pregnancy,Tagalog,getting pregnant,evergreen,baby stage,toddler stage,pregnancy myths,refresh,Pwede Bang Mabuntis Kapag Nakipag-Sex Habang May Period?,pregnant, pregnancy, buntis, pwede ba, pwede ba mabuntis, pregnancy myths,Pwede bang mabuntis kahit umiinom ng pills? Narito ang sabi ng mga eksperto tungkol dito.
PregnancyGetting Pregnant

Pwede Bang Mabuntis Kahit Umiinom Ng Pills? Mga Sagot Sa Nakakalitong Sabi-Sabi

Makakatulong ang mga impormasyong ito sinusubukan mo man (o iniiwasang) mabuntis.
PHOTO BYiStock

Ang article na ito ay nadagdagan na ng updates noong March 28, 2023.

Maraming mga nanay ang hanggat maaari ay iniiwasang magbuntis ngayon dahil sa pangambang dala ng COVID-19. Gayon pa man, mayroon din namang mga nanay na desidido ring magbuntis sa kabila ng pandemya.

Ano man ang choice ninyo ng iyong partner, importanteng tama ang mga impormasyong gagamitin ninyong basehan ng inyong desisyon.

Kailan nga ba mas mataas ang posibilidad na mabuntis ka? Narito ang ilan sa mga tanong na madalas naming makuha mula sa aming online community.

Pwede bang mabuntis kung makikipag-sex habang may period?

Tinalakay namin ito sa isang naunang Smart Parenting article. Ayon sa mga eksperto, bagaman maliit ang posibilidad ay pwede pa rin itong mangyari. Dagdag pa nila, common misconception ang isiping hinding-hindi ka mabubuntis kung makikipagtalik ka habang mayroon kang buwanang dalaw.

Bagaman lumalabas sa mga pananaliksik na mas mataas ang pagkakataong mabuntis ka kapag nakipagtalik ka sa iyong ovulation o fertile days, hindi pa rin garantisado na hindi ka mabubuntis kapag nakipagtalik ka habang may regla ka.

"It is still possible—albeit less common—to get pregnant if you have unprotected sex during your period," paliwanag ng Planned Parenthood, isang non-profit organization na nagpapamahagi ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa reproductive health care at sex education.

Paliwanag ng mga eksperto, ang itlog ng isang babae ay mayroon lamang 24 hours para ma-fertilize, samantalang ang semilya ng isang lalaki ay maaaring mabuhay sa loob ng cervix ng hanggang limang araw.

Pwede bang mabuntis kahit gumagamit ako ng birth control?

Oo, lalo na kung hindi tama ang paggamit mo. Ayon sa Planned Parenthood, siyam sa isandaang babae na gumagamit ng pills ang nabubuntis kada taon.

Malaking porsyento man ng paggamit ng birth control ang nakakabawas sa posibilidad na mabuntis ka, depende pa rin ito sa paggamit mo. Kung hindi regular o madalas mong makalimutang uminom, hindi magiging epektibo sa iyo ang pills.

Ayon sa Health, bababa nang 91% ang effectivity ng pills na iniinom mo kung makakalimutan mo ito, isa hanggang dalawang beses sa isang buwan.

Maaari ring maapektuhan ng pagtatae at pagsusuka ang effectivity ng pag-inom ng pills dahil hindi naaabsorb ng katawan mo ng maayos ang iniinom mong birth control.

May epekto rin sa effectivity ng pills ang iba pang gamot na iniinom mo. Halimbawa ay ang pag-inom ng antibiotic na Rifampin at antifungal na Griseofulvin. Maging ang mga gamot laban sa HIV at seizure ay maaari ring makaapekto sa effectivity ng pills na iniinom mo.

Pati ang uri ng pills ay mahalaga. Ang mga combination pills ay epektibo kung iinumin limang araw pagkatapos ng iyong regla, kung iinumin mo ito sa ibang araw, magiging epektibo lang ito pitong araw pagkatapos mong inumin.

Kung sa tingin mo ay buntis ka habang gumagamit ka ng birth control, kumonsulta ka na agad sa iyong doktor para makasiguro. Maaari kasing makasama sa baby (kung mayroon man) ang pag-inom ng pills.

Pwede bang mabuntis dahil sa paglangoy sa swimming pool?

Pebrero ngayong taon, bago pa tayo ma-quarantine sa ating mga bahay, isang commissioner sa Indonesia's Child Protection Commission (KPAI) ang nagsabing maaaring mabuntis ang mga babae sa paglangoy sa swimming pool kasama ang mga lalaki.

Pinabulaanan naman ito ng mga eksperto. Hindi nabubuhay ng matagal ang semilya ng isang lalaki sa isang swimming pool. Ang tubig sa mga swimming pools ay mayroong chlorine at iba pang mga kemikal. Hindi nabubuhay ang sperm sa ganitong kundisyon.

Ayon pa sa mga eksperto mula sa American Pregnancy Association (APA), hindi makakalangoy paikot-ikot sa swimming pool, bath tub, o hot tub ang sperm.

Dagdag pa ng mga bihasa sa usaping ito, totoo na maaari kang mabuntis nang hindi nakikipagtalik. Mangyayari lang ito kung:

  • Nilabasan ang partner mo malapit sa iyong vagina
  • Nakapasok ang sperm sa iyong vagina
  • Hinawakan mo o ng partner mo ang sperm at saka ang iyong vagina

Nilinaw naman ng National Health Services na napakababa ng porsyento na mabuntis ka sa mga pagkakataong ito dahil nabubuhay lamang ang sperm sa labas ng katawan sa loob ng maiksing oras.

Ilan lamang ang mga ito sa mga tanong na nakukuha namin mula sa mga miyembro ng aming online community. Tandaan, mahalagang makipag-usap muna sa mga medical experts, gusto niyo mang magkaroon o hindi ng baby.

May mga sex positions ba na nakakatulong para mag-buntis?

Maaaring magkaroon ng mga sex positions na mas magpapataas ng tsansa ng pagbubuntis, lalo na kung ang mga ito ay nakakatulong na makarating nang mas mabilis ang sperm sa egg ng babae. Dalawang halimbawa nito ay ang mga positions na nagbibigay ng mas malalim na penetration tulad ng missionary position at doggie style. Ngunit mahalaga pa rin na tandaan na ang pagbubuntis ay hindi lamang depende sa mga sex positions, kundi sa mga kadahilanan tulad ng pagkakataon, fertility ng babae, atbp.

Kung nais mong maiwasan ang pagbubuntis, mahalaga na magkaroon ng kaalaman sa mga paraan ng birth control, at magkonsulta sa doktor upang malaman kung aling paraan ng birth control ang angkop para sa inyo.

Hindi po tama magrekomenda ng mga sex positions bilang paraan ng pagpigil sa pagbubuntis. Ang mga paraan ng birth control tulad ng pag-inom ng contraceptive pills, paggamit ng condoms, pagpapakalagay ng intrauterine device (IUD), at iba pa, ay ang tamang paraan upang maiwasan ang pagbubuntis.

Mayroon ka bang mga nakakalitong sabi-sabi na hindi mo maintindihan? I-share mo na iyan sa comments section.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more