-
Sintomas ng Pagbubuntis Ika-8 Linggo: Malakas Mong Pang-amoy, Mas Titindi Pa
Wala ka pang makikitang baby bump sa linggong eto.by Anna G. Miranda and Lei Dimarucut-Sison . Published Sep 20, 2019
- Shares
- Comments

Sa halos dalawang buwang pagbubuntis, mas nadarama mo na may baby na nga sa iyong sinapupunan! Marahil pakiramdam mo na ang laki-laki mo na sa puntong ito, ngunit hindi mo pa makikita ang paglaki ng tiyan sa ngayon. Para bang wala itong laman, hindi ka makapaniwala lalo na kung ito ang unang beses mong magbuntis.
Senyales ng pagbubuntis sa ika-8 linggo
Nakamamangha ang iyong katawang kung paano ito nilikha sa paghahanda para sa iyong pagbubuntis. Ang fetus na ngayo’y kalahating pulgada na ay lumalaki nang 1 milimetro kada araw. Kung napapansin mong mas mahigpit ang iyong bra — ang ibig sabihin nito’y nagsisimulang mag-expand ang lobules sa iyong mga suso. Ang mga ito ang responsable sa pag-produce ng gatas na para sa iyong baby. At kahit wala pang baby bump, ang iyong uterus ay lumalaki na rin upang mabigyang espasyo ang fetus.
Mga sintomas ng pagbubuntis Linggo 8
Kapana-panabik ang makarating sa halos kalahati ng iyong unang trimester. Lalo na kung iisipin kung gaano kabilis ang paglaki ng iyong baby. Maaaring mahirapan ka talaga dahil sa mga sintomas na ito (ilang kababaihan ang nagsasabing hindi sila nakaranas nito kahit kailan):
Malakas na pang-amoy
Pisikal na mga pagbabago ang iyong nararamdaman anim na linggo na ang nakalilipas. Ngayong ika-8 linggo na ng pagbubuntis, pakiramdam mo may kakaibang abilidad ka nang makaamoy ng kahit ano.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pagdami ng dumadaloy na dugo sa iyong katawan, na sanhi ng mas mabilis na pagpapadala ng datos patungo sa iyong utak, ayon sa Mother & Baby. Ang iyong senses, kabilang ang olfactory receptors, ay higit pang naging sensitibo, kung kaya’t naging mas alerto ka kung may taong naninigarilyo sa malapit, at madali rin sa iyong sabihin kung may naggigisa ng bawang sa kusina.
Morning sickness
Nakatali ito sa sintomas na malakas na pang-amoy. Dahil sa iyong pregnancy hormones, mas madalas ka ring nahihilo. Posible ring buong araw tumagal ang ganitong pakiramdam. Mayroon ding mga babaeng dumaranas nito sa loob ng ilang buwan. May ilan na hanggang sa bago sila manganak. Tandaang kailangang uminom ka lagi ng tubig at kaunti lamang ang kakainin kung ikaw ay mayroong ganitong sintomas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga kakaibang panaginip
Kung bigla ka ng nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip, posibleng dahil ito sa iyong pagbubuntis lalo na kung ngayon mo lamang ito nararanasan. Ang sabi ng iba, dahil ito sa napakaraming mga naiisip sa panahong ito, at nadadala na sa pananaginip ng mga buntis sa kanilang pagtulog.
Constipation o hirap sa pagdumi
Ayon sa Baby Center, isa sa mga sanhi ng constipation sa panahong ng pagbubuntis ang “increase in the hormone progesterone, which relaxes smooth muscles throughout the body, including the digestive tract."
Dahil sa pagdami ng hormone na progesterone, sinasabing narerelaks ang mga muscles sa buong katawan, kasama rito ang digestive tract. Sa ganitong pangyayari, bumabagal ang pagdaan ng pagkain sa intestines. Tandaang dapat uminom ng tubig, kumain ng mga mayaman sa fiber, at mag-ehersisyo upang maiwasan ang sintomas na ito.
Hindi karaniwang pagod
Dahil nagsisimula na rin ang pagdaloy ng mas maraming dugo para sa iyong baby, mas mababa kaysa karaniwan ang iyong blood pressure at blood sugar. Bilang resulta, makararamdam ka ng sobrang pagod (at ang iyong morning sickness ay hindi rin nakatutulong), kung kaya’t lagi ring sintomas sa mga buntis ang madali at mabilis na pagkaantok. Gamitin itong cue at sikaping makatulog hangga’t kaya upang matulungan ang katawan na maka-recover nang mas mabuti.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng paglaki ng iyong baby sa Linggo 8 ng pagbubuntis
Sa 8 weeks ng pagbubuntis, magsisimula na ring magkaroon ng taste buds ang iyong baby. Ito ang panahong naghahanda na rin siyang kumain. Ang nerve cells sa kaniyang utak ay magpapatuloy sa pagbuo at magsasanga pa nga. Full eyelids na rin ang aasahan sa puntong ito. Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay higit ding magiging kumpleto kung kaya’t huwag kang magugulat kung makita mo siyang tila kumakaway sa iyo, sa iyong ultrasound.
Mga dapat gawin sa ika-8 linggo ng pagbubuntis
Kumunsulta na sa doktor kung hindi mo pa ito nagagawa. Ang iyong obstetrician-gynecologist ang gagabay sa iyo sa panahong ito. Magpa-checkup ka at huwag matakot magtanong. Maaari ding sumailalim ka sa maraming prenatal tests na kung minsa’y may kasamang blood extraction, urine sampling, o kaya’y pap smear, at iba pa. Ang lahat ng ito ay paniniguro lamang na malusog ka sa iyong pagbubuntis at ligtas din ang iyong magiging panganganak. Kung mayroon mang dapat na bigyan ng agarang medikal na atensyon, ang iyong pagiging maagap at maingat ang makatutugon sa mga ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa
Pregnancy Symptoms Week 8: Your Sense of Smell Is In Overdrive
What other parents are reading

- Shares
- Comments