;
embed embed2
Kailan Ang Safe Period? Mga Dapat Malaman Kung Ayaw Mo Munang Mabuntis
PHOTO BY Shutterstock/ TZIDO SUN
  • Pagdating sa usapin sa pagbubuntis, napakaraming tanong ng mga kababaihan. Isa na nga rito ay “safe ba makipag-sex after menstruation?”

    Ang ganitong uri ng  tanong ay nangangailangan ng masusing pag-unawa higit lalo sa iyong menstrual cycle.

    Maaari kang mabuntis anumang oras o panahon kapag nakipagtalik ka na walang proteksyon o hindi nag-iingat maliban na lamang kung may ibang komplikasyon. Sabi ng mga eksperto, walang safe o ligtas na sex na hindi gumagamit ng contraceptive, calendar method o natural family planning.

    Puwede bang mabuntis kapag nakipagtalik pagkatapos ng period

    Ayon sa mga eksperto, kayang mabuhay ng sperm sa loob ng iyong uterus nang hanggang limang araw matapos ang pakikipagtalik. Kaya naman posibleng mabuntis kapag ginawa mo ito matapos ang iyong buwanang dalaw.

    Mangyayari ang pagbubuntis kapag ang sperm sa iyong uterus o fallopian tubes ay nandoon pa rin sa oras na nag-ovulate ka.

    Kailan ang tamang panahon para hindi mabuntis

    Susi ang iyong menstrual cycle para malaman mo kailan ang panahon na posible kang mabuntis.

    Karamihan sa mga kababaihan ay nagsisimula ang ovulation sa ika-14 ng kanilang cycle. Ang pinakamaikling cycle ng mga babae ay nasa average na 28 hanggang 30 araw.

    Ngunit hindi maaaring sabihin na completely safe makipag-sex after menstruation. Kailangan mo pa rin ng proteksyon sa oras na inaasahan mong hindi ka fertile kung gusto mo ng 100% guarantee na hindi ka mabubuntis. Dahil kung nakipagtalik ka pagkatapos ng iyong period at maaga kang nag-ovulate, maaari kang mabuntis.

    Kailan nangyayari ang ovulation

    Kung regular kang dinadatnan ng dalaw, kada buwan nararanasan ng babae ang ovulation period. Ito ang paglabas ng egg cell sa iyong ovary papunta sa iyong fallopian tube.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nabubuhay ang egg cell sa pagitan ng 12 hanggang 24 na oras matapos itong lumabas sa ovary. Samantalang kayang mabuhay ng sperm ng 7 days, ayon sa National Health Service ng UK.

    Ang implantation ng egg na nangyayari pagkaraan ng fertilization ay karaniwang nasa ika-6 hanggang ika-12 araw matapos ang ovulation.

    Paano malalaman na hindi ka buntis

    Kung nagsasagawa ka ng pag-track ng iyong regla o period at pagkaraan ng 36 hanggang 48 oras ng paghihintay pagkatapos ng iyong ovulation, mababa ang chance na mabuntis ka.

    Kapag hindi na-fertilize ang egg cell, walang magaganap na pagbubuntis dahil lalabas na itong dugo mula sa iyong uterine lining na siyang hudyat naman ng pagsisimula ng iyong regla o menstruation.

    Paano malalaman ang fertile window

    Ang pagtatala ng iyong fertile window ay nangangailangan ng ilang buwan na tracking para matiyak na tama ang matutukoy mo. Mas madali ang pag-track ng iyong fertility at malaman ang iyong fertile window kung regular ang iyong period.

    Tumatagal  ang karaniwang cycle ng babae nang 28 hanggang 30 araw at nag-o-ovulate ang karamihan sa mga ito sa kalagitnan o sa pang-14 na araw ng cycle nila.

    Para makatiyak ka sa kabuuang bilang ng iyong cycle, kailangan mong gawin ang matapat na pagtatala ng iyong menstrual period sa loob ng walo hanggang 12 buwan. Maaari kang gumamit ng kalendaryo para dito o kaya naman gamitin ang SmartParenting.com.ph ovulation calendar.

    Pwede rin mag-download ng mga online and offline application ng ovulation monitoring kit na mas mapapadali ang iyong pag-track.

    Maaaring mabago ang cycle kada buwan. Pero kung maayos na maita-track mo ang iyong ovulation, epektibong paraan ito na matiyak kailan ka maaaring mabuntis  at matukoy ang iyong fertility window.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tandaan na ang bawat isa ay magkakaiba at ganoon din ang ating katawan. Maraming maaaring makaapekto rin sa regularidad ng iyong menstrual cycle.

    Bagaman mababa ang tiyansa na mabuntis kung makikipag-sex pagkatapos ng period, isaisip na hindi maiaalis ang posibilidad na mabubuntis pa rin.

    So safe ba makipag-sex after menstruation? Kung talagang iniiwasan mong mabuntis, huwag makipagtalik sa iyong asawa na walang mapagkakatiwalaang proteksyon. Maaari kang sumangguni sa iyong ob-gyn tungkol sa mga birth control na maaari mong gamitin.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles