Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
13 Sex Positions na Makakatulong Para Ikaw ay Mabuntis
PHOTO BY @nd3000/iStock
  • Kapag nagtalik ang isang babae at lalaki, maari itong magresulta sa pagbubuntis lalo na kung ito ay mataon sa mga araw na fertile ang babae. Para malaman kung kailan ka fertile, kailangang kabisado mo ang iyong menstrual cycle. 

    Ang ovulation period, kung kailan naglalabas ng egg cells ang ovary, ay ang mga araw na fertile ang isang babae. Kadalasan itong nasa Day 10 hanggang 22 ng menstrual cycle (kung saan ang Day 1 ay ang unang araw ng menstrual period). Para malaman kung kailan ang iyong ovulation period, subukan ang mga apps na ito. 

    Sex positions para mabuntis ang isang babae

    Ngayong alam mo na ang timing, maaring ang iyong susunod na tanong ay kung mayroon nga bang magandang sex position para masigurong mabubuntis ang isang babae? 

    Ang sabi ng mga eksperto, tuwing magtatalik ang isang babae at lalaki sa panahon ng ovulation ng babae — kahit anong sex position pa ito — mayroon laging 50-50 chance ng pagbubuntis kung pareho namang walang problema sa fertility ang dalawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May mga sex positions na mas angkop sa mga babae na ang matris ay may abnormal positioning, o may maikling vaginal canal, at mayroon din na inirerekomenda para sa mga lalaking maikli ang ari o sa mga taong nasasaktan kapag nagtatalik. Gayunpaman, walang katiyakan na mabubuntis ang isang babae dahil sa mga sex positions na ito, pero wala rin namang masama kung inyo itong susubukan.

    Missionary

    Sa position na ito, kung saan ang lalaki ay nasa ibabaw at ang babae ay nakahiga sa ilalim, mas madali ang deep penetration, na pag-iibayuhin pa ng gravity. Ayon kay reproductive endocrinologist Dr. Christopher Williams, M.D., ang may-akda ng The Fastest Way to Get Pregnant Naturally, “Because the vagina naturally slopes downward, resting on your back after sex allows sperm to pool there, which gives them an edge in swimming toward your egg.” (Dahil sa natural na posisyon ng vagina, makakatulong ang pananatiling nakahiga ng babae pagkatapos magtalik upang magtagal ang sperm doon, papunta sa egg.) Ito ay maaring maging epektibo para sa mga babaeng may “normal” na anteverted uterus. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Doggie style

    Sa posisyong ito, ang babae ay nakasandig paharap, suportado ng kanyang mga tuhod at kamay, habang ang lalaki ay nasa likod at nakaluhod rin paharap sa pwerta ng babae. Sinasabing ito ay mainam para sa mga babaeng may retroverted uterus, o iyong nakakiling patalikod. Ito rin ay nakakatulong sa mas malalim na penetration kaysa sa missionary position, at nagbibigay ng kasiyahan sa babae. Higit sa iba pang mga sex positions, ang doggie style ay tumutulong sa cervix na bumukas upang makarating nang mas mabilis ang sperm sa egg. 

    More from Smart Parenting

    Rear entry

    Malapit ito sa doggie style kung saan ang babae ay nakatalikod sa lalaki, yun lamang ay hindi nakatukod ang braso at tuhod sa rear entry style. Dito, nakadapa ang babae sa higaan at nakapatong ang lalaki sa kanya. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of Sex & Marital Therapy, nakakapag-ejaculate ang lalaki nang mas malapit sa cervix sa posisyong ito, kaya mas malaki ang tsansang mabuntis ang babae.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Leg on shoulders

    Ito ay gaya rin ng missionary kung saan magkaharap ang babae at lalaki, ngunit dito ay nakapatong ang mga hita ng babae sa balikat ng lalaki. Ayon kay Dr. Williams, may bahagyang mas mataas na tsansa (o pareho lang din) na ang posisyong ito ay magdudulot ng pagbubuntis.

    Raise it up

    Ang posisyong ito ay kapareho rin ng missionary, yun lamang ay may isang pagkakaiba: may unan na inilalagay sa ilalim ng puwitan ng babae para iangat ang kanyang balakang. Sabi ni reproductive endocrinologist Anate Brauer, M.D., “Placing a pillow under your pelvis during intercourse in the missionary position may increase the upward tilt of the vagina, potentially improving reception of semen.” (Sa pamamagitan ng paglalagay ng unan sa ilalim ng balakang ng babae habang nagtatalik sa missionary position, tumataas ang upward tilt ng pwerta na makakatulong sa pagtanggap nito ng semen ng lalaki.)

    Sa missionary position at mga kahalintulad nitong mga sex positions, nakakatulong din ang pananatiling nakahiga ng babae pagkatapos magtalik. Ayon kay fertility specialist Sonia Elguero, M.D., kahit 5 hanggang 10 minuto lamang na nakahiga ay sapat na, o kaya ay paabutin na ito ng 15 minuto, na ayon sa isang pag-aaral ng intrauterine insemination (IUI) ay mabisa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Side-lying missionary

    Ito ay isa pa ring uri ng missionary position. Dito, nakatagilid ang babae at lalaki at nakaharap sa isa’t isa habang nagtatalik. Mainam din ito para sa deep entry. Kailangan lamang ay humiga ang babae pagkatapos magtalik para tulungang makadaloy ang sperm papuntang egg. 

    Glowing Triangle at The Dolphin

    Ang mga ito ay kahalintulad rin ng missionary sex position. Sa Glowing Triangle, nakadapa ang lalaki at bahagyang nakaunat ang kanyang binti, nakaangat ang balakang ng babae, at maari niyang ikawit ang kanyang binti sa binti ng lalaki. 

    Sa Dolphin, nakaluhod ang lalaki at iaangat niya ang balakang ng nakahigang babae papunta sa kanyang balakang. 

    Spooning at Scissors

    Pumwesto nang naka-“spoon”, kung saan nasa likod ng babae ang lalaki habang nakahiga silang patagilid, at magtalik. Sa Scissors, magka-ekis ang mga nakabukang binti ng babae at lalaki para sa deeper penetration. 

    The Linguini

    Bahagyang nakatagilid ang babae sa sex position na ito. Nakaluhod ang lalaki at halos nakaupo sa isang binti ng babae upang maabot nya ang pwerta. Bahagyang nakaangat ang balakang ng babae para maka-penetrate ang lalaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cowgirl o Reverse cowgirl

    Ang cowgirl ay posisyon kung saan ang babae ang nasa ibabaw at nakaharap sa lalaki. Sa Reverse cowgirl naman, siya ay nakatalikod, at ito ay sinasabing mainam para sa mga babaeng may retroverted uterus.

    Ayon kay reproductive physiologist Joanna Ellington, Ph.D. sa British documentary na The Great Sperm Race, ang lalaking mataas ang sekswal na pagnanasa ay mas malamang na mag-ejaculate, habang ang uterine contractions naman ng babae ay makakatulong sa pagdaloy ng sperm nang mas mabilis papunta sa egg. 

    Sa huli, mas mabuti pa ring tuklasin kung ano ang mga sex positions na mas magbibigay kasiyahan sa inyo ng iyong partner, dahil mas malaki ang tsansang magbuntis ng isang babae kapag ito ay masaya at walang stress sa katawan.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 13 Sex Positions for Deep Penetration to Help You Get Pregnant!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles