeks o 12 weeks.
    • Magagamit din ng doktor ang ultrasound device upang bumuo mula sa sound waves ng litrato na kanyang pagbabatayan ng edad ng fetus. Epektibo itong gawin sa first half ng pagbubuntis, ngunit hindi na nagiging reliable ang ganitong paraan pagtungtong sa second half. 

    Mga pagdadaanan sa pagbubuntis sa 9 months

    Sa panahon ng pagbubuntis sa 9 months, mapapansin mo na dumadami ang iyong discharge. Malabnaw lang ito, kulay puti, at may kaunting amoy. Sa sandaling lumapot ito at maging kulay dilaw o di kaya pula, nagsisimula na ang tinatawag na “show.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang malagkit na substance na ito ang tumutulong sa cervix para hindi magkaroon ng tagas at maprotektahan ang pagbubuntis. Kaya kapag nagpakita na ito, ibang sabihin malapit nang lumabas si baby. May ilang araw pa bago ka tuluyang manganak.

    Makakaramdam ka ng pananakit ng likod habang pababa si baby sa iyong pelvis at tumatama na ang kanyang ulo sa iyong spine. Tumataas na rin ang pressure sa ibabang parte ng iyong baby bump.

    Senyales na dapat tumawag ng doktor kapag kabuwanan mo na

    Tandaan ang mga senyales na hindi dapat ipagwalang-bahala at kailangang ipag-alam sa iyong doktor:

    1. Bleeding mula sa vagina
    2. Discharge na kulay brown o pink
    3. Sobrang pangangati, lalo na sa gabi
    4. Grabeng pananakit ng ulo
    5. Problema sa paningin, tulad ng blurring, light sensitivity, at kapag nakakakita ng spots o flashing lights
    6. Kirot sa may ibaba ng tadyang
    7. Lubhang pagmamanas ng mukha at mga kamay, paa, at bukung-bukong (ankles)
    8. Pabalik-balik na pananakit ng tiyan
    9. Lagnat abot sa 37.5 degrees, pero walang ibang sintomas ng trangkaso

    Mainam na maging listo sa posibleng pregnancy complications, gaya ng preeclampsia. Hindi ito parating natutukoy sa pagkakaroon ng mga sintomas. Malalaman lang ito sa pamamagitan ng urine at blood pressure tests kapag nagpatingin ka sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paghahanda para sa panganganak

    Sa kabilang banda, maaaring makaramdam ka ng ibayong sigla na marahil dala ng excitement sa nalalapit na pagdating ni baby. Panay ang ayos mo ng kanyang mga gamit pati ng nursery room. “Nesting” ang tawag dito. 

    Malamang naayos mo na rin ang iyong hospital bag para ano mang oras, kung hindi home birth ang plano mo, handa kang pumunta sa alin mang accredited birthing facility. Huwag kalimutan na may mga bagong patakaran bunsod ng COVID-19 pandemic (basahin dito).

    Naghahanda na rin si baby sa kanyang paglabas. Halos nalagas na ang lahat ng fine hair na tinatawag na lanugo. Maaaring nakapuwesto na ang kanyang ulo sa iyong pelvis. Kapag wala siya sa tamang puwesto, mababanggit ng iyong doktor na maghanda sa emergency Cesarean section (alamin dito kung bakit).

    Panay na rin ang paghilab ng iyong tiyan bilang pagbubuntis sa 9 months. Madalas kang makaranas ng painless contractions na kilala bilang Braxton Hicks contractions. Malalaman mo kung totoong labor contractions na ang nararanasan mo kung dumadalas ang paghilab, mga tatlong beses kada sampung minuto, at lumulubha ang kirot. Dagdag pa dito ang pagputok ng iyong panubig. Manganganak ka na nga! 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles