\
embed embed2
39 Weeks Ka Nang Buntis! Kabisado Mo Na Ba Ang Signs Of Labor?
PHOTO BY Shutterstock/Prostock-studio
  • Kaunting tiis na lang sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 39 dahil handang-handa na ang iyong baby na masilayan ang mundo! Puwede na siyang lumabas sa iyong sinapupunan sa linggong ito.

    Sintomas ng pagbubuntis week 39

    Kahit nasa huling yugto ka na ng iyong pagbubuntis, patuloy mo pa ring mararanasan ang mga sintomas na ito sa iyong ikatlong trimester.

    Braxton Hicks contraction 

    Mararanasan mo pa rin itong tinatawag ding false labor contractions. May paninigas ng iyong tiyan pero mawawala rin pagkaraan ng mga ilang minuto o kapag nagbago ka ng iyong posisyon.

    Ang true labor contraction ay mas regular, mas matindi, at mas matagal. Dagdag pa kapag nahihirapan ka nang huminga sa bawat contraction.

    Pagbabago sa fetal movement

    Mapapansin mo na mas malakas ang pagsipa ng baby mo ngayon at mas maraming pagkakataon na kumikilos ito o umiikot sa iyong sinapupunan. Higit na aktibo ang iyong baby sa mga panahong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Heartburn at indigestion

    Mararanasan mo ang heartburn at indigestion nang mas higit pa ngayon pero maiibsan naman ito gaya ng pag-inom ng tubig. Maaaring kumain din nang paunti-unti hindi malalakihang meal sa isang araw. Iwasan ang mga pagkain na matagal matunaw sa sikmura.

    Pananakit ng likod at balakang 

    Tumitindi ang pressure na ibinibigay ng iyong baby sa bahagi ng iyong pelvis na nakapagdudulot sa iyo ng pagkabalisa o hindi pagiging komportable. Bukod sa back pain at pelvic pain, makararamdam ka rin ng pananakit ng puson.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Problema sa pagtulog

    Tiyak na hirap ka na makakuha nang mahimbing at maayos na tulog habang papalapit na ang araw ng iyong panganganak. Nahihirapan kang humanap ng komportableng posisyon dahil sa laki na rin ng iyong tiyan at iba pang nakadaragdag na isipin o alalahanin na nagpapabalisa sa iyo.

    Signs of labor

    Dahil handa na si baby sa kaniyang pagsilang, maaaring mong maranasan na ang mga labor signs gaya ng:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dilation

    Maaaring magbukas o mag-dilate ang iyong cervix na senyales na palabas na si baby. May ibang buntis naman na paunti-unti ang pag-dilate sa paglipas ng mga araw.

    Mucus plug

    Ang pagkakaroon ng mucus plug ay isang senyales din na magla-labor ka na. Maaari itong mangyari ilang oras o araw bago magsimula ang iyong pagla-labor.

    Ang mapapansin mong kulay ng vaginal discharge na ito ay mala-pink o tila dugo na mala-gelatin ang texture. Ito ang nagseselyado ng iyong cervix habang buntis ka upang maiwasan ang pagpasok ng bakteriya sa iyong uterus. Kapag naalis na ito, ibig sabihin handa ka nang mag-labor.

    Pagputok ng panubigan

    Kapag may lumabas na tubig na hindi napipigilan ang pagtuloy na pagtulo nito ibig sabihin pumutok na ang iyong panubigan o ang amniotic sac na bumabalot sa iyong baby.

    Diarrhea at hemorrhoids

    Bahagi ng pagbabagong nagaganap sa iyong cervix, mararanasan mo ang pagtaas ng hormones na tinatawag na prostaglandins na tumutulong na maihanda ang cervix para sa pagla-labor at panganganak. Pwede ito magdulot ng diarrhea o pagtatae pero hindi palagi ibig sabihin senyales na siya ng labor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Uminom ng maraming tubig at pagkaing mayaman sa fiber. Kung mararasan ang problema sa pagdumi, iwasan din ang pag-ire para hindi magdebelop ang hemorrhoids o almoranas.

    Bukod sa mga natural o likas na paraan ng pagla-labor na ito, posibleng payuhan ka rin ng ng iyong doktor para sa natural na pagla-labor gaya ng paglalakad-lakad para makatulong sa pagbukas ng iyong cervix kung sarado pa ito.

    Imumungkahi rin nila ang paggamit o pag-inom ng evening primrose oil para mas mabilis na mag-dilate ang iyong cervix. Nakatutulong din daw mag-induce ng labor ang pakikipagtalik sa iyong asawa kung kinakailangan at paglalaro ng iyong nipple.

    Development ni baby sa loob ng tiyan sa ika-39 linggo ng pagbubuntis

    Natamo na ni baby ang kabuuang development na kinakailangan ng iyong baby. May timbang na siya na 7-8 pounds at sukat na 19-21 inches. Kasinlaki na siya ng isang honeydew watermelon.

    Bukod pa rito, ang balat din ng iyong baby ay nagbago na mula sa pagiging mala-pink na kulay nito ay naging maputi na. Ito ay dahil nadeposito na sa blood vessel niya ang makapal na layer ng fat na bumabalot sa kaniyang balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na halos gaanong magbabago ang laki ng iyong baby pero patuloy ang pag-develop ng kaniyang utak at baga sa pagdaan pa ng mga linggo. Tumitibay na rin ang kaniyang immune system.

    Mga dapat mong gawin bilang paghahanda sa iyong panganganak

    Ang mga naipapasa mong antibodies kay baby ang magiging panlaban niya sa anumang sakit at impeksyon pagkasilang niya. Inaasahan na rin na naka-cephalic position na ang iyong baby o ang ulo niya ang nasa ibabang bahagi bilang paghahanda sa kaniyang paglabas.

    Ano pang ang dapat gawin sa yugtong ito?

    Manatiling aktibo 

    Ang paglalakad-lakad ay ligtas na gawaing maaaring mong ipagpatuloy lalo na kapag nalalapit na ang iyong kabuwanan. Maaari mo itong gawin ng 20-30 minuto kada araw.

    Pagpapasuso

    Handa ka na ba sa iyong magiging breastfeeding journey naman pagkapanganak mo? Kung hindi pa, patuloy na mag-research tungkol dito at humingi ng payo mula sa eksperto o sumali sa mga grupo ng mga mommy na nagsusulong nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kilalanin ang iyong pediatrician

    Maaaring ngayon pa lamang din makausap mo na ang iyong magiging pediatrician upang mabigyan ka niya ng mga payo at dapat gawin sa pagsisimula ng pag-aalaga ng iyong newborn.

    Mhirap pero sikaping maging kalmado

    Huwag masyadong mabalisa. Maghinay-hinay lang. Basta nakahanda na ang iyong mga kakailanganin sa iyong panganganak walang dapat ikabahala. I-enjoy mo lamang ang mga huling linggo ng iyong pregnancy journey!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles