-
Sintomas ng Pagbubuntis Linggo 6: Pumipintig na ang Puso ng Iyong Baby!
by Anna G. Miranda and Rachel Perez .
- Shares
- Comments

Ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-6 na linggo ay maaaring magdala ng samut-saring emosyon dahil kung huli o delayed ang pagdating ng iyong regla at nakipagtalik ka sa iyong fertile period, posibleng buntis ka, at ang home pregnancy test kit ang magkukumpirma nito.Maraming babae ang nakatutuklas na sila’y buntis sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-7 linggo, depende sa kanilang menstrual cycle. Maaari ding ulitin ang pregnancy test upang mas makasiguro sa resulta.
Mga senyales ng pagbubuntis Linggo 6
Posibleng nakumpirma na ang iyong pagbubuntis ngunit huwag kang magugulat kung hindi mo pa nararanasan ang pisikal na mga senyales nito. Samantala, abala na ang iyong katawan sa paghahanda para sa iyong baby.
Nagsisimula nang lumaki o mag-expand ang iyong sinapupunan, bagamat hindi ka pa magkakaroon ng baby bump. Ang paglaki ng sinapupunan ang nagbibigay espasyo para sa mabilis na paglaki ni baby at sa nabubuo mong placenta at amniotic sac at fluid. Patuloy ring dumarami ang dugo na kakailanganin mo sa buong panahon ng iyong pagbubuntis.
Ang parami nang parami na dumadaloy na dugo at ang produksyon ng hormone na hCG (human chorionic gonadotropin, na natutukoy o nade-detect ng home pregnancy tests), progesterone, at estrogen ang mga dahilan kung bakit marami kang nararanasang mga pagbabago sa iyong katawan.
What other parents are reading
Mga sintomas ng pagbubuntis Linggo 6
Ang mga pagbabagong iyong nararanasan ay sanhi ng sumusunod na mga sintomas ng pagbubuntis:
Heartburn at empacho
Asahan mo ang pagkakaroon ng heartburn hanggang sa isilang mo ang iyong anak. Sa aklat na What to Expect When You're Expecting, nakasaad na ang muscle sa itaas ng tiyan ay nagre-relax upang makapagbigay espasyo sa lumalaking sinapupunan. Iniiwasan din ng bahaging ito ng iyong tiyan na maipon ang digestive juices.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMadalas na pag-ihi
Pupunta ka nang mas madalas sa banyo at magigising sa hatinggabi upang umihi. Ang hCG mo ang dahilan ng pagdami ng dumadaloy na dugo sa iyong pelvic area, at ang iyong mga bato o kidneys naman ay nasasanay na rin sa katawan mong naka- pregnancy mode. Ang ibig sabihin nito’y maayos ang lahat at wala kang dapat alalahanin.
Ang madalas na pag-ihi ay normal ngunit hindi ito dapat masakit. Kung nakararanas ka ng masakit na pag-ihi, posibleng senyales ito ng urinary tract infection (UTI) na normal ding nararanasan sa pagbubuntis sa ika-6 na linggo. Kumonsulta agad sa doktor upang makasiguro.
Bloating, gas, at constipation
Kung sumasakit ang iyong tiyan, ang hormone na progesterone ang dahilan. Posibleng pakiramdam mo na namamaga ang iyong tiyan, o hirap kang dumumi. Ang contractions ng iyong muscle na karaniwang nagdadala ng pagkain sa iyong bituka ay higit na mas mabagal ngayong buntis ka. Isa pang posibleng dahilan ay ang ekstrang iron mula sa iniinom mong supplements.
Malambot na mga suso
Ang tila namamaga at malambot na mga suso sa ika-6 na linggo ay dahil sa mas mataas na levels ng pagdaloy ng dugo. Bumibigat din ang iyong dibdib at lumalaki ang areola o ang buong area ng iyong utong o nipple. Ang mga ito ay senyales na inihahanda na ng iyong katawan ang gatas na nakalaan para sa iyong baby.
What other parents are reading
Fatigue o labis na pagod
Nakakaramdam ka ng labis na pagkapagod at mabilis kang nauubusan ng lakas. Madalas ka ring dalawin ng antok pagkatapos ng simple at pang-araw-araw mong mga gawain. Dahil din ito sa progesterone, na maaaring mayroon ding sedative effect o pampatulog. Kailangan ng iyong katawan na mag-produce ng napakaraming dugo kung kaya’t mabuting tingnan ito bilang senyales na kailangan mo ring mag-dahan dahan lang.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPagkahilo at pagsusuka
Posibleng nakararanas ka na ng morning sickness, ngunit hindi lahat ng babae ay nagkakaroon nito. At kapag nangyayari ito, hindi laging sa umaga. May mga babaeng nakararanas nito buong araw, at ang iba’y kahit lampas pa sa unang trimester. Malaking bagay kung talagang lilipas ito sa pagpasok mo sa iyong ikalawang trimester. Ang ibang mga babae ay nagkakaroon ng matinding morning sickness na kung tawagi’y hyperemesis gravidarum na dapat mabigyan ng medikal na atensyon.
Mood swings
Naiinis o naiirita ka madalas. Minsan naman naiiyak ka na lang bigla dahil sa maliliit o random na mga bagay. Maaaring makaranas ka ng extreme na moods. Ang lahat ng ito ay dahil sa fluctuating hormones mo. Ang labis na pagod at ang pabago-bagong sugar leves, pati na rin ang iba pang mga pagbabago sa katawan ay mga salik din ng iyong mood swings.
Cramping at pagdurugo
Posibleng nakararamdam ka pa rin ng pananakit ng puson at mayroong kaunting pagdurugo. Kung ang sakit na nararamdaman ay higit sa tipikal na period cramps o kung mayroong matingkad at pulang vaginal discharge na kasama, agad na kumonsulta sa iyong doktor.
What other parents are reading
Ang paglaki ng iyong baby sa Linggo 6
Patuloy na lumalaki ang iyong baby at nagbabago ang kaniyang hugis sa ika-6 na linggo, ayon sa What To Expect. Kung mayroon kang ultrasound sa panahong ito, maaaring may makikita kang tila butete na embryo na sa sobrang liit, mukha itong mani, at mayroong habang 4 hanggang 7 milimetro.
Habang tumatagal, mas nagmumukha itong fetus ngunit hindi pa ito ganoon kabuo. Maaaring ituro ng iyong doktor ang ulo at dibdib; ang kaniyang mga bisig at binti ay tila pausbong pa lamang. Hindi rin maayos ang kabuuan ng mukha dahil mabubuo pa lamang ang kaniyang bibig at ilong. Ang mga pisngi niya, baba, at panga ay nagsisimula pa lamang mabuo, ganoon din ang bahaging mangitim-ngitim na magiging mga mata. Ang bahaging tila nakatupi sa magkabilang gilid ng ulo ang magiging tenga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng tila buntot sa dulo ng embryo ang magiging spinal cord ng iyong baby. Ito na rin ang panahong nade-develop o nabubuo ang utak ng iyong anak. Sa ika-6 na linggo, pati ang kaniyang kidneys, atay, at baga ay nabubuo na rin.
Sa Linggo 6 ng pagbubuntis, magsisimula na ang pagpintig ng puso ng iyong anak. Posibleng mahina pa ito at hindi pa made-detect ng doppler o stethoscope. Asahang mas lalakas ito sa susunod na dalawang linggo, nasa 150 tibok kada minuto, at maaaring makita mo pa sa ultrasound ang kumikibot na tuldok.
What other parents are reading
Ang mga dapat mong gawin sa Linggo 6 ng pagbubuntis
Kailangan mong magpa-iskedyul na ng appointment sa iyong doktor. Ilan sa mga doktor ay nagse-set ng checkup sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis upang maaga itong ma-monitor. Ang ilan naman ay sa ika-8 hanggang ika-10 linggo kung kailan mas madaling ma-detect ang tibok ng puso ng baby.
Mainam kung isusulat mo na ang lahat ng iyong maiisip na mga tanong upang hindi mo makalimutan, kahit parang mistula itong nakakatawa. Ang iyong obstetrician-gynecologist ang makasasagot sa mga ito. Gamitin mo rin ang unang prenatal checkup upang malaman kung komportable ka sa iyong doktor. Kung hindi naman, huwag kang matakot o mahiya na maghanap ng ibang magiging doktor na gagabay at mag-aalaga sa inyo ng iyong baby.
Magandang oportunidad din ito upang ipaalam sa iyong partner na buntis ka. Ang kaniyang pakikibahagi sa iyong pagbubuntis ang magpapagaan sa paglalakbay at bagong karanasan mo bilang ina. Kailangan ding simulan na ang planong pampinansyal at ang paghahati at pagde-delegate sa mga responsibilidad. Puwede na rin ninyong ibahagi sa inyong mga kapamilya at kaibigan ang balita, o kahit sa ilang piling mga tao lamang. Posibleng kakailangan mo rin ang tulong nila sa oras na maramdaman mo na ang lahat ng sintomas ng pagbubuntis. Dapat ding pakinggan mo ang iyong katawan at iwasang pagurin ang sarili sa panahong ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Hindi rin lahat ng buntis ay nakararanas ng morning sickness o constipation dahil ang bawat pagbubuntis ay naiiba. Gayunman, huwag kang mag-alala dahil mayroong mga puwedeng gawin upang maibsan ang nasabing mga sintomas:
- Iwasang magsuot ng masisikip na mga damit, lalo na ang mahigpit sa bandang tiyan.
- Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber.
- Magdahan-dahan lamang at huwag magmadali sa pagkain.
- Nakatutulong sa mga nahihilo ang pagkain na matatabang.
- Kumain nang tig-kaunti limang beses sa isang araw; piliin ang mga masustansiya.
- Ginger tea ang nakatutulong na maibsan ang morning sickness.
Kung tapos ka na sa iyong preconception checkup, ipagpatuloy mo lamang ang pag-inom ng prenatal vitamins at supplements. Maaari ding bumili ng chewables kung hirap ka sa pag-inom ng capsules.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 6: Your Baby's Heart Starts Beating!
What other parents are reading

- Shares
- Comments