Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Pregnancy Symptoms Week 10: Nagsisimula Nang Mapansin ang Baby Bump Mo

    Ilang linggo na lang at matatapos na ang first trimester ng iyong pagbubuntis.
    by Rachel Perez .
Pregnancy Symptoms Week 10: Nagsisimula Nang Mapansin ang Baby Bump Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa ika-10 linggo ng iyong pagbubuntis, nasa ikalawang buwan at ikalawang linggo ka na ng first trimester. Mapapansin mo na mas matigas na ang lower abdomen mo at mas bumibilog ang iyong mid-section.  Ito rin ang linggo na mapapansin ang tinatawag nilang pregnancy glow

    Maging aktibo sa 10th week ng iyong pagbubuntis. Kung meron ka pa ring morning sickness at mas malala ito kesa dati, kumonsulta sa doktor at baka hyperemesis gravidarum na ito.

    Mapapnsin mo ang paglaki ng iyong dibdib (at hindi na sila gaanong masakit). Dahil ito sa hormones na estrogen at progesterone na tumutulong maghanda ng iyong breast milk. Maaring medyo lumaki at umitim ang areola mo.

    Ang pagtaas ng hCG at progesterone sa iyong katawan ang dahilan ng iyong pregnancy glow. Ang progesterone ang nagdudulot ng makinis mong kutis sa iyong mukha, dahil mas maraming oil glands dito, at dahil din sa mas madaming dugong dumadaloy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sintomas ng pagbubuntis Linggo 10

    Patapos na ang early signs ng pagbubuntis na hindi masyadong maganda sa pakiramdam. Pero mayroon pa ring mga sintomas at pagbabago sa iyong katawan na mangyayari. 

    Round ligament pain

    Kasabay ng paglaki ng sanggol ay ang paglaki rin ng iyong uterus. Makakaramdam ka ng mga pananakit sa iyong tiyan dahil sa pag-stretch nito para i-accommodate ang paglaki ng sanggol. Ayon sa American Pregnancy Association, ang round ligament pain ay ang “sharp pain or jab felt in the lower belly or groin area or both.” Kalimitang sintomas ito ng pagbubuntis, na maaaring maramdaman hanggang sa second trimester. 

    Increased vaginal discharge

    Mapapansin mo ang pagkakaroon ng malinaw o milky-white, odorless vaginal discharge, na kung tawagin ay leukorrhea. Ito ang paraan ng katawan upang ilabas ang bacteria dahil sa pagtaas ng estrogen level at mas maraming dugo na dumadaloy sa iyong vaginal area. Hindi mo kailangang mangamba hangga’t ang vaginal discharge ay walang kulay, walang mabahong amoy, o hindi komportableng pakiramdam. Kung kabaliktaran ang nararamdaman sa mga nabanggit, kumonsulta agad sa iyong doktor.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Visible veins

    Nagpo-produce ang iyong katawan ng mas maraming dugo kaya mas nagagamit ang iyong mga ugat. Mapapansin ito sa mga kulay blue na ugat sa iyong dibdib at tiyan, patunay na mas maraming dugo ang dumadaloy sa iyong katawan. Ang karagdagang dugo, na tinatayang nasa 50%, ay dumadaloy sa uterus para sa iyong sanggol. 

    More from Smart Parenting

    Pananakit ng ulo

    Ang sakit ng ulo ay dahil sa iyong nagbabagong hormone levels, dehydration o pagkagutom (o dahil sa pagbabawas ng caffeine), o kakulangan sa tulog. Kung masyadong masakit ang ulo at sa palagay mo ay nangangailangan ng gamot, kumonsulta muna sa doktor. Abisuhan ang iyong doktor kung ang pananakit ng ulo ay may kasamang problema sa paningin o napapadalas ang mga sintomas na ito.

    Madalas na pag-ihi

    Dahil sa lumalaking uterus, naitutulak nito ang iyong kidneys. Bukod pa rito ay dahil sa increased blood flow sa iyong pelvic area, dahilan para maging madalas ang pag-ihi. Kung nakakaranas ng masakit na pag-ihi, marahil ay dahil ito sa urinary tract infection, kaya kumonsulta agad sa iyong doktor. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bloating, gas, and constipation

    Mas mabagal ang muscle contractions na siyang nagtutulak ng pagkain sa iyong mga bituka dahil sa iyong pagbubuntis. Maaari namang maging sanhi ng constipation ang extra iron mula sa iniinom mong supplements. Uminom ng maraming tubig at kumain ng pagkaing mayaman sa fiber. Iwasan ang mga pagkaing nagiging sanhi ng gas (kabag) gaya ng fried food, broccoli, at beans. 

    Heartburn at indigestion 

    Nakakaranas ka ng heartburn dahil mas relaxed ang muscle valve sa pagitan ng iyong tiyan at esophagus. Kumain nang dahan-dahan at uminom lamang ng tubig pagkatapos kumain. Iwasang kumain ng maanghang, mamantika, at matatabang pagkain. Maaaring lumubha ang iyong heartburn kapag lumaki pa ang uterus at maaaring idiin nito ang iyong tiyan. 

    More from Smart Parenting

    Morning sickness

    Asahang lilipas ito pagdating ng iyong second trimester. Makakatulong ang ginger tea, vitamin B-6 supplements, pagkain ng walang lasa, at limang small meals sa halip na large meal. 

    Mood swings

    Ang pagbabago sa iyong hormones ang nagdudulot ng pagbabago-bago ng iyong emosyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Food cravings or aversions

    Dahil sa pagbabago ng iyong hormones dulot ng pagbubuntis, masyadong sensitibo ang iyong pang-amoy lalo na pagdating sa pagkain. Nahihilig ka rin sa pagkaing matamis o maalat, weird na kombinasyon, o pagkain sa alanganing oras. 

    Fatigue

    Tipikal para sa mga buntis na makaramdam ng kapaguran kahit konting kilos lang. Makinig sa iyong katawan, at huwag puwersahin ang sarili. Magpahinga kung kailangan. 

    Pregnancy dreams

    Madalas kang matulog at mas madalas kang managinip kumpara noong hindi ka buntis. Huwag mag-panic. I-share ito sa iyong partner o sa doktor pero huwag bigyan ng kahulugan ang iyong mga panaginip. Huwag magpa-stress

    More from Smart Parenting

    Ang development ng baby sa Week 10

    Sa week 10 ng iyong pagbubuntis, maaaring kasing laki na ng strawberry ang fetus sa iyong uterus. Ayon sa What To Expect, ang size ng baby ay tinatayang one inch and a quarter hanggang one inch and a half (may 3.2 hanggang 3.8 centimeters) at may timbang na 0.14 ounches. 

    Nabuo na ang major organs ng iyong baby. Nagsisimula nang lumunok at igalaw ang kanyang mga paa at kamay sa loob ng amniotic sac, habang nagfo-form pa ang kanyang joints, cartilage, at buto. Maaaring umiihi na rin ang iyong baby dahil buo na ang kanyang kidneys. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsisimula na ring maghiwa-hiwalay ang mga daliri ng webbed hand and feet, at nagsisimula na ring tumubo ang mga kuko at buhok. Nabubuo na rin ang tooth buds ng iyong sanggol pero makikita mo lamang ang mga ngipin nito pagsapit ng anim na buwan pagkapanganak. Ayon sa Parents, sa week 10, ang utak ng iyong sanggol ay nagsisimula nang bumuo ng 250,000 neurons kada minuto. 

    Mga dapat gawin sa Week 10 ng pagbubuntis 

    Pumunta sa iyong unang prenatal checkup

    Sa iyong prenatal checkup, maaaring marinig mo na ang heartbeat ng iyong baby gamit ang doppler at makita sa ultrasound na ang ulo nito ay kasinglaki ng kanyang katawan. Isama ang iyong partner para maunawaan niya ang mga pagbabago sa iyong katawan at sa inyong baby.  

    Sumailalim sa prenatal tests 

    Sa prenatal checkup, isasailalim ka ng iyong doktor sa prenatal tests, kagaya ng blood tests, urinalysis at iba pa. Sa week 10 ang oras para makakuha ng genetic testing, lalo na kung inirerekomenda ito ng iyong doktor. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang nuchal translucency screening (NT scan) ay isang uri ng ultrasound na isinasagawa sa pagitan ng Week 10 at 14, para alamin kung ang iyong dinadala ay may mga kondisyon gaya ng Down syndrome at iba pang chromosomal abnormalities. Kung nais mo ay maaari mong piliin ang non-invasive prenatal test (NIPT) na isinasagawa sa Week 10 pataas, para matukoy ang kasarian ng iyong baby. 

    Sa kabilang banda, ang CVS (chorionic villus sampling), ay mas invasive na genetic testing na naka-schedule sa pagitan ng Week 10 at 12. Ito ay uri ng ultrasound para matukoy ang location ng placenta, at may tools na ipinapasok sa iyong uterus para mag-collect ng placental cells, para ma-test sa anumang genetic abnormalities. 

    More from Smart Parenting

    Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa mga pregnancy exercise. 

    Sa mga panahong ito ay mas nakakakilos ka na dahil ang mga sintomas ng pagbubuntis ay humuhupa na, kaya kausapin ang iyong doktor tungkol sa pregnancy exercises. Kung hindi high-risk ang iyong pagbubuntis, makabubuti sa iyo ang pag-e-exercise, kaya simulan ang mga simpleng activity. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-monitor ang iyong timbang.

    Maaaring masyado pang maaga para malaman kung ilan ang timbang na nadagdag sa iyo. Inaasahan ang pagbigat, pero depende rin sa iyong body mass index, baka hindi mo kailangan ng karagdagang calories sa iyong diet. Ang kailangan ay kumain ng wastong pagkain at pag-inom ng kinakailangang pregnancy vitamins at supplements araw-araw. 

    Mag-shopping ng iyong maternity clothes!

    Baka mahirap nang magkasya sa iyo ang iyong jeans kaya kailangan mo na ng maternity wear. Pumili ng maluluwag na damit na pwede mo pa ring isuot pagkatapos manganak. Inirerekomenda ang mag-invest sa maternity bra o nursing bra

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 10: Your Baby Bump Is Starting to Show!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles