Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sintomas ng Tatlong Linggong Pagbubuntis: Mga Pagbabago Sa Iyong Katawan

    Sa ikatlong linggo ng iyong pagbubuntis, nagtagpo na ang egg at sperm at marahil ay nagiging daan-daang bilang ng cells sa bawat oras.
    by Anna G. Miranda and Rachel Perez .
Sintomas ng Tatlong Linggong Pagbubuntis: Mga Pagbabago Sa Iyong Katawan
PHOTO BY iStock
  • Ito ang sandaling pinaghandaan ng iyong katawan sa unang dalawang linggo ng pagbubuntis. Kung maayos ang timing ng inyong pagtatalik bilang mag-asawa, ito ang linggong nag-ovulate ka, at nagtapo ang itlog mula sa iyong obaryo at ang sperm na mula sa iyong asawa.

    Pagkatapos nito, mayroon ka nang single-cell fertilized egg o zygote na naglalakbay sa iyong fallopian tube. Ilalagay ng zygote ang kanyang sarili sa kumakapal na lining ng iyong uterus. Hindi pa gaanong nakikita ang sintomas sa ikatlong linggo dahil naghihintay ka pa kung darating ba ang buwanang dalaw mo o hindi. Masyado ring maaga pa para kumuha na ng pregnancy test.

    More from Smart Parenting

    Mga senyales ng pagbubuntis sa pangatlong linggo

    Sa loob ng tatlong linggong pagbubuntis, mayroon nang mga pagbabago sa iyong katawan kahit hindi mo pa ito napapansin. Sa oras na mabuntis ka, full-on pregnancy mode na ang iyong katawan.

    Kapag ang fertilized egg ay nasa sinapupunan, bubuo na ng placenta at magkakaroon ng hCG (human chorionic gonadotropin) ang iyong katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabilis na tumataas ang iyong hCG ngunit posibleng mahina ang pag-detect dito ng kahit pinakasensitibong pregnancy kits.

    Bukod sa hCG hormone, Magpo-produce rin ang katawan ng pregnancy hormones tulad ng progesterone at estrogen. Ayon sa What to Expect When You’re Expecting, ang hormones na ito ay makatutulong sa iyong katawan sa pagsuporta sa fetus hanggang sa ito’y mabuo at maging maayos na placenta.

    More from Smart Parenting

    Mga sintomas ng pagbubuntis sa pangatlong linggo

    Tulad ng nabanggit, masyado pang maaga upang maranasan ang karamihan sa mga tipikal na sintomas ng pagbubuntis. Ilan sa mga kababaihan ay maaaring nakararanas ng unang mga senyales ng pagbubuntis, ngunit ayon sa mababasa mo sa ibaba, maaaring senyales din ang mga ito na darating ang iyong regla.

    Spotting at mild cramping

    Kung hindi pa petsa ng pagdating ng iyong regla, ngunit mayroong kaunting dugo sa loob ng isa hanggang dalawang araw, maaaring ito ay senyales ng implantation bleeding. Maaaring kulay tsokolate o rosas at madalas na may kasabay na pakiramdam ng bahagyang pananakit ng puson.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lahat ng babae ay nakararanas ng implantation bleeding. Nagbigay ng babala ang obstetrician-gynecologist na si Dr. Ma. Lourdes Poblete-Chan. Ayon sa kaniya, kung mayroong matinding pagdurugo, matinding pananakit ng puson, at cramping, maaaring senyales ito ng implantation o mga problema sa placenta.

    Mas malakas ang iyong pang-amoy

    Ang pagbulusok ng estrogen sa iyong katawan ay maaaring maging sanhi ng iyong pagiging higit na sensitibo sa ilang partikular na mga amoy, lalo na sa pagkain. Madalas, nakatutulong din ito sa mga buntis na iwasan ang mapanganib na usok ng tobako.

    More from Smart Parenting

    May nalalasahan kang tila kalawang sa bibig

    Pakiramdam mo’y para bang may nginuya kang barya dahil sa tila kalawang na nalalasahan mo. Dahil din ito sa hormones ngunit posibleng hindi mo ito maranasan kung mahilig kang uminom ng mga citrus na juice.

    Malambot ang iyong mga suso

    Hindi pa rin siguradong buntis ka kung ito lamang ang iyong gagamiting batayan dahil ganito rin ang nangyayari kapag malapit na ang buwanang dalaw. Maaaring mapansin mo rin na ang areola ay nagiging mas malaki at mas nangingitim.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakararanas ka ng pagkahilo

    Ang ilan sa mga buntis ay nakararanas na ng pagkahilo nang hindi nila namamalayang buntis na nga sila. Maaaring dulot ito ng tumataas na hCG hormones.

    More from Smart Parenting

    Ang iyong sanggol sa pangatlong linggo

    Kung magpapa-ultrasound ka na sa ikatlong linggo, wala ka pang makikita, ngunit marami na ring nangyayari sa iyong sinapupunan.

    Sa puntong ma-fertilize na ng sperm ang itlog, higit pang mahahati at darami ang single-celled zygote. Pagkatapos ng apat na araw, ang blastocyst na dating zygote ay napakaliit pa rin upang makita sa scan. Habang patagal nang patagal, magiging embryo ang ibang cells, at ang ilan ang bubuo sa placenta.

    Isa pang nakamamangha sa panahong ito ang mga katangiang mamanahin o maipapasa sa iyong anak. Sa oras na nasa sinapupunan mo na, buo na rin ang mga katangian ng iyong anak. Kumpleto ang set ng 46 chromosomes na nabuo ng zygote — kalahati mula sa iyo at kalahati mula sa iyong asawa. Ang mga chromosome na ito ang magtatakda ng kasarian, kulay ng mata, at buhok, balat at body type, at kahit pa ang kognitibo niyang potensyal at pag-uugali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang mga dapat gawin sa pangatlong linggo ng pagbubuntis

    Makatutulong kung magpapatingin ka rin sa doktor para sa iyong wellness o pre-conception check-up. Ito rin ay mainam na pagkakataon upang makapagbasa tungkol sa unang mga buwan ng pagbubuntis.

    Siguraduhing lagi kang iinom ng folic acid at prenatal vitamins. Kailangang masustansiya rin ang mga kakainin. Damihan ang pagkain ng matataas sa protina at calcium. Makatutulong ito sa maayos na paglaki ng iyong anak sa iyong sinapupunan.

    Kung mayroon kang 28-linggo na cycle at hindi ka dinatnan sa unang araw ng iyong period, maaari kang kumuha ng pregnancy test sa dulo ng ikatlong linggo. Maaaring malabo pa rin ang resulta ngunit maaaring maghintay ka pa ng kaunti upang lalong makasiguro at makakuha ng malinaw at wastong resulta.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 3: Your Body Is Going Through Changes

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles