embed embed2
Week 40 Ng Pagbubuntis: Bantayan Na Ang Spotting, Contraction At Paggalaw Ni Baby
PHOTO BY Shutterstock/Marcos Mesa Sam Wordley
  • Ang linggong ito ang marka ng pagtatapos ng 9 na buwan mong paghihintay. Anumang oras sa linggong ito maaari nang lumabas sa iyong sinapupunan ang iyong baby pero may mararamdaman ka pa rin na sintomas ng pagbubuntis sa week 40.

    Maaaring hindi na lumaki ang iyong baby gaya ng paglaki niya sa mga nagdaang buwan. May timbang narin siya na nasa pagitan ng 6-9 pounds at may sukat na 19-22 inches. Halos kasinlaki na siya ng isang maliit na kalabasa. Patuloy na tumutubo ang buhok at humahaba ang kaniyang kuko at mas nagma-mature pa ang kaniyang baga.

    Samantala, naalis na ang balat at nalagas na ang maninipis na buhok nabumabalot sa kay baby para mapanatili ang temperaturang kailangan niya habang nasa sinapupunan. Ibig sabihin na handa na siya sa kaniyang paglabas.

    Patuloy pa rin na nagbibigay ng antibodies ang iyong katawan at ang placenta sa iyong baby nakakailanganin niya paglabas para may panlaban siya sa anumang impeksyon sa loob ng anim na buwan.

    Ngunit kung pipiliin mo ang mag-breastfeeding mas makapagbibigay pa ng dagdag na antibodies ito sa iyong baby para mapalakas ang kaniyang immune system.

    Sintomas ng pagbubuntis Week 40

    Mapapansin mo ang patuloy na pagbabago sa iyong pangangatawan at mararanasan ang mga sintomas na ito na maaaring magsabi na manganganak ka na.

    Pagkakaroon ng spotting

    Maaaring mapansin mo ang paglabas ng kulay ng vaginal discharge na pinkish o red-tinged na parang gelatin sa iyong panty. Ito ay mucus plug na senyales na maaaring bumukas na ang iyong cervix at kasunod na nito ang iyong pagla-labor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nag-dilate na ang iyong cervix, posible ang mas matindi, mas matagal, at mas regular ang mararanasan mong contraction.

    Contraction

    Braxton Hicks ang nararanasan mong contraction kung hindi madalas at hindi matindi at nawala rin itokapag nagpalit ka ng posisyon o naglakad-lakad ka, ibig sabihin practice o false contraction lamang iyon.

    Ang true contraction ay mas matindi at hindi mo makayanan ang sakit. Nangyayari din ito kada 10 minuto at tumatagal ng 50 segundo o mas matagal pa.

    Fetal activity

    Bagaman nagkaroon ng pagbabago sa pagkilos ng iyong baby o medyo bumagal ito, mararamdaman mopa rin ang paggalaw-galaw nito. Ang normal na maitatala mong paggalaw ay nasa 10 kada oras.

    Cervical dilation

    Hindi mo man maramdaman ang pagbukas ng iyong cervix, magsasagawa naman ng internal examination ang iyong ob-gyn upang malaman kung nag-dilate na ba ang iyong cervix at masasabi kung ilang centimeter na ito.

    Diarrhea

    Maaaring maranasan mo ang pagbabago sa iyong pagdumi. Ang pagbabawas na ganito ay maaaring senyales na malapit ka na labor.

    Pelvic pain

    Kung mababa na ang posisyong ng iyong baby, mas makakaramdam ka pananakit sa bahagi ng iyong pelvis lalo na sa bahagi ng iyong balakang at puson.

    Pamumulikat ng paa

    Makakaranas ka ng pamumulikat ng paa dahil na rin sa iyong bigat dulot ng pagbubuntis. I-flex lang ang iyong bukong-bukong at paa upang maibsan nang bahagya ang nararamdamang sakit.

    Insomnia

    Mas magiging mahirap ang pagtulog sa mga panahong ito dahil sa nararamdamang mga pananakit ngilang bahagi ng katawan kasabay pa ang isipin sa nalalapit mong panganganak. Makatutulong ang pagpapamasahe sa iyong asawa para ma-relaks o pakikinig ng musika na pampakalma.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Prenatal checkup kada linggo

    Sa panahong ito, kada linggo na rin ang iyong pagbibista sa iyong ob-gyn para sa iyong prenatal checkup.

    Huwag mag-panic kung lampas ka na sa due date mo. Nakasalalay sa iyong baby kung handa na siya sa paglabas. Maaaring nakaramdam ka rin ng frustration dahil sa ganitong sitwasyon.

    Kung hindi ka mag-labor sa linggong ito, maaaring mag-induce ng labor ang iyong ob-gyn lalo nakung mayroong pangangailangang medikal na magiging banta na ito sa iyong kalusugan at sa iyong baby.

    Magsasagawa rin ng ultrasound para tingnan ag iyong placenta, amniotic fluid level, at ang biophysical profile ng iyong baby. Maaari ding magsagawa ng non-stress test sa iyo upang malaman at matiyak ngiyong doctor ang kondisyon mo at iyong baby.

    Agad na kontakin ang iyong doktor at magtungo sa hospital kapag naranasan mo naman ang mga sumunsunod:

    • pagdurugo
    • pagtaas ng blood pressure
    • matinding sakit ng ulo
    • panlalabo ng paningin
    • pagduduwal
    • pagsusuka
    • hindi gaanong paggalaw ng iyong baby

    Paano mag-manage ng sintomas ng pagbubuntis week 40

    Narito naman ang ilang tips para makatulong sa iyong pagla-labor sa pagkontrol at pamamahala ng mararamdaman mong sakit:

    1. Sikapin na makapahinga at makatulog.

    Kung sa gabi magsimula ang iyong contraction, magda-dilatelang ang iyong cervix habang natutulog ka.

    2. Maging active

    Kapag nasimula ang contraction mo sa umaga, manatiling aktibo at nakatayo para makatulong sapagbaba ng iyong baby at pagbukas ng iyong cervix.

    Subukin ang iba’t ibang posisyon gaya ng pag-rock sa birth ball. Ituloy lang ang pagkilos at paggalaw.

    3. Magpokus sa tamang paghinga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magsanay ng mga tamang teknik sa paghinga para sa panganaganak. Hingin ang suporta ng asawa.

    4. Subukang maging kalmado at mahinahon lamang.

    Mag-relaks at huwag masyadong mabahala o ma-stress.  Kumain nang masustansiyang pagkain na makapagpapataas ng iyong energy level. Magpamasahe sa iyong asawa.

    Konting tiis na lang at matatapos na ang mga sintomas mo ng pagbubuntis!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close