embed embed2
  • Weird Na Panaginip At Loss Of Balance Ang Ilang Sintomas Ng Pagbubuntis Week 17

    Nakararanas ng physical at emotional changes ang buntis.
    by Jocelyn Valle .
Weird Na Panaginip At Loss Of Balance Ang Ilang Sintomas Ng Pagbubuntis Week 17
PHOTO BY Pexels
  • Sa nakalipas na halos apat na buwan, maraming pagbabagong pisikal ang naranasan ng buntis na magpapatuloy bilang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 17. Idagdag pa ang mga pagbabagong emosyonal naman, lalo na kung nagdadalang-tao sa unang beses.

    Para sa mga independent mag-isip at kumilos, halimbawa, marahil nakakapanibago na kailanganin ang tulong ng ibang tao para sa mga praktikal na bagay. Ngunit huwag mag-atubili na humingi ng alalay dahil para sa proteksyon mo ito at ng dinadala mo.

    May mga pagkakataon na baka matakot at magduda ka sa desisyon mong maging magulang. Mapapaisip ka kung handa ka ba talaga at ang iyong partner sa mga haharaping responsibilidad at hamon. Mapupuno ka ng alinlangan sa kakayahan ninyong magpalaki ng anak nang tama at sapat.

    Sintomas ng pagbubuntis week 17

    Kaya mainam na maging open ka sa iyong partner tungkol sa iyong mga nararamdaman. Makakatulong din na mayroon kang iba pang napaghihingahan ng problema at malakas na support system para maibsan ang iyong stress at anxiety lalo na sa pagpasok ng iyong second trimester.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pregnancy dreams 

    Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala, posibleng mapanaginipan mo ang mga ito. Madalas ka tuloy magkaroon ng weird dreams o nightmares na paulit-ulit at hindi kaagad nawawala sa iyong memorya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring may kinalaman din ang pag-iiba ng hormone levels sa iyong katawan. Nagugulo kasi ang iyong sleep rhythms kaya nagkakaroon ka ng bagong dream patterns. 

    Dagdag pa dito ang pagiging pagurin at antukin, na dahilan ng malimit mong pagtulog at pagpunta sa dreamland. Pero madali ring maistorbo ang iyong tulog, gaya ng paggalaw ni baby sa tiyan at pagpunta mo sa banyo. Puwedeng nasa kalagitnaan ka ng dream cycle ng mga panahong ito, kaya madali mong maalala ang napanaginipan mo.

    Ayon sa artikulo ng National Sleep Foundation, “Dreaming during pregnancy can be a healthy way of working out your hopes and nightmares.” May sabi-sabi, ang mga buntis na malimit managinip tungkol sa panganganak ay kadalasang nagkakaroon ng mabilis na panganganak daw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero kung nababagabag ka talaga sa weird dreams mo, maaaring kausapin ang doktor at ibang eksperto para maibsan ang mga takot mo sa pagbubuntis, panganganak, at pagiging magulang. Subukan din ang ilang paraan para mabawasan ang istorbo sa iyong pagtulog. Kabilang dito ang hindi pagkain at pag-inom ng marami sa gabi para maiwasan ang biglaang pagpunta sa banyo.

    Unsteadiness 

    Isa pang sintomas ng pagbubuntis sa week 17 ang pagluwag ng balanse sa katawan, kaya nakakaramdam ka ng pagiging unsteady o off balance. Lumalaki na kasi ang iyong tiyan at nagbabago ang iyong center of gravity.

    Iwasan mo na lang ang mga sitwasyon na maaaring matumba at mahulog ka. Huwag mag-atubili na humingi ng alalay kung kailangan mong humakbang at umakyat ng hagdan. Mabuti nang mag-ingat para sa kapakanan ninyo ni baby.

    Stretch marks

    Dahil lumalaki na ang iyong tiyan, pati na ang mga suso, nagsisimula nang mabanat ang balat sa mga bahaging iyon ng iyong katawan. Kaya maaaring makakita ka ng mga mapupulang marka na umaabot hanggang mga hita at puwitan na kilala bilang stretch marks

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasabing 90 percent ng mga buntis ang nagkakaroon ng stretch marks. Kung kasama ka sa natitirang 10 percent, dapat mong pasalamatan ang nanay mo at iba ninyo pang ninuno na babae dahil pinaniniwalaang namamana ang pagkakaroon ng mga ganoong marka.

    Sakaling meron ka ng stretch marks — puwedeng red, pink, purple, brown — magpahid lang ng moisturizer. Wala naman daw “magic cream” para dito. Makakatulong ang moisturizer para mabawasan ang pagkatuyot at pangangati ng balat kung saan may mga marka. Sikapin mo ring kumain nang tama at masustansya para maiwasan ang pagdagdag ng sobrang timbang.

    Braxton Hicks contractions

    Sa puntong ito ng second trimester, posibleng makaramdam ka ng paninikip at paghilab sa tiyan. Tinatawag ang ganitong pakiramdam na Braxton Hicks contractions o false labor dahil para itong pagsasanay sa panganganak. Tandaan lang na hindi dapat madalas itong nangyayari at banayad lang na nawawala kaagad kapag nagpalit ka ng puwesto sa pagkatayo o pagka-upo. Kausapin ang doktor nang maliwanagan ka at malaman kung kailan dapat mabahala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paglaki ni baby sa tiyan sa ika-17 linggo ng pagbubuntis

    Tulad mo, nagsasanay na rin si baby sa iyong sinapupunan bagamat ilang buwan pa bago ang kanyang takdang paglabas. Mayroon na siyang sukat na halos 13 cm, mula ulo hanggang puwitan, at timbang na halos 150 grams. Posibleng mas mabigat na siya ngayon sa placenta. 

    Kumpleto na ang external sex organ ni baby boy o kaya baby girl. Gumagana ang kanyang kidneys, at umiihi siya humigit-kumulang kada 50 minuto. Naiinom niya ang sariling urine, pero sterile naman, na humahalo sa amniotic fluid, at normal ito. 

    May panlasa na rin si baby. Alam na niya ang matamis at mapakla. Nawiwili na siyang lumunok at sumipsip bilang paghahanda sa pagdede niya kapag naipanganak na siya. Samantala, relax muna hindi lang siya, pati na ikaw habang nakakaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 17. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles