embed embed2
Puwedeng Bumalik Ang Sintomas Ng First Trimester Mo Sa Week 34 Ng Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock/Krakenimages.com
  • Pagdating ng sintomas ng pagbubuntis sa week 34, mapapansin ang pagbaba ng iyong tiyan. Ibig sabihin bumaba na rin ang puwesto ng iyong baby sa iyong pelvis bilang paghahanda niya sa kaniyang paglabas.

    Sa yugtong ito, halos kasinlaki na rin ng melon ang iyong baby na may sukat na 17 ¾ inches at bigat na 4 ¾ pounds. Alam mo ba nakakikita na rin ng kulay ang iyong baby? Nakikita niya ang pulang kulay, ang kulay sa loob ng iyong uterus. 

    Naiipon na rin ang fats sa iyong baby para sa kaniyang body temperature na makatutulong sa kaniyang paglabas. Sa panahong ito, naabot na ng iyong amniotic fluid ang tamang volume nito at nae-enjoy na rin ng iyong baby ang pag-ikot niya rito.

    Umiinom din ang iyong baby ng amniotic fluid at sinisikap na huminga mula rito. Nakatutulong ang amniotic fluid sa pag-develop ng muscle, buto, digestive system, at baga ng iyong baby.

    Iba pang sintomas ng pagbubuntis sa week 34

    Patuloy kang bumibigat at nadaragdagan ng timbang gaya ng iyong baby na patuloy ring lumalaki sa iyong sinapupunan. Ang mga naranasan mong sintomas sa unang trimester ay posibleng maramdaman mo ulit ngayong week 34 gaya ng pagkahilo at pagduduwal o pagsusuka.

    Ngunit mas nakapagbibigay sa iyo ng pagkabalisa ang mga sintomas sa puntong ito ng iyong pagbubuntis.

    Bloating at kabag 

    Mas napupuno ng hangin ang iyong tiyan habang nasa ikatlong trimester ng iyong pagbubuntis. Nakakadagdag ang iyong anxiety at tensiyong nararamdaman para mas tumindi ang pagiging bloated o pagkakaroon ng hangin sa tiyan o kabag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Constipation at hemorrhoids

    Mas nagiging mahirap din pag-digest ng iyong pagkain na dahilan para maapektuhan ang iyong pagdumi. Makatutulong sa iyong diet ang pagkain ng mga dried o fresh fruits, gulay, whole grains, o pagkaing mayaman sa fiber at pag-inom ng maraming tubig. Dahil sa hirap sa pagdumi sanhi ng constipation, mararanasan mo pagkakaroon ng hemorrhoids.  

    Vaginal discharge at panlalabo ng mata

    Mas dumarami rin ang vaginal discharge na mararanasan mo sa pagprogreso ng iyong pagbubuntis dahil ito sa iyong pregnancy hormones lalo na ang estrogen. Napapataas kasi nito ang pagdaloy ng dugo sa iyong pelvic area at nag-stimulate ng mucous membrane.

    Ang pagsusuot ng panty liner at paggamit ng feminine wash ay makabubuti para manatiling dry at walang kanais-nais na amoy.

    Sa pagtaas din ng daloy ng dugo sa iyong ugat, tipikal na maranasan sa pagbubuntis ang panlalabo ng mata na may kasamang pagsakit ng ulo

    Pananakit ng likod at balakang

    Mas tumitindi pa ngayon ang pressure na nailalagay sa iyong balakang habang patuloy na bumibigat ang iyong tiyan sa paglaki nito. Ang pag-upo nang matagal ay makadaragdag ng pananakit ng iyong likod at balakang. Subuking tumayo, maglakad-lakad, at magsagawa ng simpleng pag-iinat ng katawan.

    Pagmamanas

    Sa patuloy mong pagbigat at paglaki ng iyong tiyan, ang iyong tissue sa katawan ay nag-iipon at nagpapanatili ng tubig lalo na sa iyong kamay at paa. Makabubuti ang pagsusuot ng komportableng sapatos o tsinelas na makagiginhawa sa iyong nagmamanas na paa.

    Pamumulikat ng binti

    Karaniwan na sa yugtong ito ng pagbubuntis na maranasan ang pananakit ng binti o pamumulikat. Ang dahilan nito ay ang bigat ng iyong tiyan, pagmamanas, at pagkapagod.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    I-relaks lamang ang iyong ang binti o kaya masahiin ito kung makararanas ng ganitong sintomas.

    Hirap sa paghinga

    Naaapektuhan din ng paglaki tiyan ang iyong paghinga lalo na nasasakop ng lumalaki mong uterus ang iyong diaphragm at baga.

    Pagkakaroon ng insomnia

    Dahil sa mga nararanasang sintomas gaya ng pamumulikat ng paa, madalas na pag-ihi, hirap sa paghinga ay nagiging problema mo ang pagkakaroon ng maayos na tulog.

    Nagiging mahirap sa iyo ang makakuha ng mahimbing na tulog sa gabi kaya naman kung may pagkakataon sa araw ay sikaping makatulog o kahit makaidlip para makabawi sa iyong puyat.

    Mabilis na pagtubo ng buhok

    Sa pagbubuntis bahagi ang mabilis na paghaba ng iyong buhok pero may bahagi rin ng katawan na hindi mo inaasahan ang pagtubo ng buhok gaya sa iyong mukha at likod.

    Dahil sensitibo ang iyong balat kapag buntis, alamin ang paraan na makabubuti sa iyo para alisin ang pagtubo ng mga buhok na ito.

    Paglaki ng iyong dibdib at paglabas ng colostrum

    Habang papalapit na ang iyong due date, lumalaki ang iyong suso at posibleng maranasan ang paglabas ng yellowish colostrum o “pre-milk” sa iyong suso na siya namang unang nadede ng iyong baby sa paglabas niya sa iyong sinapupunan. Maaari kang gumamit ng nursing pad kung hindi ka komportable sa paglabas nito.

    Checklist sa ika-34 linggo ng pagbubuntis

    Bagama't ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 34 ay tumitindi na, kailangan na maihanda at maisagawa ang mga sumusunod:

    • Patuloy na pag-inom ng iyong prenatal vitamins.
    • Pagkain ng masustansiya at sapat na pagkain at pag-inom ng maraming tubig.
    • Nababawasan mo na ang pagkilos o paggawa ng gawaing bahay dahil mahirap na rin ang pagkilos sa iyo.
    • Naisaayos mo na ang plano para sa iyong maternity leave at nakahanap ka na ng posibleng pumalit sa iyo o pansamantalang hahawak sa iyong trabaho.
    • May malinaw na plano ka na rin para sa iyong panganganak.
    • Mayroon ka ng mga pangunahing pangangailangan ng iyong newborn at ikaw rin mismo sa iyong panganganak.
    • May napili o naihanda ka nang tamang baby car seat para sa iyong baby. 
    • Naisaayos mo na ang mga kakailanganing gamit na dadalhin sa hospital.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close