embed embed2
Week 13 Ng Pagbubuntis: Ito Na Daw Ang Umpisa Ng Honeymoon Period
PHOTO BY Unsplash
  • Sa pagpasok ng second trimester, nakakaramdam ang karamihan ng mga buntis ng ginhawa. Halos nakapag-adjust na sila sa mga pagbabago sa kanilang katawan at hindi pa naman masyadong malaki ang kanilang tiyan para maging sobrang uncomfortable.

    MUST-READ STORIES!

    Sintomas ng pagbubuntis Week 13

    Pero may parating pang sintomas ng pagbubuntis sa week 13 na dapat paghandaan kahit sa puntong ito na tinatawag na “honeymoon period.”

    Nasal problems

    Sa pagtaas ng hormone levels at pagdami ng blood supply kapag buntis, namamaga ang mucous membranes. Ang mucous membranes ang pumoprotekta sa loob ng katawan. Gumagawa ang mga ito ng mucus, na siya namang nagpapanatiling moist ang ilong, bibig, at iba pang parte. 

    Kapag namaga ang mucous membranes at may maselan na pagdudugo, magiging barado ang ilong at maaaring mauwi sa nosebleed. Makakatulong ang steam inhalation, pati na ang saline drops o nasal spray, sa pagluwag ng bara. Damihan din ang pag-inom ng tubig at fruit juice, o di kaya subukan ang ginger tea nang maiwasan ang panunuyo ng ilong at lalamunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dental issues

    Kadalasang nagkakaroon ng problema ang mga buntis sa kanilang ngipin at gilagid. Pregnancy hormones pa rin ang dahilan ng pagkakaroon ng swollen, painful, at bleeding gums. Sikapin na ingatan ang gilagid sa tuwing magsisipilyo at gumagamit ng dental floss para hindi ito magdugo. Pumili ng toothbrush na may malambot na bristles at magmumog ng salt water.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Posibleng maapektuhan ang mga ngipin sa madalas na pagduduwal at maging susceptible ang mga ito sa cavities. Baka nga may isa o higit pang ngipin na nababalutan na ng sticky plaque.

    Sa tuwing makakaranas ng nausea at vomiting, kaagad magmumog ng tubig upang mapigilan ang acid mula sa vomit sa pagsira ng mga ngipin. Huwag munang magsipilyo dahil ang acid mula naman sa tiyan ang may kakayahang pahinain ang mga ngipin. Mainam na maghintay muna ng isang oras.

    Increased sex drive

    Marahil tumataas ang sex drive ng mga buntis dahil tumataas din ang blood supply sa pelvis at masyadong active ang hormones. Kunin ang pagkakataon na maging intimate sa asawa o partner. Wala namang magiging problema sa pagbubuntis, ayon sa mga eksperto, puwera na lang kung may complication na nakikita ang doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baka may mapansin kang post-coital spotting na dulot ng pagiging sensitive ng iyong cervix. Normal lang ito kung kaunting patak lang ng dugo. Pero kung kasing dami na ito ng tulad ng monthly period, kailangang ipag-alam mo na sa doktor.

    Urinary tract infections

    Sinasabing common problem ang urinary tract infections (UTI) sa mga buntis. Kaya mabuting sabihan kaagad ang doktor kung madaling maihi. Sa second trimester kasi, lumalaki ang uterus papunta sa direksyon ng abdomen at hindi sa bladder. Nababawasan tuloy ang pressure sa bladder at dapat mababawasan din ang pagpunta mo sa banyo bilang sintomas ng pagbubuntis sa week 13. 

    Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng pagkirot sa tuwing iihi ka at ng kakaibang amoy ng ihi mo. Huwag mo nang hintayin na lagnatin at sumakit ang iyong likuran. Kapag hindi nagamot ang UTI, baka lumubha ito at tumuloy sa kidney infection.

    Burst of energy 

    Maaaring mapansin mo ang kakaibang sigla na tila nawala noong mga unang linggo ng iyong pagbubuntis. Hindi ka na rin napapagod kaagad, kahit na magpatuloy ang dizziness, heartburn, indigestion, constipation, at iba pang sintomas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa panunumbalik ng iyong energy, gamitin ito para gawin ang mga bagay na konektado pa rin sa iyong pagbubuntis. Magandang pagkakataon ito, halimbawa, para sa pregnancy announcement, kung nais mong ibahagi ang good news sa labas ng iyong pamilya at mga kaibigan. Kabilang na dito ang iyong kompanya o employer para mapaghandaan ang iyong maternity leave.

    Kamusta si baby sa tiyan

    Puno din ng energy si baby sa iyong sinapupunan habang patuloy ang kanyang development. Mas malaki pa rin ang kanyang ulo kumpara sa katawan, pero papunta na siya sa pagiging proportional.

    Mayroon na siyang haba na halos 7.5 cm, mula ulo hanggang puwitan, at timbang na halos 30 grams. Nagsisimula nang gumana ang kanyang internal organs, gaya ng liver at pancreas. Tumitigas na rin ang kanyang mga buto habang tumutubo ang buhok sa ulo at kilay.

    Fully developed na sa loob ang kanyang ovaries o di kaya testes, at malapit na ring makumpleto sa panlabas na anyo. Gumagalaw-galaw na si baby na parang may sarili siyang sayaw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa simula, parang random lang na galaw hanggang nagiging deliberate, halimbawa, ang kanyang pagsipa. Pero hindi mo pa talaga mararamdaman ang mga galaw na ito. Ilang linggong paghihintay na lang.

    MUST-READ STORIES!

    Panahon ito na puno ng excitement at anticipation, pati ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 13, pero ibayong pag-iingat pa rin ang ipairalin. Bukod sa panganib na dulot ng dati nang mga infection, nariyan na ang bagong sakit na COVID-19. (Basahin dito kung anong dapat gawin.)  

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles