embed embed2
  • Pagbubuntis Sa Week 14: Eto Na Ang Varicose Veins At Round Ligament Pain

    Nagiging halata na ang pregnancy bump, puwede namang mamili ng maternity clothes!
    by Jocelyn Valle .
Pagbubuntis Sa Week 14: Eto Na Ang Varicose Veins At Round Ligament Pain
PHOTO BY Unsplash
  • Dahil tinatawag ang second trimester na “feel good” at “honeymoon period,” may nararanasan ang buntis na mga mabubuting sintomas ng pagbubuntis sa week 14. Kaya kahit paano, naiibsan ang discomfort ng mga nagdaang linggo na baka magtuloy-tuloy sa puntong ito.

    READ MORE PREGNANCY BASICS

    Maaaring makagaan pa sa iyong pakiramdam ang pagiging halata ng umbok sa tiyan bilang tanda ng pagdadalang-tao at hindi parang busog lamang. Lumalapad na kasi ang iyong uterus kasabay ng paglaki ni baby at patungo iyon sa iyong pelvic region na sakto naman sa lower abdomen.

    Iyan din ang dahilan kung bakit nababawasan ang pagpunta mo sa banyo para umihi. Hindi na kasi masyadong naaabala ang iyong pantog.

    Sintomas ng pagbubuntis week 14

    Masasalat mo ang tuktok ng iyong uterus, na tinatawag na fundus, kapag pinindot mo pababa ang pelvic bone sa iyong lower abdomen. Hindi ba kamangha-mangha ito? Gaganahan ka tuloy na bumili ng maternity clothes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Improved appetite 

    Marahil mas ganado ka nang kumain kumpara noong mga unang linggo ng pagbubuntis. Maaaring nanabawasan na ang iyong pagkahilo at pagduduwal. Mabuti ito para sa mabilis na paglaki ni baby. Para sa kanya, kailangan mo ng karagdagang 340 calories kada araw. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Think for two, not eat for two,” ika nga ni Solenn Heussaff. Isa iyan sa kanyang mga natutunan tungkol sa pagkain at nutrisyon para sa buntis (na mababasa dito). Isinilang niya noong January 1, 2020 ang panganay nila ng asawang si Nico Bolzico, at pinangalanan nila ang baby girl na Thylane Katana.  

    Round ligament pain

    Dahil lumalaki na si baby, nababanat ang iyong muscles at ligaments sa tiyan. Nagdudulot ito ng tinatawag na round ligament pain, na siya namang dahilan ng pagkirot, pamamanhid, o pamumulikat sa parteng iyon ng katawan.

    Kadalasan itong umaatake kapag bigla kang nagpalit ng posisyon sa paghiga o di kaya tumayo agad, pati na sa tuwing uubo o babahing ka. Mainam na komonsulta sa doktor kung gumagrabe at dumadalas na ang nararamdaman mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Continued breast growth

    Patuloy din ang paglaki at pagbigat ng mga suso bilang sintomas ng pagbubuntis sa week 14. Nagsisimula na sila sa paggawa ng unang uri ng gatas na tinatawag na colostrum. Kaya huwag magtaka at mabahala kung may mapapansin kang paninilaw sa iyong bra. Para maiwasan ito, puwedeng magsuot ng breast pads.

    Marahil magkakaroon rin ng kuntil (skin tags) sa ilalim na parte ng mga suso, pati na blue veins at stretch marks. Wala namang dapat ikatakot dahil halos normal ang mga nangyayaring ito sa buntis. Kung nais mong maliwanagan pa, ang iyong doktor ang dapat mong kausapin.

    Varicose veins

    Sinasabing painless at harmless ang mga naglalabasang ugat (large, swollen blood vessels) hindi lang sa legs bagkus hanggang rectum at vulva. Ang varicose veins sa rectum area ang siya ring tinatawag na hemorrhoids. Halos 40 percent ng mga nabuntis ay nagkakaroon ng varicose veins, ayon sa research.

    Nangyayari ito dahil sa dumadaming blood supply para sa buntis at kanyang baby. Tumitindi rin ang pressure sa blood vessels, lalo na sa veins sa legs dahil kailangan nilang kontrahin ang gravity para matulak pataas ang extra blood pabalik sa puso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa dito ang weight gain, pressure sa pelvic blood vessels, at extra progesterone hormone na nakaka-relax ng blood vessels. 

    May ilang paraan para mabawasan ang pagsulputan ng varicose veins at mapigilan ang kanilang paglala.

    • Panatiliin ang daloy ng dugo sa katawan. Kapag umupo, ipatong ang mga binti sa katabing upuan at iwasan na ikrus ang mga ito. Kapag naman nakatayo, salitan na ipatong ang paa sa bangkito. Ugaliin na i-flex ang ankles at ituloy ang exercise sa buong katawan.
    • Piliin ang kumportableng kasuotan, mula underwear hanggang maternity clothes. Posibleng makatulong ang pagsusuot ng compression stockings para maibsan ang pressure sa tiyan at mga binti.
    • Sikapin na huwag masyadong magdagdag ng timbang para hindi na masyadong bumigat ang katawan at hindi na madagdagan ang trabaho ng circulatory system.
    • Matulog nang nakatagilid sa kaliwang banda upang maiwasan ang pressure sa main blood vessels at maging matatag ang blood circulation.
    • Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay at pagpuwersa sa hemorrhoids dahil nakakadagdag ang mga ito sa pressure sa veins.

    Development ni baby sa tiyan ng week 14

    Samantala, patuloy ang development ni baby sa iyong sinapupunan. Ang haba niya ay halos 8.5 cm, mula ulo hanggang puwitan, at mayroon siyang timbang na halos 45 grams. Mas malinaw na ang porma at itsura ng kanyang mukha, habang pahaba na ang kanyang leeg.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumagana na ang kanyang reflexes. Kung may kakayahan ka lang na hawakan ang kanyang mga kamay at paa, malamang magre-react ang mga ito sa pamamagitan ng paggalaw.

    Marunong nang umihi si baby. Kapag kasi nakakainom siya ng kaunting amniotic fluid, dumadaan ito sa stomach at gumagana naman ang kidneys upang linisin ang kanyang sistema. Lalabas na ang fluid bilang urine. 

    READ MORE PREGNANCY BASICS

    Marami pang matututunan ang sanggol habang patuloy siyang mabuo at makumpleto. Tuloy-tuloy lang din ang sintomas ng pagbubuntis sa week 14 at mga darating pang linggo. Samantalahin na lang muna ang honeymoon period.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles