embed embed2
  • Sintomas Ng Pagbubuntis Week 11: Umpisa Na Ang Pagkain Na 'Ayaw Dati Gusto Na Ngayon'

    Sa panahon ito, nadadagdagan ng 50 percent ang dami ng dugo na dumadaloy sa iyong katawan.
    by Jocelyn Valle .
Sintomas Ng Pagbubuntis Week 11: Umpisa Na Ang Pagkain Na 'Ayaw Dati Gusto Na Ngayon'
PHOTO BY Unsplash
  • Habang patuloy kang nakakaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 11, mapapansin mo na nagkakaroon na ng umbok sa iyong tiyan. Pero hindi pa ito malaki para mahalata ng ibang tao na nagdadalang-tao ka.

    HELPFUL STORIES FOR YOUR BIRTH PLAN

    Kasabay ng pagkakaroon ng umbok sa tiyan ang pagkakabanat ng muscles at ligaments, kaya magsisimula na ang pananakit sa parteng ito. Mainam na komunsulta sa doktor kung sa tingin at pakiramdam mo ay sobrang sakit na ito.

    Mga pagbabago sa katawan pagdating ng ika-11 linggo ng pagbubuntis

    Sa panahon ding ito, nadadagdagan ng 50 percent ang dami ng dugo na dumadaloy sa iyong katawan at gumagana nang husto ang iyong pregnancy hormones. Ang mga ganyang pagbabago sa iyong sistema ang kadalasang nagdudulot ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 11.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madaling mapagod at antukin

    Marahil kaagad kang napapagod kahit wala ka naman masyadong ginagawa. Hindi lang kasi sanggol ang nabubuo sa iyong sinapupunan. Nariyan din ang placenta, na nagsisilbing life-support system ni baby hanggang maipanganak siya.

    Imbes na parating ituloy ang pagod sa pagtulog — at napakabilis mo naman talagang dalawin ng antok — subukan ang gentle exercise at walking para gumaan at sumigla ang iyong pakiramdam. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagiging matakaw 

    Posibleng nanunumbalik na ang iyong appetite, na siya namang naapektuhan ng pagduduwal sa nakaraang mga linggo. Maaari pa ngang maging matakaw ka at gawing dahilan si baby para sa “eating for two” na excuse. Okay ito kung healthy diet ang sinusunod mo, tulad ni Coleen Garcia

    Noong buntis si Coleen sa panganay nila ng asawang si Billy Crawford, panay ang kain niya ng oats, nuts, at seeds na kilala din bilang lactation food. Pinangalagaan niya hindi lamang ang kanyang pagbubuntis bagkus pinaghandaan na niya ang pagpapadede kay baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May kinagigiliwan at kinaiinisan na pagkain

    Sinasabing nagkakaroon ng food craving ang buntis sa huling bahagi ng kanyang first trimester. Tumitindi ito sa second trimester at tuluyang nawawala patungo sa third trimester. Tinatawag ito ng mga Pinoy na paglilihi. (Basahin dito ang mga popular na food craving.)

    Maaaring mapansin mo na kung may kinagigiliwan kang pagkain ay may kinaiinisan ka rin. Food aversions ang kabaligtaran ng food cravings. Halos sabay silang nangyayari nang walang kaugnayan sa isa’t-isa, ayon sa research.

    Pero posibleng sangkot dito ang pregnancy hormones, pati na ang pagiging sensitibo ng pang-amoy at panglasa. Baka kasi kinaiinisan ng buntis ang isang pagkain dahil naduduwal o nahihilo siya sa amoy nito. 

    Madalas na pag-ihi

    Dahil sa pregnancy hormone na hCG, tumataas ang blood flow patungo sa iyong pelvic area at kidneys. Ang resulta: madaling napupuno ang iyong pantog at dumadalas ang iyong pag-ihi. Dagdag pa dito ang pressure na dulot ng lumalaki mong uterus sa bladder kaya lumiliit ang espasyo para sa urine. Makakatulong ang pag-iwas sa mga inuming may caffeine, gaya ng kape, tsaa, at softdrink. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagiging kabagin

    Malimit kang makaramdam ng pagkabigat sa tiyan na parang puno ng hangin. Dulot naman ito ng pregnancy hormone na progesterone. Pinapa-relax kasi nito ang smooth muscle tissues, tulad ng gastrointestinal tract, kaya bumabagal ang digestion at nagiging bloated ka.

    Isa pang dahilan ang lumalaking uterus na nagbibigay pressure sa rectum. Lumuluwag ang muscle control dito at nagiging mabilis ang paglabas ng hangin.

    May ilang paraan para maibsan ang kabag sa tiyan. Kabilang dito ang pagdagdag sa iyong diet ng fiber-rich food at pagbawas ng fried at sugary food. Ugaliin din ang hindi pagmamadali habang kumakain at paunti-unti lang. Ika nga, dahan-dahan, mahina ang kalaban.

    Laki ni baby sa tiyan sa 11 weeks 

    Samantala, halos 4.5 cm na ang haba ni baby, mula sa ulo hanggang puwitan, at may bigat na 10 grams. Buo na ang kanyang heart, at pumping na ito. Tumutubo na ang kuko sa kanyang mga daliri.

    Patapos na rin ang development ng kanyang brain at nervous system, habang ang nerves at muscles ay nagsisimula nang magtrabaho nang sabay. Ibig sabihin, kaya na niyang gumalaw nang mahagya. Iyon nga lang, hindi mo pa ito mararamdaman. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mamo-monitor ang development ni baby sa pamamagitan ng ultrasound scan. Makikita dito kung higit pa sa isa ng pinagbubuntis at kung may nakaambang panganib sa sanggol. Kabilang sa screening procedure ang pag-detect sa mga kondisyon tulad ng Down syndrome.

    HELPFUL STORIES FOR YOUR BIRTH PLAN

    Isa pang dapat bantayan bukod sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 11 ang pagkakaroon ng miscarriage. Sinasabing 15 percent ng mga nakukunan ay kadalasang nangyayari sa first trimester. (Basahin dito ang miscarriage story ni Jade Lopez.)

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles