embed embed2
Week 41 O 42 Ng Pagbubuntis? Maaaring Mag-Induce Na Ng Labor
PHOTO BY Shutterstock/Suti Stock Photo
  • Tiyak na nakadarama ka ng pagkabahala dahil lampas ka na sa iyong due date! Naiisip mong nakapanganak na ang iba mong kasabayan pero ikaw ay hindi pa rin. Nagwo-worry ka rin dahil overdue ka na.

    Tandaan na ang na-i-set na due date mo ay estimation lamang ng iyong doktor at maaaring hindi ito ang tiyak na petsa. Posibleng sa linggong ito lumabas na ang iyong baby. At kung hindi pa rin at nakita na ng iyong doktor ang kalagayan at pangangailangang medikal, maaaring ma-induce na siya para sa iyong pagla-labor. (Mag-scroll pababa para sa dagdag impormasyon sa inducing labor.)  

    Sintomas ng pagbubuntis Week 41 at 42

    Bagaman normal sa ibang baby na ipanganak nang higit sa due date, sa linggong ito mas babantayang mabuti ang pagmonitor sa iyo at sa iyong baby para matiyak na maayos ang inyong kalagayan. Maaaring magsagawa ng non-stress test o ultrasound ang iyong doktor.

    Sakali na ipanganak mo ang iyong baby sa week 42, possibleng dry at kulubot na ang kaniyang balat na temporary lang naman dahil naalis na ang balat na nagpoprotekta sa kaniya sa nakalipas na linggo. Maaari ding mahaba na kaniyang kuko, mahaba ang buhok o wala na iyong tinawag na lanugo.

    Pagkabalisa

    Hindi maiiwasang makaramdam ka ng pagkabalisa o anxiety sa panahong ito. Mahirap na hindi mag-alala lalo na kung due date mo na at hindi ka pa nanganganak. Dagdag pa rito ang pagtatanong o pangungumusta ng mga kamag-anak kung nakapanganak ka na.

    Malaking tsansa na mag-labor ka na sa linggong ito at kundi man maaaring mag-induced ng labor ngayon o sa week 42 o bago pa rito kung walang magiging problema sa iyo at iyong baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkakaroon ng hemorrhoids at diarrhea

    Dahil sa bigat ng iyong tummy, ang ilang mga ugat sa iyong rectum ay maaaring mamaga dahil sa bigat at pressure. Kadalasan kapag nakapanganak na at nabawasan na ang pressure, nawawala rin ang hemorrhoids o almoranas dulot ng pagbubuntis.

    Samantala, makararanas din ng diarrhea pag malapit nang manganak. Ito ang paraan ng katawan na mabigyan ng espasyo ang baby na makaraan sa birth canal.

    Pagbaba ng iyong tiyan

    Mapapansin mo ang pagbaba ng iyong tiyan na nagbibigay senyales na nakaposisyon na ang iyong baby at handa na siyang lumabas.

    Contractions at pagsipa ng iyong baby

    Tandaan na ang totoong o true contraction para sa pagla-labor ay mas regular, mas matindi ang sakit na dulot, at mas matatagal.

    Bukod dito, dapat ding bigyang pansin ang paggalaw ng iyong baby. Ipaalam sa iyong doktor sakaling magkaroon ng pagbabago sa pagkilos niya lalo na kapag bumaba ang normal na bilang na naitatala mo. Dapat na manatiling aktibo ang iyong baby bago ang panganganak.

    Pag-dilate ng iyong cervix

    Magsasagawa rin ng internal examination ang iyong ob-gyn para malaman kung nagbukas o nag-dilate na ba ang iyong cervix at masukat kung ilang sentimentro na ito. May iba na mabagal ang pag-dilate na umaabot ng ilang araw at may ilan naman na mabilis lamang na nangyayari nang magdamagan.

    Pagputok ng panubigan

    Tawagan agad ang iyong doktor kapag pumutok ang iyong panubigan. Ito ang malakas na paglabas ng tubig o kung minsan naman mahina. Sabi nga ng iba, parang naihi ka na hindi mo mapigilan. Kapag pumutok ang iyong panubigan pero walang contraction maaaring mag-induce ng labor sa iyo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maaaring mapansin din ang paglabas ng mucus plug na nagpoprotekta sa iyong uterus mula sa bakterya sa iyong pagbubuntis. Kung makakita ka ng bahid ng dugo sa iyong panty, asahan mo ang pag-labor anumang oras.

    Pag-induce ng labor

    Maaaring kausapin ka na ng iyong doktor tungkol sa pa-induce ng labor lalo na kung hindi ka pa rin nanganak sa susunod na linggo. Baka gawin niya na mas maaga pang araw basta wala namang magiging problema sa kondisyon mo at ng iyong baby.

    Karaniwan, hindi na naghihintay ang mga doktor ng dalawang linggo mula sa iyong past due date dahil maaaring magdulot ng komplikasyon ang iyong pagbubuntis.

    Hindi rin basta naman ginagawa ang pag-induce ng labor. May specific circumstances para gawin ito ng doktor katulad ng malalagay ka sa alanganing kondisyon o may banta ng panganib na sa iyong baby. Ang mga banta ay gaya ng pagputok ng panubigan o kakaunti na lamang ang amniotic fluid at kung may ibang komplikasyon din sa iyo.

    Samantala, maaari mong subukin ang ibang natural na paraan na makapagdudulot ng pagla-labor gaya ng paglalakad-lakad, paglalaro ng iyong nipple, o pakikipagtalik sa iyong asawa basta safe ito para sa iyo.

    Kapag handa na ang iyong baby na lumabas, may teorya na sinasabi na nagpapadala ng stress hormones ito sa iyong placenta para magbigay ng senyales na magsimula ng pagla-labor. Kailangan din ng baby mo ang hormones na ito para sa kaniyang paglabas sa mundo.

    Pagdating sa natitirang sintomas ng pagbubuntis sa Week 41 at 42, kumuha ng suporta mula sa ibang mom-to-be na nasa pareho mong sitwasyon din para maibsan ang iyong pag-aalala. At habang naghihihintay sa payo ng doktor, i-pamper ang iyong sarili para malibang at hindi labis na mag-worry. Konting tiis na lang!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close