embed embed2
  • 6 Na Paraan Para Maibsan Ang Pamamanas Sa Ika-19 Linggo Ng Pagbubuntis

    May mga paraan para maibsan ang discomfort na nararanasan.
    by Jocelyn Valle .
6 Na Paraan Para Maibsan Ang Pamamanas Sa Ika-19 Linggo Ng Pagbubuntis
PHOTO BY iStock
  • Pag dating sa kalagitnaan ng pagdadalang-tao, maaaring nakapag-adjust ka na sa mga pagbabago sa iyong katawan. Kaya parang malaking discomfort na lamang ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 19. Pero imbes na tanggapin na lang ang mga ito, mayroon kang puwedeng gawin.

    Sintomas ng pagbubuntis week 19

    May mga paraan para maibsan at gumaang ang iyong pakiramdam. Tandaan na nasa second trimester ka pa lang. Mainam na paghandaan na rin ang third trimester sa mga darating na buwan at linggo.

    Pamamanas at pamumulikat

    Sinasabing normal ang pamamanas (edema) sa mga paa, bukung-bukong, binti, at daliri kapag buntis. Dumadami kasi ang tubig sa iyong katawan. Pumupunta ang karagdagang tubig sa ibabang parte ng katawan, lalo na kapag mainit ang panahon at malimit ang iyong pagtayo. May epekto rin ang paglaki ng tiyan sa pagbagal ng pagdaloy ng dugo kaya may pamamanas, pati na pamumulikat (cramping).

    Kung may pamamanas, subukan gawin:

    • Uminom ng maraming tubig upang ma-flush out ang excess water sa katawan.
    • Iwasan ang pagtayo nang matagal.
    • Ipahinga ang mga paa. Umupo at ipatong ang mga paa sa isa pang upuan.
    • Huwag magsuot ng medyas na may mahigpit na garter.
    • Maglakad-lakad para ma-exercise.
    • Gawin ang foot exercises habang nakatayo o nakaupo para umayos ang blood circulation at maiwasan ang pulikat. Salitan na i-stretch ang mga paa at saka paikot-ikutin ang mga ito. 

    Paghihilik

    Huwag magtaka kung, di tulad ng dati, humihilik na na. Resulta kasi ito ng pagbabara sa mucous membranes at pag-ipon ng sipon sa ilong. Makakatulong ang paglalagay ng unan sa likod bago matulog o kaya ang pagtulog nang patagilid. Maaari ring gawin ang steam inhalation para lumuwag ang pakiramdam sa ilong hanggang lalamunan. May nabibiling nasal spray, pero sabihan muna ang doktor bago gumamit nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagpapawis

    Dahil sa hormonal changes na nagaganap sa iyong katawan at pagdami ng blood supply sa iyong balat, tumataas ang iyong internal temperature. Ang nangyayari tuloy, madali kang pawisan at ang lagkit ng pakiramdam mo.

    Subukan gawin kung init na init:

    • Magsuot ng kumportableng kasuotan, iyong gawa sa natural fiber (tulad ng cotton) at hindi synthetic (gaya ng nylon) para makahinga ang balat.
    • Pumuwesto sa maaliwalas o mahanging parte ng bahay.
    • Dalasan ang paglilinis ng katawan o di kaya paghihilamos ng mukha upang parating presko.
    • Dagdagan ang pag-inom ng tubig at fruit juice.

    Pagduduwal

    Kadalasang nangyayari ang pagduduwal, nausea, at morning sickness sa mga unang linggo, pero puwedeng magpatuloy ito bilang sintomas ng pagbubuntis sa week 19. Bantayan lang kung gaano kadalas at kagrabe ang iyong pagsusuka, pati na kung nakakaranas ka ng dehydration. Mainam na komunsulta sa doktor upang iwasan na umabot sa severe case. 

    Paninigas ng dumi

    Mapapansin mong patuloy ang problema mo sa panunaw at pagdumi. Patuloy din kasi sa pagtaas ang progesterone levels at ang paglapad ng iyong uterus. Ang progesterone ang hormone na responsable sa pag-relax ng muscles sa bowels kaya nagtatagal ang pagtunaw ng kinain sa digestive tract.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ganitong paraan naa-absorb nang husto ang nutrients papunta sa iyong bloodstream hanggang makarating kay baby. Iyon nga lang, nahihirapan ka namang dumumi dahil sa indigestion at constipation. Dagdag pa dito ang pag-okupa ng uterus sa espasyo ng bowels kaya hindi makatrabaho nang maayos ang mga ito. 

    Subukan gawin para maibsan ang hirap sa pagdumi:

    • Dagdagan ang pagkain ng fiber-rich food. Mga halimbawa nito ang prutas, gulay, legumes, at whole grain cereals at breads.
    • Bawasan ang pagkain ng refined at processed food, tulad ng white bread, white rice, at mga de lata.
    • Uminom nang hindi bababa sa walong baso ng fluids, kabilang ang tubig, fruit juice, at sabaw.
    • Iwasan ang sobrang pagkabusog sa isang kainan lang. Makakabuti kung kumain nang mas madalas pero mas kaunti.
    • Huwag gumamit ng stimulant laxatives para mapabilis ang pagdumi. Baka hindi ligtas ang mga ito para sa buntis. Mainam na kausapin mo muna ang doktor.

    Paglaki ni baby sa tiyan week 19

    Samantala, patuloy sa paglaki si baby sa iyong sinapupunan. May sukat na siya ng halos 15 cm, mula ulo hanggang puwitan, at timbang na halos 260 grams. Nababalutan siya ng protective substance na tinatawag na “vernix caseosa.” Pinaghalong mga salita ito sa Latin na ang ibig sabihin ay “varnish” at “cheese.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mala-kesong balot ang pumoprotekta sa sensitibong balat ni baby laban sa amniotic fluid. Kung wala ang vernix caseosa, mangungulubot siya nang husto. Nalalagas naman ito kapag malapit nang lumabas ang sanggol. 

    Tulog si baby sa loob at 18 hours at gising nang 6 hours kada araw. Ito na ang kanyang sleeping habit hanggang ipanganak at makapiling mo na siya. Pero bago iyan, ilang buwan pa ang tatakbuhin na hitik sa mga hamon, gaya ng sintomas ng pagbubuntis sa week 19.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles