Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Senyales ng Pagbubuntis sa Unang Linggo: Bakit Wala Kang Mararamdamang Sintomas
PHOTO BY iStock
  • Hindi accurate na pag-usapan ang mga senyales ng pagbubuntis sa unang linggo dahil wala pang masasabing nangyayaring pagbubuntis. Sa katunayan, kailangang munang magpalipas ng dalawa hanggang tatlong linggo — depende sa iyong menstrual cycle — bago ka mabuntis. Ang pagbubuntis sa unang linggo ay kaugnay o patukoy sa unang araw ng iyong huling regla. Sa week 1, naghahanda palang ang iyong katawan para sa ovulation o ang fertile window mo.

    Dahil mahirap malaman talaga kung kailan nangyayari ang pagbubuntis sa sinapupunan, ginagamit ng mga doktor ang unang araw ng last menstrual period (LMP) mo para ma-compute ang estimated due date (EDD) kapag lalabas na ang sanggol. Tandaan ang EDD ay tantiyahin — pwede kang mag-labor tatlong linggo bago ang iyong EDD o dalwang linggo makalipas ang EDD.

    Kapag naghahanda ang iyong katawan para sa ovulation, senyas ito sa iyong iyong utak na gumawa ng follicle-stimulating hormone (FSH), na siyang nagsi-stimulate ng egg-containing follicles sa iyong ovariesna mag-mature. Sa loob ng isa o dalawang linggo, gagawa ang iyong katawan ng luteinizing hormones (LH) na tutulong sa pinaka-mature egg sa iyong ovaries na lumabas sa iyong ovarian wall. Sa oras na magkita ang sperm at egg at mag-fertilize, magsisimula na ang iyong katawan na gumawa ng baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pagma-mature ng follicles, magreresulta ito sa paglalabas ng hormone estrogen sa iyong katawan, na maghuhudyat sa iyong uterus o matris na magsimulang kumapal ang lining o ang endometrium para maghanda sa implantation sa pagsisimula ng conception sa mga susunod na linggo. Kung sakali hindi ma-fertilize ang iyong egg, magsi-shed ang iyong lining sa susunod na period.

    More from Smart Parenting

    Senyales ng pagbubuntis sa unang linggo (Week 1)

    Wala pang fertilized egg o embryo kaya wala ka pang mararamdamang senyales ng pagbubuntis sa unang linggo, pwera na lamang doon sa mga pagbabagong nararamdaman kapag natapos na ang iyong menstrual cycle. Kung meron mang senyales ng pagbubuntis, mararamdaman ito pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo nang makabuo. Pero ang mga sintomas ay maaaring kagaya rin kapag magkakaroon ka na mens.

    Ang pinakamagandang paraan para malaman kung buntis ka ay ang pagsasagawa ng pregnancy test. Gawin mo eto kapag hindi pa rin dinatnan ng menstruation makalipas ng isang linggo kung kailan mo inaasahang dadatnan ka. Hindi mo kailangang mag-pregnancy test sa week 1. At kahit magpa-ultrasound ka sa period na iyon, wala pa rin masyadong makikita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag pinayuhan ka ng doktor na magpa-ultrasound (karaniwan ay transvaginal) sa linggo na ito, karaniwang nais lang ng doktor na bigyan ng pangkalahatang checkup ang iyong reproductive health at matiyak na walang ibang balakid sa pagbubuntis mo. Sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound, matitignan ang kondisyon ng iyong ovaries, kung malinis ang iyong matris, at maayos ang lagay ng iyong fallopian tubes — at handa ka na para sa fertilization at implantation.

    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin sa unang linggo ng pagbubuntis

    Kapag kinokondisyon mo na ang iyong katawan para sa pagbubuntis, narito ang ilang payo mula sa mga doktor:

    Malusog na pamumuhay

    Ito ang tamang panahon para gawin ang healthy changes sa iyong lifestyle para ihanda ang katawan sa paglilihi at pagbubuntis. Bawasan ang caffeine at itigil ang anumang hindi magandang bisyo katulad ng malakas na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Simulan ang pagkain ng masusustansiya at magkaroon ng regular na exercise. Isama na rin ang iyong partner.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magkaroon ng pre-conception checkup

    Kung hindi ka pa nakakadalaw sa iyong doktor para sa pre-conception checkup, ang unang linggo na hinala mo na baka buntis ka ang tamang oras. Kailangan malaman mo ang ang anumang kondisyon na maaaring maging sagabal sa iyong pagbubuntis. Kung nagkaroon ka na ng pre-conception checkup, maaaring ireseta ng iyong doktor ang pag-inom ng folic acid at iba pang prenatal vitamins para ikondisyon ang iyong katawan, kaya sumunod sa sasabihin ng iyong doktor.

    Alamin ang iyong paparating na ovulation period

    Itala mo petsa ng unang araw ng iyong last menstrual period. Pwede itong makatulong sa iyo para maplano ang iyong ovulation period. Pwede kang gumamit ng app para masubaybayan mo ang iyong ovulation period. Pwede ka rin gumamit ng ibang method kagaya ng pagkuha ng basal body temperature o pag-monitor ng iyong cervical mucus.

    Planuhin ang iyong pagtatalik

    Kung nagpaplano kayo mabuntis, itaon ang inyong pagtatalik sa iyong ovulation period. Sa oras na ma-release ang iyong egg mula sa ovary, maaari itong magtagal ng 24 oras, habang ang sperm ay maaaring mabuhay sa loob ng matris sa loob ng ilang araw. Kailangang planuhin ang inyong pagtatalik at itaon sa iyong ovulation period para mas malaki ang tsansa na magtagpo ang sperm at ang iyong egg. Huwag kalimutang mag-enjoy! Ang stress ay hindi makatutulong kung gustong makabuo ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang daming pamahiin sa buntis ng mga Pinoy! Basahin dito ang ilan sa patuloy na pinaniniwalaang mga pamahiing Pilipino sa pagbubuntis.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles