pregnancy,pregnancy milestones,Tagalog,pagbubuntis,con-00062,greener,sintomas ng pagbubuntis week 31,buntis bawat linggo,week 31,Sintomas Ng Pagbubuntis Week 31: Paninigas Ng Tiyan,sintomas ng pagbubuntis week 31, sintomans ng pagbubuntis, third trimester, false labor, Braxton Hicks,Isa sa mga sintomas ng pagbubuntis week 31 ay ang false labor o “practice contraction.”
PregnancyGetting Pregnant

Week 31: Pwedeng Magkaroon Ng Paninigas Ng Tiyan Ng Mga 20-30 Segundo

Itinuturing itong “practice contraction” ng mga health professionals.
PHOTO BYShutterstock/Tomsickova Tatyana

Sa linggong ito, nasa ikapitong buwan ka na ng iyong pagbubuntis. Dalawang buwan na lang bago ang iyong pinakaaabangang araw! Maaaring nakaposisyon na si baby siya para sa kaniyang nalalapit na paglabas. Tiyak na nae-excite ka ring malaman kung sino ba ang kamukha. Ngunit, ano-ano ba ang mararanasan mong sintomas ng pagbubuntis sa week 31?

Paghahanda para sa panganganak

Marahil nahihirapan ka na sa pagkilos nang normal gaya ng pagsusuot ng iyong underwear at paglalakad. Maaaring gustuhin mong magpahinga na lamang sa mga panahong ito.

Pero malaki ang maitutulong ng pagpapatuloy ng iyong regular na pag-eehersisyo para sa iyong pagbubuntis. Napapanatili nito ang iyong tamang timbang at maayos na kondisyon ng katawan para sa iyong panganganak.

Tandaan na maaari ka pa ring makipagtalik sa iyong asawa sa panahong ito basta may pahintulot ng iyong doktor at safe ito sa iyo na hindi magiging dahilan ng preterm labor. Nakatutulong din sa buntis ang pakikipagtalik lalo na kapag nasa full-term na para sa pag-induce ng labor. 

Laging manatiling malusog at iwasan ang mga bagay na maaaring magdulot sa iyo ng sakit. Kung may inihandang meal plan ang iyong nutritionist-dietitian, ipagpatuloy ang pagsunod dito upang makaiwas sa gestational diabetes.

Kung na-diagnose ka naman ng ibang komplikasyon gaya ng preeclampsia o problema sa placenta, tiyakin na nasusunod ang mga bagay at payo na kailangan mong gawin para mapanatiling maayos ang iyong kalagayan nang maiwasan ang maagang pagla-labor.

Sintomas ng pagbubuntis week 31

Ang iyong hormones, patuloy na paglaki ng tiyan, at ang pagtaas ng blood levels ang pinagmumulan ng mga nararanasan mong sintomas ngayong nasa ika-31 linggo ka na ng iyong pagbubuntis.

Braxton Hicks contractions

Mapapansin mo ang madalas na paninigas ng muscle sa iyong uterus na tumatagal ng mga 30 segundo, hindi ito regular, hindi rin masakit, at mawawala rin naman. Maraming buntis ang nakarananas ng ganitong random contractions lalo na kapag nasa kalahating bahagi ng pagbubuntis.

Pagkakaroon ng breast milk

Maaaring mapansin mo ang bahagyang paglabas ng colostrum o premilk sa iyong suso. Walang dapat ikabahala sapagkat bahagi ito ng paghahanda para sa iyong panganganak at depende pa rin ito sa iyong hormone level.

Maaari kang magsuot ng milk pads kung kinakailangan. Makatutulong din ang pagsusuot ng nursing bra na makasusuporta sa iyong suso.

Hirap sa pagtulog at pregnancy aches

Dahil sa patuloy na paglaki ng iyong tiyan, unti-unti kang makararamdam ng mga pananakit ng likod o balakang, pagsakit ng ulo, at hirap sa pagtulog lalo na ngayong nasa ikatlong yugto ka ng iyong pagbubuntis. Mas magiging mahirap ang pagtulog nang patagilid kaya naman makatutulong ang nursing pillow para sa maayos na pagtulog.  

Nakaapekto rin sa pagtulog mo ang labis na pag-aalala at pag-iisip ng mga bagay. Para mas madali kang makatulog maaaring kang mag-meditate, uminom ng gatas bago matulog, at mga simpleng pag-eehersisyo.

Mahalaga rin ang pagrerelaks para maipahinga ang iyong mga kalamnan at kasukasuhan. Magpahinga kung kinakailangan. Hinay-hinay lang at pakiramdaman ang iyong katawan.

Hirap sa paghinga at madalas na pag-ihi

Nakaapekto rin sa iyong paghinga ang patuloy na paglaki ng iyong tiyan dahil nasasakop nito ang iyong baga na nagdudulot ng hirap sa paghinga. Nakadagdag din ito ng pressure sa iyong bladder na nagiging dahilan ng madalas mong pag-ihi.

watch now

Pagmamanas

Patuloy ang pagprodyus at sirkulasyon ng dugo na nagiging dahilan ng pagtaas ng produksyon ng tubig sa iyong katawan. Kapag naiipon ang tubig sa tissue ng iyong kalamnan kaya mararanasan mo ang pagmamanas sa bahagi ng bukong-bukong, paa, at kamay.

Maaari ring maranasan ang pagdami ng vaginal discharge, problema sa paningin, pagkakaroon ng varicose veins, hemorrhoids, baradong ilong, at pagdurugo ng gums.

Checklist sa ika-31 linggo ng pagbubuntis

Ang mga sumusunod ang maaari mong gawin bilang paghahanda sa iyong pangnganak sa week 31 ng pagbubuntis.

Uminom ng maraming tubig

Mapapansin mo ang labis na pagpapawis dahil sa mas magiging mainit sa iyong pakiramdam sanhi ng iyong patuloy na paglaki. Makatutulong ang pag-inom ng maraming tubig para mapanatili ang sapat na temperatura ng iyong katawan at mapanatiling hydrated din.

Pumili ng komportableng sapatos o tsinelas

Dahil mararanasan mo ang pagmamanas lalo na sa paa at tiyak na lalaki rin ang sukat nito, makabubuti ang pagsusuot ng komportableng panyapak na makapagbibigay ng ginhawa sa iyong paa at makatutulong na makalakad ka nang maayos.

Ihanda ang iyong hopsital bag

Ihanda mo na ang iyong hospital bag laman ang mga kakailanganing gamit sa panganganak. Ihiwalay ng lalagyan ang iyong gamit, gamit ng baby, at mga dokumento na kakailanganin mo sa hospital.

Paghahanap ng yaya

Kung iniisip mong kumuha ng yaya bilang katuwang sa pag-aalaga ng iyong baby, mahalaga na magsimula na ang paghahanap ngayon. Makabubuti na ma-train mo rin ang iyong magiging yaya sa pag-aalaga ng iyong baby at makapagbahaginan kayo ng mga pamamaraan ng pag-aalaga.

3D/4D Ultrasound

Tiyak na ibig mong malaman sino ang kamukha ng iyong baby kaya naman makapagbigay ng ideya sa iyo ang pagpapaultrasound ng 3D/4D. Maaaring isabay mo na  rin ang pagsasagawa ng maternity photoshoot bilang bahagi ng pagdodokumento ng iyong pregnancy journey.

Development ni baby sa tiyan week 31

Ang iyong baby ay kasinlaki na ng buko na may sukat na nasa 16 ¼ inches ang haba at may timbang na nasa 3 ½ pounds. Mas aktibo, malikot, sinisinok, at nagsa-suck ng kaniyang daliri.

Maraming development na sa utak ng iyong baby lalo na sa kaniyang mga pandama o senses. Nagagawa na niyang magproseso ng impormasyon at makaunawa ng mga signal gaya ng makasubaybay ng liwanag, makarinig ng mga boses, at malasahan ang iyong kinakain.

Kahit na nakalubog siya sa amniotic fluid, aktibo ang kaniyang pang-amoy. Kapag nakalabas na siya, ang unang malalanghap niya ang iyong amoy at ang gatas ng ina.

Bukod sa pag-iisip ng ipapangalan sa iyong baby, mahalagang nakaayos na rin ang gamit at kuwarto niya. Magriserts na rin tungkol sa pagpapasuso, dumalo ng mga seminar na patungkol dito, humingi ng mga payo mula sa mga nakaranas ng pagpapasuso.

Bukod sa mga nabanggit na sintomas ng pagbubuntis sa week 31, marapat ding alamin mo ang mga senyales ng pre-term labor. Mahalaga ito upang agad mong masabihan din ang iyong doktor sakali na makaranas ka ng alinman sa mga sintomas nito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close