embed embed2
Hindi Na Magkasya Ang Mga Sapatos Mo? Welcome Sa Week 22 Ng Pagbubuntis!
PHOTO BY Pexels
  • Sa pagtungtong mo ng ika-5 buwan ng pagbubuntis, sikapin na maiwasan ang pagkakasakit habang pinagdadaanan ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 22. Alalahanin na meron pang isang buhay na umaasa sa iyo at kailangan mo siyang protektahan.

    Mapapangalagaan mo ang iyong sarili at ang iyong sanggol sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle. Sundin ang payo ng doktor, kumain nang tama, mag-ehersisyo kahit paano, kumuha ng sapat na tulog, at huwag na huwag magbisyo. Mahalaga rin na ingatan ang iyong mental health, lalo na sa panahon ng pandemya (basahin dito).

    READ MORE STORIES ON PREGNANCY:

    Sintomas ng pagbubuntis week 22

    Mapapansin mo sa puntong ito ng second trimester, tila nasasakop na ni baby ang iyong katawan. Halos lahat ng mga nararamdaman mong pregnancy symptomspagkahilo, kabagin, hingalin, hirap sa panunaw at pagdumi — ay may kinalaman sa patuloy na paglaki ng sanggol. At mayroon pang iba!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumalaking paa

    Marahil magtaka ka kung hindi na magkasya ang mga sapatos mo. Posible kasi na humaba mula kalahati hanggang isang buong shoe size ang iyong mga paa sa second trimester. Huwag mo nang ipilit na pagkasyahin dahil hindi ka magiging kumportable at baka madisgrasya ka pa habang naglalakad. Sa kabilang banda, magandang excuse ito para bumili o magpabili ng bagong sapatos. Piliin lamang iyong flat o low-heeled shoes. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lumalaki ang paa dahil sa pamamanas na dulot ng pagdami ng fluids at pagtaas ng blood circulation sa katawan. Ang mga ito rin ang responsable sa increased vaginal discharge, varicose veins, swollen ankles, feet, hands, pati na ang problema sa paningin, sensitibong gilagid, pagbabara at pagdudugo ng ilong.

    Isa pang dahilan sa biglang paglaki ng paa ang pagtaas ng relaxin hormone levels. Pinaluluwag ng relaxin ang joints at bones bilang paghahanda sa panganganak. Ganito rin ang nangyayari sa hips, lower abdomen, at pelvic area kaya nakakaramdam ka ng pananakit sa mga parteng iyon. Kung lumubha ang sakit, makabubuti na magsabi sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tumutubong buhok

    Dahil sa hormonal changes, nagkakaroon ng tinatawag na “pregnancy glow.” Kabilang sa kapansin-pansin na kagandahan ng buntis ang kanyang healthy hair at nails. Mahahalata mo siguro ang mabilis na paghaba at paglago ng iyong buhok. Pero hindi lang sila tumutubo sa ulo, puwedeng sa iba pang parte ng katawan. Maaari mo silang bunutin, ahitin, o gamitan ng waxing, puwera lang hair bleach at depilatory na kadalasang may harmful chemicals.

    Kamot sa tiyan

    Kasabay ng paglaki ni baby ang paglapad ng iyong uterus, kaya nababanat ang balat sa may tiyan. Kadalasan pa, nagiging makati at tuyot ang parteng ito ng katawan. Makatutulong ang pagpahid ng moisturizer upang mabawasan ang pangangati at pagkatuyot ng balat nang hindi lumala at lumalim ang mga marka. Magsisimula lang maglaho ang mga ito pagkatapos mo nang manganak. 

    Tumataas na sex drive

    May mga buntis na nagsasabing mas ginaganahan at nasisiyahan silang maging intimate sa kani-kanilang mga partner. May kinalaman pa rin dito ang hormonal changes, kaya nagiging sensitibo ang pleasure areas. Iyon nga lang, dapat hanapan ng posisyon na angkop sa baby bump. Hindi ipinagbabawal ang sex while pregnant, ngunit mainam na magtanong pa rin sa doktor, lalo na kung may history ka ng early labor o miscarriage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pananakit ng likod

    Bukod sa hormone na relaxin, sumasakit ang likod dahil na rin sa bigat ng tiyan. Lumilipat na rin ang center of gravity ng iyong katawan. Naaapektuhan nito ang iyong posture at paglakad, na tila nakukuba ka. Sikapin na tumayo at umupo nang tuwid ang likod. Sundin ang pregnancy exercises at stretching moves. Gumamit ng pregnancy pillow kung nahihirapan matulog nang patagilid.

    Pamumulikat ng mga binti

    Marahil naiistorbo ang pagtulog mo sa gabi sa biglang pag-atake ng pulikat sa iyong mga binti. Sangkot dito ang maling diet, sobrang weight gain, at lubhang muscle fatigue. Makakatulong ang prenatal yoga (basahin dito kung paano) at stretching exercises. Ugaliin din ang pag-inat-inat ng mga paa at pag-ikot-ikot ng mga bukung-bukong (ankles) bago matulog upang maiwasan ang pamumulikat.

    Development ni baby sa tiyan sa ika-22 linggo ng pagbubuntis  

    Samantala, patuloy ang development ni baby sa iyong sinapupunan. May sukat na siya ng halos 27.8 cm, mula ulo hanggang paa, at timbang na halos 430 grams. Para na siyang isang maliit na manika.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabilis na nabubuo ang kanyang lungs, at nagsasanay na siya sa paghinga. Nakakalunok siya ng kaunting piraso ng amniotic fluid. Pupunta ang mga ito sa kanyang bowels at lalabas bilang "meconium" kapag naipanganak na siya.

    READ MORE STORIES ON PREGNANCY:

    Sinasanay na ni baby ang kanyang sense of touch at grip sa pamamagitan ng paghablot sa umbilical cord. Huwag mag-alala dahil kulang pa ang kanyang lakas para masira niya ito at maputol ang supply ng kanyang oxygen at nutrients. Mas alalahanin mo ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 22.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles