-
Gustong-Gusto Na Ni Baby Marinig Ang Boses Nyo Sa Week 30 Ng Pagbubuntis!
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Habang nakakaramdam ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 30, isipin mo na lang na narating mo na ang final stretch. Nalampasan mo na ang naunang malaking bahagi at papunta ka na sa katapusan ng laban. Konting tiis na lang, magkikita na kayo ni baby pagkaraan ng 10 linggo.
Marahil mula 18 hanggang 25 pounds na ang nadagdag sa iyong timbang mula nang mabuntis ka. Tandaan na 35 pounds ang maximum weight gain para sa full term pregnancy kung nabibilang ka sa may normal weight base sa pre-pregnancy body mass index (BMI). Makakatulong kung hindi lalampas sa rekomendadong dagdag na 350 calories ang makokonsumo mo kada araw.
Sintomas ng pagbubuntis week 30
Mainam na bantayan ang iyong timbang para kahit paano hindi na madagdagan ang bigat na dinadala at ang pressure sa lower body. Madali ka na kasing mapagod at hingalin sa puntong ito ng third trimester.
Maaari ka ring makaiwas sa pregnancy complications, tulad ng gestational diabetes at preeclampsia. Mayroon iba pang pregnancy symptoms na dapat bigyan ng pansin.
Pangangati ng balat, mga marka
Sa patuloy na paglaki ni baby at pagbanat ng balat, tumitindi ang pangangati at humahaba ang mga marka (kung nasa genes mo ang pagkakaroon ng stretch marks).
Makakatulong ang pagpahid ng moisturizer sa parte ng tiyan, pati na sa ilalim ng mga suso at braso. Mawawala lang ang pangangati (at stretch marks hopefully) kapag nakapanganak ka na.
Hirap sa pagtulog
Dahil pa rin sa lumalaking baby bump kaya hindi madaling humanap ng komportableng posisyon sa kama para makatulog nang mahimbing. Dagdag pa dito ang dami mong iniiisip at inaalala.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIstorbo rin ang biglang pamumulikat ng mga binti at pagpunta sa banyo. Posibleng makatulong ang pregnancy pillow para magawa ang rekomendadong side-lying position. Subukan din ang meditation, low-impact pregnancy exercises (basahin dito), at pag-inom ng gatas bago matulog.
Pamamanas
Tuloy-tuloy ang paggawa ng iyong katawan ng mas maraming bodily fluids, at karamihan sa mga ito ay naiimbak sa tissues. Nagreresulta ito sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 30, gaya ng pamamaga ng mga bukung-bukong (ankles), paa, at kamay.
Nagkakaroon din ng increased vaginal discharge, vision problems, varicose veins, at hemorrhoids, pati na ang pagbabara ng ilong at pagdudugo ng mga gilagid.
Pagbagal ng panunaw
Isa pa ang digestive tract na apektado ng mga pagbabago sa iyong katawan at paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan. Bumabagal tuloy ang iyong panunaw, kaya malimit kang kabagin at hirap sa pagdumi.
Sikapin mong uminom ng maraming tubig at kumain ng fiber-rich food. Iwasan ang mga pagkaing maanghang, masebo, at puno ng taba. Huwag mo ring puwersahin ang pag-ire para makadumi.
Pangangasim ng sikmura
Kapag nangangasim ang sikmura, madalas damay ang dibdib at lalamunan dahil umaakyat ang stomach acids pabalik sa esophagus. Ito ang dahilan ng nararamdaman mong paninikip at pag-init ng dibdib at lalamunan. Tinatawag itong heartburn, bagamat walang kinalaman at hindi sangkot ang puso.
Nagdudulot din ng heartburn ang pag-relax ng muscle valve sa pagitan ng stomach at esophagus, pati na ang lumalapad na uterus dahil natutulak nito ang stomach. Naaabot din ng uterus ang lungs kaya sumisikip sa bahaging ito at lumiliit ang espasyo para makahinga ka nang maluwag. Ang nangyayari tuloy, nagiging hingalin at pagurin ka. Huwag na lang magmadaling kumain at dalasan ang pag-inom ng tubig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDevelopment ni baby sa tiyan sa ika-30 linggo ng pagbubuntis
Kung marami kang iniintindi, chill lang si baby sa iyong sinapupunan. May sukat na siya ngayon na halos 39.9 cm, mula ulo hanggang paa, at may timbang na halos 1.3 kg. Magpapatuloy pa siya sa paglaki at dadalas ang kanyang paggalaw-galaw.
Nakakagawa na ang katawan ni baby ng sarili niyang dugo. Handa na kasi ang kanyang bone marrow para sa gawain nitong red blood cell production. Katulad din ng paggawa ng surfactant sa kanyang lungs nang masanay siya sa paghinga.
Nagsisimula nang mangulubot ang surface ng brain ni baby. Tinatawag ang wrinkles bilang convolutions, na siyang kailangan para magkasya ang mga mabubuo pang brain tissues at nerve cells.
Mainam na makipaglaro kay baby habang iniinda ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 30. Dahan-dahang tapikin ang iyong tiyan at hintayin siyang sumagot sa pamamagitan ng suntok o sipa. Obserbahan mabuti kung paano siya mag-react. Baka mahulaan mo ngayon pa lang ang magiging personality niya. Kung masyado siyang malikot, subukan na kausapin o kantahan para kumalma si baby.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments