embed embed2
4 Na Uri Ng High Blood Pressure Na Napakadelikado Sa Buntis
PHOTO BY iStock
  • Sa pagpapatuloy ng second trimester, may mga sintomas ng pagbubuntis sa week 18 na maaaring paulit-ulit nang nararanasan. Mainam na obserbahan ang sarili baka may iba pang rason sa mga nararamdaman.

    READ ON CHILDBIRTH COSTS

    Sintomas ng pagbubuntis week 18 

    Kabilang dito ang sinasabing karaniwang sintomas, tulad ng pagkahilo at pananakit ng ulo. Komunsulta sa doktor kung may kakaiba nang pakiramdam upang maagapan kung ano talaga ang karamdaman.

    Low blood pressure

    Posibleng sanhi ng pagkahilo ang low blood pressure, lalo na kung may kasamang pagkapagod at panghihina. Sinasabing natural ang pagbaba ng blood pressure papuntang kalagitnaan ng pagbubuntis. Pero depende ito sa general health, medical history at genetic background. 

    Base sa isang pag-aaral na nailathala sa American Journal of Epidemiology, karamihan sa mga buntis na may low blood pressure ay iyong mga mas bata, maliit, payat, at hindi nadadagdagan ang timbang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat walang nakita ang mga researcher na direktang epekto ng low blood pressure sa pagkakaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak, makabubuti pa rin na pag-ingatan ang kalusugan. Mababawasan ng pagkahilo kung huwag kaagad tatayo mula sa pagkakahiga at hindi kakalimutan na uminom nang sapat na dami ng tubig. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Uri ng high blood pressure kapag buntis

    Isa pang posibleng dahilan ang high blood pressure sa pagkahilo at pananakit ng ulo bilang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 18. Kaya nararapat na bantayan ang blood pressure, kung tumaas o bumaba man ito.

    Mas nakababahala ang high blood pressure dahil malaki ang kontribusyon nito sa pagkakaroon ng pregnancy complications. May ilang uri ng high blood pressure kaugnay ng pagbubuntis.

    • Gestational hypertension
    • Chronic hypertension
    • Chronic hypertension with superimposed preeclampsia
    • Preeclampsia 

    Maraming panganib ang dulot ng high blood pressure:

    • Paghina ng blood flow papunta sa placenta
    • Paggambala sa placenta na sanhi ng pagkabaklas sa inner wall ng uterus
    • Paghadlang sa paglaki ni baby (intrauterine growth restriction)
    • Pagpinsala sa iba pang organs sa katawan
    • Panganganak nang maaga
    • Pagkakaroon ng sakit sa puso sa hinaharap na panahon 

    Mahalaga talaga na sinusunod ang regular na pagbisita sa doktor para sa monitoring ng buntis, lalo na kung high risk siya. Paalala lang na sa panahon ng COVID-19 pandemic, may mga guidelines na sinusunod (na mababasa dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anemia

    Puwede ring sanhi ng pagkahilo ang anemia. Nangyayari ito kapag kulang ang dami ng iron sa katawan ng buntis. Ang iron, katuwang ng vitamins, ang kailangan sa paggawa ng hemoglobin. Ito naman ang protein sa red blood cells na nagdadala ng oxygen sa ibang parte ng katawan. 

    Normal ang pagkakaroon ng mild anemia, ayon sa American Society of Hematology, dahil sa pagtaas ng blood volume. Dumadami ito mula 20 hanggang 30 percent kapag buntis. Pero may posibilidad na umabot ang kalagayan sa severe anemia at baka mapaaga ang panganganak o di kaya lumabas na maliit si baby. 

    Ang pagiging anemic ng buntis ay maaaring magpadami ng dugo na kanyang mawawala sa oras ng panganganak. Dahil dito, mahihirapan ang sistema niya na kumalaban sa mga impeksyon.

    Malaki ang posibilidad na anemic ka kung nangyari o nangyayari ang mga ito sa iyo:

    • Dalawang magkasunod na pagbubuntis
    • Mayroong higit pa sa isang anak
    • Madalas na pagsusuka dahil sa morning sickness
    • Hindi kumakain ng pagkain masagana sa iron
    • Malakas ang menstruation bago mabuntis

    Ang tanging sagot sa anemia ay ang pagkonsumo ng sapat na dami ng iron sa pamamagitan ng pagkain o di kaya supplement. Mayaman sa iron ang mga berdeng guay, karne, itlog, at mani. Kadalasang nagrereseta ang obstetrician ng vitamins para masiguro na sapat ang iron at folic acid na nakukuha ng buntis. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakarating kay baby ang benepisyo ng pagkain mo ng masustansyang pagkain para sa kanyang paglaki at paglago. Mahaba na siya ng halos 14 cm, mula ulo hanggang puwitan, at mabigat nang halos 200 grams. Nabubuo na ang kanyang fingerprints sa mga dulo ng daliri sa parehong kamay at paa.

    Nagsasanay na si baby sa paghikab at pagsinok. Baka nga mahuli pa siya sa akto habang sumasailalim ka sa ultrasound scan. Pero ang hindi makikita sa makina ang mabilis na development at maturity ng kanyang nervous system. Nababalutan na ngayon ang nerves ng substance na myelin ang tawag. Trabaho ng myelin na pabilisin ang pagdala ng mensahe sa bawat nerve cell hanggang makabuo sila ng complex connections.

    READ ON CHILDBIRTH COSTS

    Kailangan ang mga ito sa pagtalas ng senses—pandama, panlasa, pang-amoy, paningin, at pandinig. Para paglabas ni baby, handang-handa na siya sa mga masasagap ng kanyang senses. Maghanda ka na rin habang dumadanas ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 18.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles