Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Totoo Ba na Bawal Maligo sa Gabi o Magsuot ng Kuwintas Kapag Buntis?
PHOTO BY Pixabay
  • Hindi mawawala sa pamumuhay ng mga Pilipino ang iba’t ibang pamahiin kabilang na ang pagbubuntis. Ito ay mga paniniwala ng mga matatanda na naipapasa sa bawat henerasyon sa paglipas ng panahon. Minsan pa nagdudulot ito ng kalituhan sa iba kung dapat sundin dahil karaniwang taliwas sa ipinapayo ng mga doktor o walang malinaw na medikal na pamantayan.

    Bagaman ang mga pamahiing ito ay itinuturing na myths, maaaring sabihin na ang hangarin ng mga pamahiing ito ay gabayan ang mga babae sa kanilang pagbubuntis na maging maingat. Sabi nga nila, wala namang mawawala kung susundin o gagawin ito.

    More from Smart Parenting

    Narito ang ilan sa patuloy na pinaniniwalaang mga pamahiing Pilipino sa pagbubuntis

    1. Sinasabi na mahihirapan sa panganganak kapag nakaupo sa hagdan.

    Ganito rin ang paniniwala na bawal ang tumambay ang buntis sa may pinto. Siguro ang gusto lamang ipahiwatig ng pamahiin na eto ay may-ingat sa pagakyat at pagbaba sa hagdanan dahil maaaring maging sanhi ito ng anumang aksidente.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Huwag pumunta sa lamay o burol ng patay.

    Makukunan daw ang isang buntis dahil sa paniniwalang isasama ng kaluluwa ng patay ang baby sa kabilang buhay. Kung hindi raw naman maiiwasan, magtali ng pulang panyo sa tiyan para maging pangontra sa sakit ng namatay. Walang scientific o medical na basehan ang pamahiin na eto. Maaaring dahilan ay upang hindi mapuyat ang buntis at makaiwas din sa matinding pagdadalamhati o emosyon na makasasama sa baby.

    3. Huwag maglagay ng nail polish.

    Makaapekto sa baby ang taglay na kemikal nito. Ganito rin halos ang paliwanag sa pagpapakulay ng buhok. Maaaring namang maglagay ng nail polish basta nakasisiguro na wala itong toxic na kemikal na makasasama sa iyo at sa baby. Siguro pinaiiwas din na sa pagpapalinis ng kuko masugatan ang isang buntis dahil sa tetanus.

    More from Smart Parenting

    4. Huwag magsuot ng kuwintas.

    Pupulupot daw kasi ang umbilical cord sa leeg ng baby kapag ginawa ito. Ganito rin ang paniniwala sa pagpulupot ng isang buntis ng tuwalya o towel sa kaniyang leeg.  Marahil sa kinatatakutan ng mga mommy-to-be ang cord coil. Pero nangyayari talaga ito dahil sa patuloy na paggalaw ng baby sa loob ng tummy at hindi dahil sa kuwintas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Huwag maligo ng malamig na tubig o maligo sa gabi.

    Makakukuha ng lamig ang iyong baby kapag ginawa mo daw ito. Hindi ito totoo dahil binabalanse ng amniotic fluid ang temperatura sa loob ng sinapunan. Ang totoo pa nito mas madalas na may pakiramdam na mainit ang mga buntis dahil sa tumataas na amount ng dugo na prino-produce ng katawan nito.

    6. Laging makinig sa musika.

    Pinaniniwalaan na kapag ginawa ito magiging musically inclined ang iyong baby gayundin magiging matalino ang baby mo kapag classical music ang pinatugtog. Ngunit pinasubalian na ng mga scientists ang teorya ito. Pero malaki ang nagagawa ng pakikinig ng musika para sa mood ng isang buntis lalo na kapag nakararamdam ng pagiging emosyonal na wala namang dahilan.

    More from Smart Parenting

    7. Maglilihi ang asawa kapag hinakbangan habang natutulog.

    Ang nararamdamang pagod at paghahanap ng pagkain ay masasabing dulot ng pressure sa lalaki dahil sa pagiging daddy-to-be niya. Siyempre pa, excited na rin siya maging daddy kaya maaaring nag-stress-eating na siya. Nadadagdagan din ang pag-aalala niya sa kalusugan at kaligtasan ng kaniyang asawa at magiging anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    8. Aantukin ang kakain sa ginamit na plato ng isang buntis.

    Gaya rin ito ng paniniwalang kapag nakihati ka ng pagkain sa buntis o kinain mo ang natira niya. Pero ang totoo nito lahat naman ay nakaramdam ng antok pagkatapos kumain lalo na kapag sobrang busog.

    9. Magsabit ng bawang at magsabog ng asin sa mga bintana at pinto.

    Mayaman ang kulturang Pilipino sa paniniwala sa mga mythical creatures gaya ng aswang at tiktik na madalas na naiuugnay sa mga buntis. Ang mga bata raw kasi sa sinapupunan ng ina ang gusto nilang pagkain. Ngunit wala namang patunay nito.

    More from Smart Parenting

    10. Kung ano ang kinakain, siyang bunga.

    Makaapekto raw sa pisikal na anyo ng baby ang anumang pinaglilihian o kinahihiligang kainin. Ang totoo naman nakabatay sa genes ninyong mag-asawa ang physical features ng inyong magiging anak. Ganito rin ang paniniwala ng ilan sa panonood ng mga horror films na magmumukhang monster ang iyong anak. Mas mabuting itigil na ito dahil nakadaragdag lang ng stress sa buntis ang panonood ng ganitong genre.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    11. Huwag kumain ng sariwang itlog.

    Mapapadali raw ang panganganak kapag kumain nito. Ang panganganak, madali man o mahirap, ay nakadepende sa kalusugan ng ina o sa timbang at posisyon ng baby. Ang katotohanan delikado ang sariwang itlog sa buntis dahil sa exposure sa salmonella na masama sa buntis. Mabuti pang lutong itlog ang kainin dahil mayaman ito sa nutrisyong kinakailangan sa pagbubuntis.

    12. Kumain nang marami.

    Lagi kang makakaramdam ng gutom kapag buntis ka. Pero kailangan na maging maingat sa pagkain. Mahalagang isaalang-alang ang timbang habang buntis upang maiwasan ang mga sakit gaya ng gestational diabetes at high blood pressure.

    More from Smart Parenting

    13. Huwag kumain ng kambal na saging.

    Kapag kumain ka ng kambal na saging magiging kambal din daw ang magiging anak. Pero wala itong katotohanan dahil ang pagkakaroon ng kambal na anak ay dahil sa genetics o bunga ng fertility treatments. Ang totoo makabubuti ang pagkain ng saging sa buntis dahil mayaman ito sa nutrisyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    14. Huwag kumain ng talong.

    Magkakaroon daw ng balat na kulay violet kapag ipinanganak ang baby. Magiging iyakin din daw ito. Ngunit makasasama lamang ang pagkain ng talong kung hindi tama ang pagluto. Mariing paalala rin ng mga doktor na gaya ng anumang pagkain, makasasama ang labis na pagkain. Kailangan itong gawin upang makaiwas sa anumang problema.

    15. Huwag uminom ng soft drinks.

    Magiging makulit daw ang baby. Pero nakabatay ang attitude at personality ng bata sa kaniyang paglaki sa pakikisalamuha sa ibang tao at impluwensiya ng kaniyang ginagawalang lipunan bukod pa sa pagpapalaki ng kaniyang mga magulang.

    Ipinagbabawal ag soft drinks ng mga doktor dahil sa mataas na caffeine at sugar content nito na makasasama sa pagbubuntis.

    Bukod sa mga nabanggit na ito, marami pang pamahiin ang sinusunod ng iba pa sa kanilang pagbubuntis. Anuman ang mga ito, lagi lang tandaan kung ano ang the best para sa baby na nasa iyong tummy.

    Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa: 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    15 Pregnancy Superstitions: Let's Set the Record Straight!

    Pinay Moms Get the Weirdest Pregnancy Advice (Wear Your Husband's Brief!)

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles