Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Mga Sintomas ng Pagbubuntis Linggo 7: Nagsisimula na ang Paggalaw ni Baby
PHOTO BY iStock
  • Sa ika-7 linggo ng iyong pagbubuntis, isang buwan at dalawang linggo na ang dumaan sa loob ng siyam na buwang paglalakbay mo patungo sa pagiging ina! Halos nasa kalahati ka na rin ng iyong unang trimester. Kasama sa mga sintomas na mararanasan sa panahong ito ay ang iyong missed period kung kaya’t mas mabuti kung magsagawa ng pregnancy test upang makasiguro.

    Mga senyales ng pagbubuntis sa Linggo 7

    Wala ka pang makikitang malaking umbok sa iyong tiyan kahit na subukin mo pang bumuntonghininga, tumingkayad, at itulak paharap ang iyong tiyan. Sa kabila nito, sinasabi ng iyong katawan na mayroon ng “niluluto” sa iyong sinapupunan. 

    Naka-full pregnancy mode na ang iyong katawan, kasabay ng pagdami ng dugong dumadaloy sa iyong sinapupunan at mas mataas na levels ng iyong hCG (human chorionic gonadotropin, iyong nade-detect ng pregnancy home test), progesterone, at estrogen. Ang mga ito ang masisisi sa mga sintomas ng pagbubuntis na iyong mararamdaman. Ngunit mayroon ding kababaihan na walang nararamdamang kakaiba kahit sa ika-7 linggo ng pagbubuntis. (Napakasuwerte!) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mga sintomas ng pagbubuntis Linggo 7

    Sa ika-7 linggo, mayroon ka ng pregnancy signs na hindi mo na puwedeng balewalain. Maaaring mas bumigat din ang iyong timbang o mabawasan ito, depende sa mga sintomas na iyong nararanasan.

    Pagkahilo

    Ang pagkahilo at ang pakiramdam na para kang nasusuka ay posibleng madalas mo nang maranasan. Sana’y hindi ito ganoon kalala sa puntong kakailanganin mo na ng medikal na atensyon, tulad ng pagkakaroon ng hyperemesis gravidarum. Paano rin ba kahaharapin ang morning sickness? Subukin mong uminom ng ginger tea, vitamin B-6 supplements, o gumamit ng acupressure wrist bands. Ang pagkain ng matatabang at nang kaunti ay nakatutulong din upang maibsan ang pagkahilo. Masisiguro din nitong hindi sobra ang iyong kinakain araw-araw. 

    Sobrang paglalaway

    Maaaring napapansin mo ring sa panahong ito, mas marami kang laway kaysa dati. Posibleng dahil ito sa morning sickness at inaasahang matitigil din sa oras na Magsimula na ang iyong pangalawang trimester. Mainam din ang pagnguya ng sugarless gum. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Heartburn at indigestion

    Progesterone ang nagpapa-relax sa muscle valve, ang bahaging nasa gitna ng tiyan at esophagus. Ang ibig sabihin nito, mas posibleng maipon ang digestive juices. Lumalala ang ganitong kalagayan sa paglaki ng iyong sinapupunan dahil mas sumisiksik ito sa iyong tiyan. Kung hindi maayos ang muscle valve, Makatutulong kung babagalan mo ang pagkain at uminom ka lamang kapag tapos ka nang kumain. Iwasan ang mga maaanghang, mamantika, at ang mga puno ng taba upang hindi makaranas ng heartburn. 

    Madalas na pag-ihi

    Mas madalas ang pagpunta mo sa banyo, kahit pa sa hatinggabi dahil dumarami ang dugo sa iyong pelvic area. Ang lumalaki mong uterus ay dinidiin na rin ang sarili sa iyong bato o kidneys na doble-kayod din ngayong buntis ka. Kung dumaranas ka ng masakit na pag-ihi, kailangang kumunsulta agad sa doktor dahil posibleng senyales ito ng urinary tract infection (UTI).

    Acne

    Ang acne breakouts o pagdami ng mga tagiyawat sa iyong mukha o sa likod ay bahagi ng tinatawag na odd pregnancy symptoms, at nahulaan mo ngang dahil ito sa mga hormonal na pagbabago sa iyong katawan. Ito nga ang dahilan, o maaaring tumigil ka na sa paggamit ng mga produktong para sa balat hanggang sa una mong prenatal checkup. Hindi lahat ng babae ay nakararanas nito; mayroong ilan na diretso na sa pagkakaroon ng tinatawag na "glow," na ang isa sa mga dahilan ay ang increased blood flow sa buong pagbubuntis mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag kang mag-alala! Makukuha mo ang tinatawag nilang “glow” ng buntis kapag stable na ang iyong hormones. Makabubuti kung regular ang paghuhugas ng mukha gamit ang mild, gentle soap at tubig. Kumunsulta rin sa doktor kung ano-anong mga produkto ang dapat mong gamitin.

    More from Smart Parenting

    Malambot na mga suso

    Ang tila pamamaga at malambot na mga suso ay maaaring dala ng dumaraming dugo at ng paghahanda ng katawan para sa pagpo-produce ng gatas. Maaari ding maramdaman mong mas mabigat ito, mas malaki ang areola, at tila nangingitim ang bandang utong o nipple. 

    Fatigue

    Sisihin mo ang pataas nang pataas na levels ng iyong hormone na progesterone, na mayroong epektong nakapagpapaantok. Dahil na rin sa abala ang iyong katawan sa pag-produce ng dugo. Panahon na rin ito upang making sa iyong katawan at maghinay-hinay lamang. Magpahinga ka nang mabuti at matulog kung kailangan, kahit pa buong araw mong kakailanganing manatili sa iyong kama. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paglilihi 

    Ang pagiging sensitibo ng iyong ilong ang dahilan kung bakit ayaw mo ang ilang amoy tulad ng bawang o ang aftershave ng iyong asawa. Naaapektuhan din nito ang iyong panlasa kung kaya’t kung minsan, nandidiri ka na sa mga putaheng dati naman ay gusto mo. Posible ring maghanap ka ng matatamis o maaalat na mga pagkain, wirdong kombinasyon o combos, o kahit anong pagkain sa mga unusual na oras. 

    Mood swings

    Naiinis o naiirita ka madalas. Minsan naman naiiyak ka na lang bigla dahil sa maliliit o random na mga bagay. Maaaring makaranas ka ng extreme na moods. Ang lahat ng ito dahil sa fluctuating hormones mo. Ang labis na pagod at ang pabago-bagong sugar leves, pati na rin ang iba pang mga pagbabago sa katawan ay mga salik din ng iyong mood swings. 

    Cramping at spotting

    Posibleng nakararamdam ka pa rin ng pananakit ng puson at mayroong kaunting pagdurugo. Kung ang sakit na nararamdaman ay higit sa tipikal na period cramps o kung mayroong matingkad at pulang vaginal discharge, agad na kumunsulta sa iyong doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang paglaki ng iyong baby sa Linggo 6

    Madalang na may nagpapa-ultrasound sa ika-7 linggo ng pagbubuntis, ngunit kung hingin ito ng iyong doktor, ito ang mga maaaring makita mo.

    Ang lifeline system ng iyong baby ay malapit na ring makumpleto. Mayroon na itong amniotic fluid and sac at ang nabubuong placenta, na magiging source o pagmumulan ng oxygen at mga nutrients hangga’t nasa sinapupunan mo ang iyong anak. Sa panahong ito, makikita na rin ang umbilical cord na nasa pagitan ng placenta at ang mabilis na nabubuong embryo.

    Ayon sa What To Expect, sa linggo 7, ang iyong anak, na nasa isang pulgada na ang haba o kasinglaki ng blueberry, ay mayroon na ring buong mga bahagi ng katawan nito, mga bisig, siko, tuhod, at mga binti. Sa kabilang banda, magkakadikit pa ang kaniyang mga daliri sa kamay at paa. 

    Mas malinaw na rin ngayong ang mukha ng iyong anak. Ang embryo ay kakikitaan na ng bibig, ilong, mga tenga, at mga mata. Ang utak ng iyong baby na nasa loob ng transparent na bungo ay nagge-generate na rin ng 100 brain cells kada minuto. Sa linggong ito rin nabubuo ang dila at tooth buds. Ang mga bato o kidneys ay nabubuo na rin, at magsisimula na itong umihi sa loob ng iyong sinapupunan. Dinisenyo ang sistema sa iyong sinapupunan upang ang lahat ng ito ay maging posible kung kaya’t wala kang dapat na ipag-alala. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mo pa ito mararamdaman, ngunit ang iyong baby ay magsisimula na ring gumalaw, na makikita mo rin sa ultrasound. Pasalamatan mo ang amniotic fluid na nagbibigay rin ng espasyo sa iyong baby upang gumalaw at mas tumaas ang antas ng kaniyang brain activity. Magsisimula mo na ring maramdaman ang paggalaw ng iyong baby kapag apat na buwan na ang iyong pagbubuntis.

    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin sa Linggo 7 ng pagbubuntis

    Higit pa sa resultang nakuha sa pregnancy test at pagpunta sa preconception checkup, ang pagkain ng masusustansiyang pagkain, pag-e-ehersisyo, at pag-inom ng prenatal vitamins at iba pang pregnancy supplements ay kailangan mong gawin mula ngayon.

    Kailangan mong i-schedule ang unang prenatal appointment

    Karamihan sa mga doktor ay nag-i-iskedyul ng unang checkup sa Linggo 8 hanggang 10 ng iyong pagbubuntis kung kailan mas madaling ma-detect ang pagtibok ng puso ng iyong baby.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isulat mo ang lahat ng mga tanong na maiisip tungkol sa iyong pagbubuntis

    Tanungin mo ang doktor ng kahit ano kaugnay ng iyong pagbubuntis. Kailangan niyang masagot ito upang mapakalma ka. Mas dapat na tanungin ang iyong doktor kaysa sa Google! Gamitin mo rin ang unang prenatal checkup na ito upang malaman kung komportable ka sa iyong doktor. Mabibigyan ka nito ng sapat na oras na maghanap ng ibang doktor kung hindi ka komportable sa unang pinuntahan.  

    Mag-research tungkol sa routine prenatal tests

    Kung mayroon kang nabisitang obstetrician-gynecologist, posibleng pinakuha ka na niya ng blood test para sa CBC (complete blood count), blood typing at Rh status and antibody screening, at blood sugar levels (huwag kang mag-alala; hindi pa ito ang may napakatamis na inumin!). Posibleng humingi na rin siya ng resulta ng mga sumusunod: urinalysis, Hepatitis B at Syphilis screening test, at pati na rin ng pap smear. Ilan lamang ang mga ito sa mga routine prenatal tests upang matukoy kung kumusta ang kalagayan ng iyong kalusugan sa puntong ito ng iyong pagbubuntis. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magsimula na sa pagde-delegate ng mga responsibilidad

    Kung hindi mo pa nasasabi sa daddy-to-be, ito na ang panahong dapat na ring ipaalam sa kaniya ang magandang balita. Isama mo siya sa iyong pregnancy journey, at totoo rin namang kakailanganin mo ang lahat ng tulong na maibibigay sa iyo ng mga tao sa iyong paligid. 

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 7: Your Baby Has Started Moving!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles