embed embed2
Mas Aktibo At Malakas Ang Pagsipa Ni Baby Sa Week 32 Ng Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock/RTimages
  • May walong linggo na lamang ang hinihintay mo para sa paglabas ng iyong baby! Isa sa sintomas ng pagbubuntis sa week 32 ang patuloy na pagtaas ng iyong timbang. Kasabay ng iyong pagbigat (na dapat bantayan na hindi sosobra), ang pagdagdag din ng timbang ng iyong baby.

    Kasinlaki na si baby ng kalabasa na may sukat na 16.7 inches at may timbang na 3.8 pounds. Sa linggong ito, humahaba na rin ang mga kuko sa kamay at paa ni baby kasabay nito ang paghaba ng buhok niya.

    Marahil nakaposisyon na rin siya bilang paghahanda sa kaniyang paglabas kung hindi man huwag mag-aalala dahil may ilang linggo pa rin naman ang hinihintay. 

    Sintomas ng pagbubuntis week 32

    Mas mapapadalas na ang pagbisita mo sa iyong ob-gyn para sa pregnancy checkup sa ika-32 linggo ng pagbubuntis.

    Mas maraming pagkakataon na mararamdaman ang pagsipa ni baby at masakit ito kung minsan. Para maginhawaan, mahiga nang patagilid. Mas nagiging makakalimutin ka na rin at nahihirapan na magpokus dahil sa mga alalahanin.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gaya sa naunang linggo, mararanasan mo pa rin ang Braxton Hicks contractions. Normal lamang ito ngunit kung mas matagal at mas nagdudulot ng labis na sakit, ipaalam agad sa iyong doktor. 

    Hirap sa paghinga at heartburn 

    Para sa patuloy na paglaki ng iyong baby, tumataas ang volume ng napoprodyus na dugo ng iyong katawan nang 40-50 bahagdan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naitutulak pataas ng uterus ang iyong diaphragm at nasasakop na rin nito sa iyong tiyan kaya nagdudulot ito sa iyo ng hirap sa paghinga at heartburn.

    Mas napapadalas din ang iyong pag-ihi dahil sa pressure sa bladder sa paglaki ng iyong baby. 

    Pananakit ng balakang

    Patuloy kang makararanas ka ng pananakit ng balakang habang papalapit na sa iyong panganganak.

    Kung labis ang nararanasang ganitong sintomas at kakaiba itong pakiramdam sa iyo, makabubuting ipaalam sa iyong doktor dahil itinutusing na senyales ito ng preterm labor.

    Dark nipples at breast milk leaks 

    Dahil sa pagbabago sa iyong hormones, magiging mas maitim ang iyong areolas. Mas kapansin-pansin din ang paglaki ng iyong dede at maaaring magprodyus at maglabas ito ng colostrum.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Vaginal discharge 

    Tumataas din ang dami ng vaginal discharge bilang paghahanda sa iyong pangnaganak at makaiwas sa impeksyon.

    Ngunit bantayan din ang mucus plug kung malasipon ba ito na maaaring lumabas lamang dapat bago iyong pagla-labor saka kung matubig din at patuloy ang paglabas, maaaring pumutok na iyong panubigan. Ipaalam agad ito sa iyong ob-gyn

    Leg cramps at problema sa pagtulog 

    Mararanasan mo ang masakit at makirot na pamumulikat ng binti. Karaniwan ang sintomas ito sa mga huling bahagi ng iyong pagbubuntis. Bigla ka na lamang ngang magigising sa kalagitnaan ng iyong pagtulog dahil sa sakit na mararamdaman.

    Subukan lang na iunat ang iyong binti at at itaas ito bago matulog o kaya gawin ang prenatal yoga. Makabubuti rin na masahiin din ang binti nang pababang hagod ng pagmamasahe.

    Diarrhea 

    Kung mararanasan ang diarrhea, uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated. Maaaring senyales din ito ng preterm labor.

    Ppaalam agad sa iyong doktor kapag napansin mo na may diarrhea ka kasama na ang labis na paninigas ng tiyan, pananakit ng balakang, regular contractions, o pagputok ng iyong panubigan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Constipation 

    Dahil sa patuloy na paglaki ng iyong baby, mas matindi ang pressure nito sa iyong digestive tract na makaapekto sa iyong pagdumi.

    Uminom lang ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber.

    Tips para ma-manage ang sintomas ng pagbubuntis week 32 

    Magbasa ng mga pamamaraan ng pangangalaga sa iyong baby habang may sapat na oras ka pa dahil magiging mahirap na ito kapag nanganganak ka na.

    Kumain nang mas madalas pero paunti-unti lamang kaysa isang mabigat na tatlong meal sa isang araw. Mas okay ang small meals sa pag-digest ng pagkain. 

    Maging pamilyar din sa iyong nararanasang contraction kung gaano ito katagal at ano ang mga nararamdaman mo.

    Mahalaga na i-monitor din ang pagsipa ni baby at ipaalam sa iyong doktor kung may mapansin na pagbabago o kakaiba rito. 

    Higit sa lahat, patuloy na pakiramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis mo. Kung kailangan ng iyong katawan na magpahinga, huwag mag-atubiling gawin ito. Isipin mong kaunting panahon na lang at malapit ka na sa iyong pinakaabangang araw!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles