embed embed2
  • Pagbubuntis Sa Ika-5 na Buwan: Humanda Na Sa Kabag, Masakit Na Likod, Atbp

    Sikaping magkaroon ng healthy diet sabay sa pagiging matakaw at pagdagdag ng timbang.
    by Jocelyn Valle .
Pagbubuntis Sa Ika-5 na Buwan: Humanda Na Sa Kabag, Masakit Na Likod, Atbp
PHOTO BY iStock
  • Sa pagpasok ng pagbubuntis sa ika-5 na buwan, nakatawid ka na sa kalagitnaan at tuloy-tuloy ang iyong tiyan sa mabilis na paglaki. Kaya mainam na pag-ingatan pa ang sarili pati na ang dinadalang baby.

    BUNTIS? MGA STORIES NA MAAARING MAKATULONG

    Maaaring hindi mo magustuhan ang pagdagdag ng timbang. Isipin mo na lang na ito ay para sa kalusugan ni baby. Kapag hindi ka kasi bumigat, malamang hindi rin siya lumalaki nang inaasahan dahil kulang ang nutrisyon na kanyang natatanggap.

    Makakatulong ang pagkakaroon ng healthy diet na mayaman sa gulay at prutas imbes na nawili sa pagkain ng junk food. Napatunayan ng research na kapag kumain nang tama ang buntis, damay na ang kanyang sanggol, at pareho silang makakaiwas sa health conditions tulad ng diabetes.

    Pagbubuntis sa ika-5 na buwan

    Sa puntong ito ng 21 weeks pregnant, makakabuti kung sanayin ang sarili sa karaniwang sintomas ng pagbubuntis sa ika-5 buwan para mapaghandaan ang mga darating pa sa third trimester.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Braxton Hicks contraction

    Tinatawag na Braxton Hicks ang pasikip at paghilab ng tiyan bilang preparasyon ng uterus sa napipintong paglabas mula rito ni baby. Pero hindi ito biglang dumadalas at tumitindi ang sakit kagaya ng totoong labor contractions.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi rin dapat magdulot ang Braxton Hicks ng sobrang discomfort dahil mawawala naman kapag nagbago ka ng posisyon sa pagkatayo, pagkaupo, o pagkahiga. Sa sandaling makaramdam ka ng matinding contractions na sanhi ng paghabol ng hininga, nararapat na tawagan ang iyong doktor.

    Breast milk leaks

    Sa simula pa lang, naghahanda na ang iyong katawan para sa pagkakaroon ng breast milk. Kaya huwag mabahala kung may tumutulo na watery at milky fluid mula sa iyong mga suso sa pagbubuntis sa ika-5 na buwan. Hindi lamang sa third trimester o sa nalalapit na panganganak nararanasan ito.

    Stretch marks, acne, at iba pang skin issues

    Sa patuloy na paglaki ni baby sa iyong tiyan, nababanat itong parte ng katawan kaya nagiging sensitibo at makati. Makakatulong ang pagpahid ng moisturizer sa tiyan pati na sa mga suso, braso, at mga hita dahil lumalapad din ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pang gamit ng moisturizer ang pag-iwas sa stretch marks, pero depende pa rin sa iyong genes kung magkakaroon ka nito o hindi. Huwag ikalungkot kung nasa lahi niyo ang stretch marks dahil puwede itong mawala sa pagdaan ng mga taon. O di kaya maluwag na tanggapin ito bilang bahagi ng pagdadalang-tao. (Basahin ang pananaw ni Andi Eigenmann dito at ni Lara Quigaman dito.)

    Samantala, kusa namang mawawala ang pangingitim sa kili-kili, singit, at iba pang katulad na parte ng katawan kapag naipanganak na si baby. Pero kung habang buntis ay biglang tinubuan ng mga tigyawat, ibayong pag-aalaga na lang sa balat ang gawin. Bago bumili ng skin at anti-acne products, komunsulta muna sa doktor.

    Backaches, hip pain at round ligament pain

    Trabaho ng pregnancy hormone na relaxin ang pagluwag ng joints para maihanda ang katawan sa panganganak. Pero sanhi din ito ng pananakit ng balakang, puson, bandang singit (round ligament), at likuran. Idagdag pa ang lumalaking baby bump kaya nagbabago ang iyong center of gravity, na siya namang nakakaepekto sa iyong postura at paglalakad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakabuti ang paghiga sa iyong left side para sa circulation ng newly oxygenated air, May hatid namang ginhawa ang paggamit ng pregnancy pillow. Pero kung tumindi ang sakit at hirap sa pagtulog, kailangan mo nang sabihan ang doktor.

    Heartburn at indigestion

    Ang relaxed muscle valve sa pagitan ng stomach at esophagus sa isang banda, at sa isa pa, ang lumalaking uterus na tumutulak sa tiyan ang dahilan kung bakit nagkakaranas ang buntis ng heartburn. Ito ang mainit na pakiramdam sa may dibdib na maaaring maiiwasan sa ilang paraan. Kabilang dito ang hindi pagmamadali sa pagkain at pag-inom ng tubig, pati na ang pagtanggi sa mga pagkaing maanghang, masebo, at ubod nang taba.

    Bloatedness, burping, at gas

    Asahan ang madalas na pagdighay, pagiging kabagin, at pagbagal ng panunaw. Kalakip na kasi sa pagbubuntis ang pagbagal ng muscle contractions na siyang tumutulak sa pagkain na dumaloy patungo sa intestines. Huwag na lang munang kumain ng fried food, broccoli, root crops, at beans.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Increased bodily fluids 

    Dahil kailangan damihan ng katawan ang paggawa at pag-circulate ng dugo, tumataas tuloy ang fluids na napupunta naman sa tissues. Ang resulta ay pagdami din ng vaginal discharge at pagkakaroon ng vision problems, varicose veins, at bleeding bums. Dagdag pa dito ang pamamaga ng mga bukung-bukong (ankles), paa, at kamay, maging ang pagbabara ng ilong at posibleng pagdugo pa nito.

    Gaano na kalaki si baby sa tiyan?

    Samantala, kasing laki na ni baby ang isang saging na may habang 10-and-a-half inches at bigat na 11 hanggang 12-and-a-half ounces. Gumagalaw-galaw na siya sa iyong tiyan bilang paghahanda sa pagsipa at pag-tumbling. Obserbahan kung kailan siya hindi masyadong aktibo at malamang natutulog siya. Kunin ang pagkakataon para makatulog ka rin dahil mahihirapan ka na kapag maglikot na naman siya.

    Ang ulo ni baby ay proportion na sa kanyang katawan at mga biyas, na siya namang coordinated na sa puntong ito. Konektado na kasi ang neurons sa pagitan ng brain at muscles, habang lumalakas pa ang kanyang skeletal framework. Lahat ng mga ito ang dahilan kung bakit may control na siya sa paggalaw ng kanyang mga paa at kamay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nalalasahan na rin ni baby ang kinakain mo sa pamamagitan ng pag-inom niya ng aminiotic fluid, na siyang nagbibigay sa kanya ng sustansya at pamatid ng uhaw. Nakakagawa na siya ng meconium, o unang dumi na itim.

    Kumakapal na ang kanyang lanugo — ang pinong buhok na pinaniniwalaang nagbabalanse ng temperatura sa loob ng sinapupunan. Nawawala ito kapag malapit na lumabas si baby. Nananatili ang kanyang totoong buhok na maaaring manipis muna o makapal na kaagad.

    BUNTIS? MGA STORIES NA MAAARING MAKATULONG

    Mainam na sa panahon ng pagbubuntis sa ika-5 na buwan ay nagsimula nang maghanda sa pagdating ni baby. Alamin mula sa doktor at ospital ang mga protocol sa pagkuha ng mga test tulad ng congenital anomaly scan (CAS) at oral glucose test sa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles