embed embed2
  • 4 Na Buwang Buntis: Naririnig Na Ni Baby Ang Boses Mo At Kumukulo Mong Tiyan!

    Pupuwede nang malaman kung girl o boy si baby sa tiyan.
    by Jocelyn Valle .
4 Na Buwang Buntis: Naririnig Na Ni Baby Ang Boses Mo At Kumukulo Mong Tiyan!
PHOTO BY Unsplash
  • Halos nasa kalagitnaan na ang pagbubuntis sa ika-4 na buwan, kaya bumibilis pa lalo ang sistema sa iyong katawan at ang paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan. Maaari mo nang malalaman ang gender ni baby kung pipiliin mong sumailalim sa ultrasound.

    Sadyang exciting isipin kung girl ba o boy ang laman ng iyong tiyan, lalo na’t damang-dama na ang iyong baby bump sa puntong ito ng week 18. Masasalat mo ang umbok pababa ng isa’t kalahating pulgada sa ilalim ng pusod. Kaya mainam na simulang bantayan ang pagdagdag ng iyong timbang.

    What other parents are reading

     

    Normal na timbang ng buntis 

    Kapag masyado ka kasing lumaki, may posibilidad na magkaroon ka ng kumplikasyon. Gestational diabetes at preeclampsia ang ilan sa pregnancy complications na dapat iwasan. Magiging mapanganib kasi ang mga ito sa kalusugan mo at ng sanggol.

    Depende sa iyong pre-pregnancy body mass index (BMI), mas magiging mataas ang iyong total pregnancy weight gain kung underweight ka bago mabuntis. Ang rekomendadong dagdag sa timbang sa buong pagbubuntis ay mula 25 hanggang 35 pounds lamang. Katumbas iyan ng 300 calories kaya pag-isipang mabuti ang pagkain para hindi lumagpas sa dami ng calories.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakatulong ang low-impact exercises para ma-burn ang karagdagan pang calories, basta wala kang nararamdamang pregnancy complications. Maiibsan din nito ang ilang sintomas na hatid ng pagbubuntis, lalo na kung may kasamang meditation at breathing exercises. (Basahin dito ang tungkol sa prenatal yoga at dito tungkol sa pregnancy Pilates.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Dapat bigyan ng pansin na sintomas ng pagbubuntis sa ika-4 na buwan

    May hatid ang mga ito na discomfort dahil sa extra fluids sa iyong katawan at ang iyong lumalaking tiyan. Nababanat ang balat at kumakati na ito. Panahon na para magpahid ng lotion kontra stretch marks. Iyon na nga lang, nakasalalay pa rin sa genetics ang pagkakaroon ng stretch marks. Kung meron o wala nito ang nanay mo, malamang ganoon din ang mangyayari sa iyo.

    Pagkakaroon ng  linea nigra

    May mapapansin kang linya sa pagitan ng iyong tiyan. Tinatawag itong “linea nigra,” na sa Latin ang ibig sabihin ay "itim na linya." Normal lang na magkaroon ng ganitong skin pigmentation at hindi ka dapat mabahala. Mawawala ito ilang buwan pagkatapos mong manganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamamanas ng mga kamay at paa

    Ang extra fluids at tumataas na blood production ang sanhi ng pamamaga ng mga kamay at paa, pati na ng bukung-bukong (ankles). Para hindi magkaroon ng water retention, iwasan ang pagtayo o pag-upo nang matagal. Subukan na ipatong ang mga paa sa mas mataas na lugar kesa sa kinauupuan, o di kaya humiga at ilapat pataas ang mga paa sa dingding. Makakatulong din ang exercise para sa blood circulation.

    Dahil sa extra fluids kaya dumadami ang vaginal discharge at nagkakaroon ng panlalabo sa paningin (vision problems), pamamaga ng gilagid (swelling and bleeding gums), pagbabara ng ilong (stuffy nose), at maaaring pagdudugo pa ng ilong (nosebleed).

    What other parents are reading

    Pamumulikat ng mga binti

    Hindi pa natutukoy ng mga eksperto kung bakit nagigising ang mga buntis sa kalagitnaan ng gabi dala ng paninigas at pananakit ng mga binti. Pero leg cramps nga ang kadalasang reklamo ng mga buntis pag tungtong nila sa second trimester. Makakatulong ang pag-inat-inat ng mga binti at stretching exercises para sa calf muscles bago matulog nang lumuwag ang pakiramdam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Almoranas

    Kung may napapansin kang naglalabasang maliliit na mga ugat (veins) sa iyong dibdib o tiyan, habang may varicose veins naman sa iyong mga binti at paa, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng almoranas. Tulad ng mga ugat sa nasabing parte ng katawan, namamaga rin ang mga ugat sa rectum.

    Maaaring maiwasan ang almoranas kapag dinalasan ang pag-inom ng tubig at pagiging aktibo ng katawan. Isa pa, huwag mong itodo ang pag-ire para hindi madagdagan ang pressure sa rectum.

    Kaugnay nito ang pagbagal ng muscle contractions na nagdadala ng pagkain sa bituka. Ang resulta: madalas na pagdighay (burping), paglabas ng hangin mula sa tiyan (gassy feeling), hirap sa pagdumi (constipation), at heartburn. Kaya makakabuti talaga ang pag-inom ng tubig at pagkain ng fiber.

    Problema sa pagtulog

    Marahil nahihirapan kang humanap ng kumportableng posisyon sa kama dahil sa lumalaki mong tiyan. Subukan mong humiga nang patagilid at gumamit ng pregnancy pillow. Iwasan ang sobrang pag-iisip at pag-aalala para maging relaxed ang katawan at pakiramdam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pananakit ng likuran

    Ang hormone na relaxin ang dahilan ng pagsakit ng likod. Pinapaluwag kasi nito ang ligaments at joints bilang preparasyon sa panganganak. Dagdag pa dito ang iyong baby bump na humihila sa iyo paharap kaya nasisira ang iyong posture na para kang nakukuba. Sanayin mo lang ang sarili na umupo at tumayo nang tuwid, bukod pa sa paggawa ng stretching at low impact exercises.

    What other parents are reading

    Development at paglaki ni baby sa tiyan

    Samantala, kasing laki na ni baby ang kamote o kaya melon na may 5 and a half inches na haba at halos 7 ounces na bigat. Magpapatuloy pa ang kanyang paglaki hanggang mabuo siya at ang kanyang sariling sistema sa katawan.

    Mararamdaman mo na rin ang kanyang paggalaw. Tumitibay na kasi ang kanyang mga buto. Bukod sa thumb sucking, nakakaya na niyang humikab at suminok. Mabilis na ang development ng kanyang nervous system. Nababalutan ang nerves ng substance na myelin, na siyang nagkokonekta sa nerve cells at nagpapadala ng mensahe sa isa’t-isa.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kumpleto na ang five senses ni baby! Naaamoy na niya ang kanyang pagkain. Nararamdaman na niya ang amniotic fluid sa kanyang paligid. Nakakaaninag na siya ng liwanag, at naririnig na niya ang kumukulo mong tiyan at malakas mong boses.

    Kasabay ng pagpoporma ng kanyang fingerprints ang pagbuo ng kanyang sex organs. Kung baby girl, mayroon na siyang fallopian tubes. Kung baby boy naman, makikita na ang kanyang penis sa ultrasound.

    Sa panahon ng pagbubuntis sa ika-4 na buwan, mahalaga na alagaan ang sarili. Iwasan ang stress kahit marahil maraming gumagambala sa iyong isip habang nasa gitna ng pandemya. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles