embed embed2
Abangan Ang PUPP Rash Sa Ika-21 Linggo Ng Pagbubuntis
PHOTO BY Unsplash
  • Ang pagdadalang-tao ay katumbas ng 40-week marathon, ayon sa 2019 study sa United States. Kaya naman endurance at stamina ang kakailanganin lalo na kung naitawid na ang kalagitnaan ng karera. Kapit lang habang pinagdadaanan ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 21.

    READ MORE STORIES ON PREGNANCY:

    Sintomas ng pagbubuntis sa week 21

    Sinasabing “period of rapid growth” ang puntong ito ng second trimester dahil sa bilis na paglobo ng tiyan para sa patuloy na paglaki ni baby sa sinapupunan. Halos nakasentro dito ang pag-aaruga at pag-aalala, pati na ang mga nararamdamang discomfort. 

    PUPPP rash

    Sa paglobo ng tiyan, nababanat ang balat at nagkakaroon ng stretch marks, na puwedeng may hatid pang pamamantal. Tinatawag na “pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy” (PUPPP) rash ang mga pantal na siyang dahilan ng pangangati sa tiyan, lalo na sa gabi. Bihira itong umatake sa second trimester, ngunit madalas sa third trimester. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala namang seryosong panganib ang dulot ng PUPPP rash, na kilala rin sa tawag na “polymorphic eruption of pregnancy” (PEP), maliban sa hindi kaaya-ayang itsura nito kapag kinamot. Kaya naman kinatatakutan ng buntis ang pagkakaroon ng kamot sa tiyan. Minsan pa nga, kumakalat ang pamamantal sa mga hita hanggang sa mga kamay. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mainam na komunsulta sa doktor kapag umabot ang pamamantal sa mukha at talampakan. Baka hindi lang PUPPP rash ang problema. Meron ding tinatawag na pemphigoid gestationis (PG), na isa namang autoimmune blistering disease. Sinasabing nangyayari ang PG kapag may mga piraso ng placenta tissue na sumasama sa blood flow ng buntis. Dahil diyan, gumagawa ang kanyang immune system ng antibodies, na siya namang umaatake sa balat. 

    Hindi direktang nagagamot ang PUPPP rash, pero naiibsan ang pangangati sa pagpahid ng cream, moisturizer, o di kaya aloe vera leaf gel. Nagsisimula lamang mawala ang mga pantal ilang linggo makalipas ang panganganak

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Round ligament pain

    Ang kinalalagyan ni baby sa sinapupunan, o uterus, ang siya talagang lumalapad. Sinusuportahan ito ng round ligaments — ang isang pares ng cordlike structures na matatagpuan sa pelvis—sa pamamagitan ng pagkonekta sa harapang bahagi ng uterus at sa groin area. 

    Sa pag-usad ng pagbubuntis, lumalambot ang round ligaments at nababanat din tulad ng uterus. Nagkakaroon tuloy ng paninikip o pamumulikat dito at iristasyon naman sa mga kalapit na nerve fibers. Ang resulta: round ligament pain

    Kadalasang umaatake ito sa kanang bahagi ng adbdomen o kaya pelvis. Pero puwedeng madamay sa pagkirot ang kaliwang parte. Malimit itong mangyari pag gising sa umaga at biglang pagbangon mula sa kama. Pati na rin kapag mabilis ang kilos at malakas ang paggalaw. 

    Para maibsan ang pagkirot, subukan na magpalit ng posisyon sa pagkakatayo o pagkaka-upo, at saka mag-inat-inat. Iwasan ang pagkilos nang mabilis at paulit-ulit na galaw. Makakatulong din kung iliyad muna ang balakang bago umubo o di kaya bumahing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero sa sandaling lumubha ang round ligament pain, na may kasama pang lagnat, pagdudugo, at pagkirot habang umiihi, makakabuting kausapin ang doktor tungkol dito. 

    Braxton Hicks contractions

    Isa pang sintomas ng pagbubuntis sa week 21 na may kinalaman sa paninikip at paghilab ng tiyan ay ang Braxton Hicks contractions. Tinatawag din itong “false labor” dahil tila pagsasanay ito sa aktuwal na panganganak. Nagsisimulang makaramdam ang buntis ng Braxton Hicks contractions sa kalagitnaan ng second trimester at tumitindi sa huling bahagi ng third trimester.

    Banayad at sandali lang umatake ang "false labor," kumpara sa “true labor” na tumitindi ang paninikip at paghilab ng tiyan hanggang tuluyang magsilang ng sanggol. Malaking tulong ang doktor upang maliwanagan nang husto sa pagkakaiba ng false sa true labor.

    Paglaki ni baby sa tiyan sa ika-21 linggo ng pagbubuntis

    Naghahanda na rin si baby para tuluyan siyang mabuo at lumakas sa takdang oras ng kanyang paglabas. Nasusukat na siya ngayon mula ulo hanggang paa dahil hindi na masyadong nakabaluktot ang kanyang mga binti. May sukat na siyang halos 26.7 cm at timbang naman na 350 grams. Mas mabigat na siya sa placenta.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagiging proportion na ang mga braso at binti ni baby sa haba ng kanyang katawan. Nakokonekta ng neurons ang brain sa muscles habang ang mga cartilage ay nabubuo bilang mga buto. Kaya may control na siya na kanyang pag galaw at pagiging coordinated na mga ito. 

    Gumagana nang husto ang kanyang liver at spleen para makagawa ng blood cells sa tulong ng mas matibay na ngayong bone marrow spaces. Tumatalas ang kanyang panlasa at pandinig. Kung ano man ang kainin at pakinggan mo, malamang masasagap  ito ng iyong sanggol.

    READ MORE STORIES ON PREGNANCY:

    Makabubuti na pagka-abalahan ang pagpili nang tamang pagkain at tugtugin habang iniinda ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 21. Maaaring sa kanyang pagsilang at tuluyang paglaki, malaman mo kaagad kung ano ang mga paborito niya.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles