embed embed2
Ipaalam Agad Sa Doktor Kung Tumigil Ang Paggalaw Ni Baby Sa Tiyan Sa Week 29
PHOTO BY Shutterstock/Odua Images
  • Sa pagpapatuloy ng third trimester, sumisikip nang lubusan sa iyong sinapupunan dahil patuloy rin sa paglaki ang iyong sanggol. Hindi mo na nga makita ang mga paa mo kapag nakatayo sa laki ng tiyan mo. Tumitindi tuloy ang mga nararamdaman mo ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 29 at mga bago pang nagsusulputan. 

    Marahil madalas kang makatanggap ng mga payo, gaya ng pagtulog hangga’t maaari, at siguro napapailing ka na lang. Napatunayan mo na kasing hindi ito madaling gawin. Mailap na nga ang antok at kung dalawin ka man nito, bigla namang naiistorbo ang iyong tulog. Nariyan ang pamumulikat ng mga binti, pagpunta sa banyo, o pagiging malikot ni baby. 

    Bagamat magandang senyales ang paggalaw-galaw ng iyong sanggol, may sarili siyang oras ng pagtulog at paggising na maaaring salunggat sa sinusunod mo naman. Mainam ang pag-monitor ng kanyang sleeping at waking patterns para alam mo kung kailangan ka makakakuha ng pahinga. Pero sa sandaling magbago o tumigil ang paggalaw ni baby, agad ipag-alam ito sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sintomas ng pagbubuntis sa week 29

    Mapapansin mo ang mabilis na paghaba ng iyong buhok at mga kuko. Dulot naman ito ng pagdami ng progesterone hormone at pagtaas ng blood circulation sa iyong katawan. Hanggang diyan na lang muna ang nakakatuwang pakiramdam dahil halos discomfort na ang mga iba pang maaaring sintomas ng pagbubuntis sa ika-29 linggo ng pagbubuntis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Almoranas

    Kung noong mga nakaraang buwan ay nahihirapan ka nang dumumi, malamang mayroon ka ng almoranas sa puntong ito ng pagbubuntis. Namamaga ang veins sa lower part ng iyong anus at rectum kaya nakakaramdam ka ng pangangati at pagkirot sa bahaging iyon. 

    Karaniwan itong nangyayari sa mga buntis dahil sa natatanggap na pressure ng veins mula sa lumalaking sanggol sa sinapupunan. Pagkatapos manganak, kadalasang gumagaling ang almoras nang kusa. Subukan na lang muna na uminom ng maraming tubig at kumain ng high-fiber food habang umiwas sa puwersahang pag-ire.

    Pangangasim ng sikmura

    Hindi na lamang simpleng pangangasim ng sikmura ang nararamdaman mo kapag umaakyat pabalik sa esophagus ang food at stomach acids. Tinatawag na itong heartburn, pero wala itong kinalaman sa puso. Kaya kalma lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakatulong ang pag-inom ng almond milk at pagkain ng papaya para kumalma din ang sikmura. Ugaliin na maghintay muna na ma-digest ang kinain bago matulog. Palipasin ang kahit dalawang oras at saka humiga sa kama para maiwasan ang pag-atake ng heartburn. Huwag uminom ng gamot na antacid kung hindi nirereseta ng doktor.

    Pananakit ng likod

    Normal na sumakit ang likuran, pati na ang mga balakang at tagiliran, bilang sintomas ng pagbubuntis sa week 29. Isipin mo na lang na higit pa sa isang kilo ng bigas ang dinadala mong sanggol, na kailangan mong suportahan at ingatan. Huwag mag-alala dahil may ilang paraan para posibleng maibsan ang sakit (basahin dito).

    Paghilab ng puson

    Kulang-kulang tatlong buwan na lang ang natitira para makumpleto mo ang full term pregnancy. Kaya naman panay ang paghahanda ng katawan mo sa nalalapit na paglabas ni baby. Mararamdam mo ito sa mga panandaliang pagtigas at paghilab ng puson. Tinatawag ang mga ito na Braxton Hicks contractions o “false labor.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero di tulad ng totoong pagle-labor, hindi tumatagal ang Braxton Hicks contractions. Mainam na tanungin ang doktor para makasiguro sa mga pagkakaiba at maiwasan ang pag-panic. (Basahin dito para sa karagdagang kaalaman.)

    Paglaki ni baby sa tiyan sa week 29 ng pagbubuntis

    Samantala, patuloy ang development ni baby para handang-handa siya sa paglabas. May sukat na siya ngayon na halos 38.6 cm, mula ulo hanggang paa, at bigat na halos 1.2 kg. Buong-buo na siya at may ilang mahahalagang tungkulin na lang siyang dapat gawin. Kabilang dito ang lumaki pa, magpakataba pa, at hayaang tuluyang mag-mature ang kanyang organs. 

    Habang dumadami ang fat deposit sa ilalim ng skin surface ni baby, bumibilis ang paglaho ng pangungulubot ng kanyang balat upang kuminis ito. Tinatawag ang fat deposit bilang “white fat,” at iba pa ito sa “brown fat” na mas naunang tumubo sa kanyang katawan. Kailangan ang brown fat para sa body temperature regulation. Nagsisilbi namang energy source ang white fat, na mayroon din si mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero bago maging ganap na mommy, may mga dapat pang pagdaanan, tulad ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 29. Kailangan mo na ring ayusin ang iyong maternity leave (kung working mom ka) at maghanap ng makakatulong sa pag-aalaga kay baby (kung ito ang desisyon ninyong mag-partner). Sikapin mo ring i-enjoy ang mga nalalabing huling linggo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles